Kabanata 5

17 7 0
                                    

ILANG buwan na ang lumipas, mula nung ginawa kong paglalaslas. Masasabi kong hindi na ko gaanong nag oover think, dahil kila Gwyneth, Matthew at Dyrroth.

Oo, mas naging close pa ko sa tatlo. Madalas kaming magsama-sama sa loob ng school, kaya madalas kaming nagiging center of attraction.

Si Matthew ay mas naging close sakin simula nung insidente na yun, para na raw niya kong kapatid. Naikwento niya samin na mayroon daw siyang kapatid, pero never niya pa daw tong nakita. Kaya ako na lang daw muna ang kapatid niya.

Si Gwyneth naman ay mas lalong nagiging madaldal, nakakatuwa nga eh. Kasi madalas, hindi siya nauubusan ng topic kahit walang kwenta yung topic niya patuloy pa din siya sa pagkekwento. Kunyari na lang ay pinakikinggan namin siya pero hindi naman talaga.

Si Dyrroth naman, hindi naman kami gaanong kaclose pero nag-uusap naman kami paminsan-minsan kaya okay na rin yun.

Ngayon ay nandito kami sa kung saan namin nakasanayang tumambay. Sa may rooftop ng lumang building dito sa school.

Kung saan binalak kong tumalon.

"So Vex, anong plano mo for christmas vacation?" Tanong ni Gwyneth.

"Hmm, gaya ng dati wala. Sa bahay lang ako" Which is totoo naman. Every christmas, lagi lang akong nasa bahay. Nagmumukmok. Pinapapunta ako nila Tita sa kanila, pero mas pinipili ko na lamang mag-isa at magmukmok.

"Ano ba yan Vex, lungkot naman kung ganon. Eh bakit di ka na lang kila couz mag christmas? Diba Matthew?" Napatingin ako kay Gwyneth.

Couz?

"Huh? Magpinsan kayo?!" Gulat kong tanong.

"Ah eh, oo hehe" Sabi ni Gwyneth at umiwas ng tingin sakin.

"Eh akala ko magkaibigan lang kayo? Diba yun yung sabi mo sakin Gwyneth?"

"Don't mind her. Ganyan talaga yan si Gwyn, lagi akong pinapakilala bilang kaibigan niya" Sabi naman ni Matthew.

"Eh kasi naman couz, pag inintroduce kita bilang pinsan ko for sure madaming makikipagkaibigan sakin para ilakad ko sila sayo.  Like duh, I hate plastic" Umirap pa si Gwyneth.

"Tss, eh mas gwapo pa nga ako kay Matthew" Pagsingit naman ni Dyrroth, sinamaan namin siya ng tingin.

"Oh teka, bat naman kayo ganyan makatingin?" Nagtatakhang tanong nito pero hindi na namin siya sinagot.

"Oo nga Vex, Gwyn is right. Saamin ka na lang mag celebrate ng Christmas, don't worry kumpleto tayong apat dun." Matthew.

"Pag-iisipan ko pa" Sabi ko.

Ayoko naman kasing magdesisyon agad-agad.

"Haynako Vex, pag-isipan mo agad-agad huh? Nako kung hindi, kakalbuhin kita!" Sabi naman ni Gwyneth kaya napatawa ako.

Napatigil lang ako ng tawa nung napansin kong nakatingin silang tatlo sakin.

"Ah.. Eh... May dumi ba ko sa mukha?" Nagtatakang tanong ko habang nakaturo ako sa mukha ko.

"No, it's not like that. This is our first time to hear you laughing"

"Omg Vex! I'm so proud of youuuu! I know I'm weird but I'm so happy, finallyyyy!" Masayang-masayang sabi ni Gwyneth.

Napangiti naman ako. Kahit ako, hindi ko inakala sa sarili ko na magagawa ko ulit tumawa katulad ng ganito.

"Mas bagay pala sayo ang nakatawa, kaya dapat lagi kang nakatawa" Sabi ni Dyrroth, sinamaan ko naman siya ng tingin.

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon