Para kay Vexana, ang buhay niya ay walang kwenta. Paano nga ba naman magkakaroon ng kwenta buhay niya kung pinaramdam sa kanya noon na wala siyang kwenta? Naging mailap siya sa mga tao, para sakanya mas okay na rin yung mag-isa ka. Kasi wala namang makakaintindi sakanya kundi amg sarili niya lang. Takot siyang magkwento sa iba, dahil iniisip niya na huhusgahan lamang siya. Nagbago lamang ang pananaw niya sa buhay ng makilala niya ang tatlo. Gwyneth Matthew Dyrroth Nang makilala niya ang tatlo, naramdaman niya ulit kung paano pahalagahan, kung anong pakiramdam ng may nag-aalala sayo sa tuwing gumagawa ka ng mga bagay sa sarili mo na hindi maganda.