Kabanata 14

18 7 0
                                    

Matthew

Nang makumpirma kong si Vex ang kapatid ko, natuwa ako. Kasi finally, pagkatapos ng ilang taon nakita ko na yung kapatid ko na matagal na naming hinahanap. I decided to tell her dahil ayaw kong maubusan ng oras. Gusto ko kahit sa huling sandali ni Mom ay maging masaya siya, makita niya si Vex. Inasahan kong magiging ganon ang reaction ni Vex, pero naglakas loob pa rin ako.

Nagulat lamang ako sa sinabi niyang gusto niya ko, hindi ko inaasahan yun. Aaminin kong sa una, nagkagusto din ako sakanya pero agad ko din yung pinigilan dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Sa tuwing nakatingin ako sakanya, nakikita ko sakanya si Mom.

I already told Gwyn about Vex, of course she was shocked because she didn't expect that her instinct was actually right. The real reason why she befriend Vex, dahil nakita niya ang pagkakahawig ni Mom kay Vex. Pero as the time goes by, mas nakikilala niya si Vex and nalulungkot siya para kay Vex.

She tried to call Vex yesterday pero hindi ito sinasagot ni Vex when we tried to call her again, nakapatay na cellphone niya.

Ngayon ay nasa hospital pa din kami. Tinanong ko sa Doctor ni Mom kung pwede muna namin siyang iuwi and he told us na pwede na daw namin siyang iuwi. Pero hindi daw ibig sabihin nun ay okay na daw si Mom, still meron pa din daw itong taning.

Habang nasa biyahe ay nakangiti si Mom dahil ngayon na lang sya ulit nakapag biyahe, ngayon na lang siya ulit nakalabas ng hospital. Seeing her happy is also my happiness.

When we got home, kumpleto kami. Andyan ang parents ni Gwyn, ang kapatid niyang si Guinnevere at syempre si Dad nandyan. Pagkapasok niya ng bahay ay di niya maiwasang hindi maluha dahil sa sobrang saya. Niyakap ni Dad si Mom ng mahigpit, tipong hindi niya kayang mawala si Mom.

Dinala ko muna si Mom sa kwarto niya para makapagpahinga. Humiga ito ng may ngiti sa labi. Habang inaayos ko ang gamit niya ay bigla itong nagsalita.

"It's her birthday today" Every december 24th, laging yan ang sinasabi niya. Every year din, nagpapabili ito ng regalo para sa kapatid kong yun or should I say para kay Vex. Since when I was a child, nakikita ko yung mga binibili ni Mom nariyan ang mga barbie, doll house at kung ano-ano pang pambabae na damit. Actually, may kwarto dito si Vex at doon namin nilalagay yung mga regalong ibinibili namin for her. Kulay pink ang kwarto nito gayon din ang mga gamit nito at araw-araw din namin itong pinapalinis kay Manang.

Sinabi ko na kay Mom na nakita ko na siya, sobrang saya niya nung sinabi ko yun sakanya. Pero hindi ko sinabi sakanya na ayaw na siyang makita ni Vex. Pero gagawin ko lahat ng kaya kong gawin para lamang makita ni Mom si Vex, ang matagal niya ng hinahanap.

"Should we buy a gift for her?" Tanong ko dito.

"No, I want to give it to her" Sabi nito at may kinuhang kung ano sa drawer.

'A necklace?'

Hindi na ko sumagot, kailangan ko munang mapilit si Vex.

"Hmm okay. Mom you have to take a rest now. I'll just wake you up before midnight okay?"

"Osige, sana makita ko na siya" And then she close her eyes.

'Don't worry mom, I'll do anything to make you happy. I'll do anything to bring her here.' I murmur before I leave her room.

Vex

Ilang oras na lang ay mag 12:00 am na. Nandito ako ngayon sa kwarto, kinuha ko ang mga regalong ibinalot ko nung nakaraang buwan pa. Iniwanan ko yung tatlo na para kila Gwyn. Hindi ko alam kung ibibigay ko pa ba yan o ano.

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon