Kabanata 17

14 2 0
                                    

S-sinong Ash?

"She's my ex girlfriend. Wait, no. I don't even considered her as my ex. She's my bestfriend actually"

N-naguguluhan ako.

"I didn't want her to be my girlfriend, never in my mind na pumasok sa isip ko yan. She's only my bestfriend, that's it."

"E-eh pano naging kayo?" Hindi ko na mapigilang magtanong.

"Her mom forced me to court Ash. Nagmakaawa siya sakin she even cried in front of me dahil nga suicidal si Ash. So I had no choice kundi ligawan si Ash" Nakaramdam ako ng awa kay Dyrroth. Hindi ko alam na may pinagdaanan pala siya na ganyan kalala.

"Of course, knowing Ash na may gusto sakin sinagot niya ko agad. I tried to love her, pero hanggang kaibigan lang talaga. Alam kong she also did her best to make me fall inlove with her but she didn't succeed"

Ramdam ko yung kalungkutan sa boses ni Dyrroth, gusto ko siyang yakapin pero ayokong masira moment niya.

"So I decided to break up with her. Nakokonsensya kasi ako eh, I can't love her the way she loves me. Nung nakipag break ako sakanya, she didn't say anything but she told me that she's okay and I know that was a lie"

Nakikinig lang ako sakanya.

Sadness.

Iyan ang nakikita ko sa mga mata niya

"After that, di na ulit kami nag-usap nor nagkita. Then one time, her mom called me. Asking me to come over to their house" Tumingin siya sa langit at nakita ko ang paulit-ulit niyang paglunok.

"I didn't hesitate, nagmadali akong pumunta sa bahay nila dahil parang emergency talaga. Pagkarating ko ng bahay nila, I saw Ash" He cleared his throat before he speak again. "S-she's holding a g-gun at n-nakatutok sa ulo niya. I talked to her, I told her na babalikan ko siya. Na mamahalin ko siya, I tried everything para hindi niya matuloy yung balak niya"

Nagulat ako. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Nakita kong pumatak ang mga luha ni Dyrroth. Hindi ko akalaing makikita ko siyang umiiyak.

"B-but I failed. B-binaril niya yung sarili niya a-and that's my fault. My fucking fault" Nakita kong tumulo ang mga luha ni Dyrroth.

Hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya.

"Ssshhh, no. It's not your fault, wag mong sisihin sarili mo" Sabi ko dito.

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak, ngayon lang may umiyak sa harapan ko.

Nalulungkot ako para kay Dyrroth.

Iyak lang siya ng iyak. Akala ko, babae lang ang mahina. Akala ko babae lang ang iyakin, akala ko babae lang ang malambot ang puso pero mali ako.

Dahil kahit lalaki nasasaktan.

Hindi sila kasing tatag at kasing lakas gaya ng naiisip ko.

Hindi sila maton, dahil umiiyak din sila.

Gaya ng mga babae, umiiyak din sila kapag nasasaktan.

Hindi ko lubos na maisip na makikita ko ang pagiging mahina ni Dyrroth.

"Diba sabi mo sakin, ang yakap ay nakakatulong? Kaya sana, sa pamamagitan ng yakap ko nakatulong ako sayo" Sabi ko and Dyrroth hugged me back.

Maya-maya ay humiwalay na siya sa yakap, ngumiti ito saakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"I told everything to you because I just want to be honest with you. See? That's how I love you"

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon