Matthew
"Tita, kamusta na po?" Tanong ni Gwyn kay Mom.
"O-okay lang ako" Kahit nahihirapang magsalita, ay pinilit niya pa ding sabihin na okay siya kahit na alam naman naming hindi.
Tsk.
"Mom, we bought some fruits for you" Sabi ko dito at pinakita ang bitbit ko. Hinalikan ko ito sa noo.
"K-kamusta ang pag-aaral niyo?"
"Okay naman po tita, may bago na din po kaming friend nila Matthew. Hehehe" Pilit pinapasaya ni Gwyn ang sarili niya.
"T-that's good for you. Matthew anak" Tawag sakin nito, umupo ako sa tabi nito.
Napansin ko ang pangangayat nito, ang mga matang dating kay sigla ngayon ay mapapansin dito na nahihirapan na siya.
Gusto kong maiyak sa sitwasyon niya ngayon, gusto kong humagulgol ng iyak pero hindi. Hindi pwede dahil kailangan sa harap ng nanay ko ay matatag ako.
'6 months'
Anim na buwan na lang. Anim na buwan na lang ang itatagal ng nanay ko. Anim na buwan na lang, lilisan na siya sa mundong ito.
Matagal ng may taning ang buhay nito, ngayon ay anim na buwan na lamang ang nalalabing panahon ang itatagal niya dito.
"K-kamusta ka na?"
Tanong nito sakin, hinawakan ko ang mga kamay ni Mom.
"I'm okay mom, gwapo pa din" Pilit kong pinasigla ang tono ng pananalita ko.
"Mabuti naman k-kung ganon" Bumuntong hininga ito "N-nahanap mo na ba siya?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Mom.
"Hindi pa po pero ramdam kong malapit ko na siyang mahanap."
Sumilay ang mga ngiti nito sa labi.
"T-talaga? N-nako kung ganon nga masaya pala akong aalis. Atleast pag lumisan na ko makita ko siya"
"M-mom wag ka naman magsalita ng ganyan" Malungkot kong sabi.
"A-ano ka ba Matthew, t-tanggap ko nanaman na m-mawawala na ko" At tyaka ito ngumiti.
Hindi ko na nagawa pang magsalita, pinilit kong hindi maiyak sa harapan niya at nagtagumpay naman ako.
"Gwyn, ikaw munang bahala kay Mom huh? May pupuntahan lang ako sandali" At tyaka ako tumayo. Bumaling ulit ako kay Mom "Mom, may pupuntahan lang ako" Paalam ko dito. Tumango ito bilang sagot.
Pagkalabas ko sa kwarto ay napasandal ako sa may pinto. Isang malalim na buntong hininga ang inilabas ko.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mawala si Mom. Hindi ko pa kaya, hindi pa ko handa. Hindi ko na kayang magpanggap ng masaya sa loob ng anim na buwan pero pinipilit ko pa din.
Anim na buwan na nga lang itatagal niya, pero kailangan niya pa din manatili sa ospital.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nasa chapel na ako dito sa hospital.
Dahan-dahan akong pumasok sa chapel. Lumuhod ako sa may luhuran at marahang ipinikit ang mga mata.
"A-alam kong hindi ako naging mabuting anak, h-hindi ko alam kung paano ko ba to sisimulan. P-Panginoon, nakikiusap ako.... Nakikiusap a-akong patagalin niyo pa ang buhay ng nanay ko. H-hindi ko kaya, h-hindi ko kaya. N-nakikiusap ako" Hindi ko na kayang magsalita. Hagulgol na ang lumalabas sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
Don't Leave Me
Short StoryPara kay Vexana, ang buhay niya ay walang kwenta. Paano nga ba naman magkakaroon ng kwenta buhay niya kung pinaramdam sa kanya noon na wala siyang kwenta? Naging mailap siya sa mga tao, para sakanya mas okay na rin yung mag-isa ka. Kasi wala namang...