***
UNIQUE PYRUS SALVATORRE's POV
If we fall in love
Maybe we'll sing this song as one
If we fall in love
We can write a better song than this
If we fall in love
We will have this melody in our heads
If we fall in love..Sinasabayan ko ang kantang If We Fall In Love habang paulit-ulit itong tumutugtog sa Spotify playlist ko. Kasalukuyan akong bumibiyahe patungo sa trabaho.
Antok na antok man ay kailangan ko pa ring pumasok para sa ekonomiya ng bansa pero siyempre biro lang, para pa rin sa akin at sa pamilya ko at sa luho ko. At syempre nang hindi ako malintikan sa team leader namin. Well, mabait naman siya kaso madalas daig pa ang may dalaw lalo na kapag nalilate ako."Manong, para!" sigaw ko sa driver ng bus na sinakyan ko saka mabilis na bumaba. Muntikan pa akong sumubsob sa upuan nang malakas na nag-preno ang driver. Pinigilan ko rin ang sarili kong simangutan si Manong driver dahil sa pagkapahiya ko. Pasado alas-onse na ng gabi at mangilan-ngilan na lang ang mga naglalakad sa daan. Medyo creepy dahil madilim na at iilan na lang ang tao sa kalsada. Alas-dos ng madaling araw ang oras ng shift ko pero pinilit ko lang na pumasok ng maaga para makaiwas sa mga loko sa daan. Mahirap na at baka madale ang ganda ko. Sayang iyon pag nagkataon. Dahil nga sa sobrang antok ay makailang beses pa akong naghikab bago nakarating sa loob ng mall kung saan naroon ang opisina namin.
Isa akong call center agent kaya panggabi ang pasok ko since nakabase sa United States ang account na hawak namin.
Maraming nagtatanong sa akin noon kung bakit mas pinili kong magtrabaho bilang call center agent gayong nakatapos naman ako ng kolehiyo. Well, I am just being practical here. Mas malaki ang sweldo ko ngayon kumpara sa mga naging trabaho ko dati. Kaya minsan naiirita ako sa mga taong minamaliit ang mga call center agent na katulad ko. Akala kasi nila ay cheap ang mga nagtatrabaho sa call center pero hindi nila alam na isa ang mga call center company sa nag-aangat ng ekonomiya sa bansa. Bukod pa roon ay halos kayang maging isang accountant, psychologist, actress/actor ng mga call center agent dahil halos iba't ibang klase ng ugali ng mga tao ang nakakausap at nakakasalamuha ng mga katulad namin.
Gamit ang company ID ay tinap ko iyon sa scanner. Saglit na inspection muna ang ginawa ng guard na naka-assign ngayong gabi sa bag na dala ko pagkatapos ay saka na dumiretso sa may tapat ng elevator. Kaso kamalas-malasang paakyat pa lamang ito sa 3rd floor kaya kailangan ko pang maghintay ng ilang minuto. O kung hindi man ay baka matagalan kung maraming sakay ang elevator.
"Unique!"
Sigaw ng isang pamilyar na boses at nang lingunin ko iyon ay si Lujille lang pala. Isa sa mga kasamahan kong call center agent at the same time ay kaibigan ko na rin. Pareho kaming nasa iisang team kaya mabilis din kaming nagkasundo noong nagsisimula pa lang ang training namin.
"Uy! Buti na lang," ani ko sa kanya sabay kapit sa braso niya.
"Bakit?" tanong niya sa akin.
"Buti na lang at dumating ka. May kasabay na akong papasok," sagot ko at natawa naman siya sa akin.
"Well, may isa ka pang kasabay." Ngisi-ngisi niyang saad kaya nagtaka ako sabay taas ng kaliwang kilay. Oo, medyo attitude ako. Bakit ba?
At sino naman itong tinutukoy niya?
"Sino?"
"Si crush mo teh. Nakita ko siyang papasok pa lang dito kaya nagmadali ako."
Napakagat-labi ako at pilit na itinago ang kilig nang marinig iyon kay Lujille. Alam niya kung sino ang crush ko sa office pero yung taong gusto ko, hayun hindi niya alam na gusto ko siya. Ang labo 'di ba? Pero, teka lang.. alas-diyes ang oras ng shift ng lalaking iyon. Bakit alas-onse siya dumating? Isang oras na siyang late sa trabaho niya.
"Iba din kayo ano? Magkasama na nga kayo sa trabaho pati sa bahay pero hindi niyo man lang magawang magpansinan." Mayamaya ay bulong ni Lujille na ikinatawa ko. Swerte at kaming dalawa pa lamang ang naghihintay sa pagbaba ng elevator sa ground floor kaya malaya kaming mag-tsismisan tungkol sa taong kinahuhumalingan ko. At alam din ni Lujille na kasama ko si Jainum sa iisang bahay. Jainum Damien Vannevar ang buong pangalan niya. 25 years living on earth. Gwapo, matangkad pero suplado, masungit at snob. Tsk. Tsk.
"Hindi ko rin alam kung bakit hindi kami close. Hahaha!" sagot ko na lamang.
"Weh? Baka naman sa office lang kayo hindi close tapos sa bahay sobrang clingy kayo sa isa't isa?"
Sana nga. Kaso sobrang labo. Baka nga araw-araw may party sa bahay kung nangyari iyon.
"You wish, Lu. Hahaha. Sana nga ganoon pero hindi talaga. Saka hindi namin bahay iyon. Nangungupahan lang kami." Muli na namang paliwanag ko kay Lujille.
Oo. Kasama ko sa iisang bubong ang taong gusto ko pero never, as in never kaming naging close. Kung mag-usap man kami ay sobrang saglit o kung patungkol lang sa bayarin sa bahay. Pagkatapos ay balik na sa kanya-kanya naming buhay. Magkatabi nga ang kwarto namin pareho. Iisa ng kusina, ang sala at banyo pero para kaming hindi magkakilala sa loob at labas ng bahay. Napakalaki ng harang na mayroon kami.
"Kawawang puso. One-sided love."
"Shut up ka na! Nakita ko na siya," bulong ko kay Lujille nang makita kong papasok na si Jainum sa loob ng mall. Seryoso ito habang naglalakad habang nakapasok sa loob ng bulsa ng pantalon ang magkabilang kamay. Wala itong dalang bag na madalas niyang bitbit sa office.
Tumahimik naman si Lujille pero alam kong gusto niyang ilabas ang kilig niya. Hanep 'di ba? Ako yung may gusto pero siya pa ang may lakas loob na kiligin. Number supporter siya ng loveteam namin.
"Hi Jainum!" Ngiti-ngiting bati ni Lujille kay Jainum nang tuluyan na itong makalapit sa amin. Tinanguhan lang ni Jainum si Lujille kaya lihim akong natawa. Na-ignora ang ganda ng kaibigan ko.
Sakto rin ang dating ni Jainum nang bumukas ang pinto ng elevator. Binati namin ni Lujille ang nag-ooperate ng elevator saka natahimik na. Awkward. Oo iyon lang ang masasabi ko. Ang awkward naming tatlo sa loob ng elevator maliban kay Kuya na nag-ooperate nito.
Nang makarating kami sa opisina ay agad na akong dumiretso sa station ko which is yung kinapupwestuhan ko tuwing gabi. May set ng personal computer, headset at ang tinatawag na avaya. May nakadikit ding ilang sticky note kung saan nakasulat ang mga importanteng key of words sa account na hawak namin.
Umupo ako at sinimulan ng i-set up ang computer ko. Muli na naman akong humikab dahil sa antok. Oh, well. Talagang ganito palagi sa office. Kahit 8 hours ang tulog ko ay kulang na kulang pa rin iyon.
"Good luck."
I make face nang ibulong iyon sa akin ni Lujille at tinawanan lang ako ng gaga. Ang lakas talaga nitong mang-asar kahit kailan.
"Dalawang station lang pagitan niyo ng crush mo. Ayieee."
"Tigilan mo ako Lujille. Mag set-up ka na nga lang ng mga tools mo. Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya at tatawa-tawa naman itong nagtungo sa pwesto niya.
At ako? Medyo awkward pa rin kahit sabihing dalawang upuan lang ang layo ko kay Jainum. Nakasandal siya sa swivel chair habang suot ang headset niya. Pasimple ko pang tiningnan si Jainum bago lingunin ang nasa tabi ko.
"Althea," pagtawag ko rito.
"Yes, Unique?"
"Kasi kakaiba ako."
"Ha?" Okay. Ang corny yata ng joke ko. Hindi niya nakuha. Mukhang na-weirduhan pa siya sa sinabi ko.
"Wala. Pwede pakigising ako bago mag-two am?" tanong ko sa kanya. Kailangan kong makatulog kahit mga dalawang oras lang tutal ay may ilang oras pa naman bago ang mismong oras ng shift ko. Sana lang ay hindi ako makatulog ng mahimbing, kundi ay patay talaga ako.
"Sige. Tulog ka muna riyan."
"Thanks Althea! Libre kitang lunch later." Huling saad ko bago ko ipikit ang mga mata ko.
Sana magising agad ako ng mabilis.
-
Song Title:
If We Fall In Love by Yeng Constantino and RJ Jimenez
BINABASA MO ANG
Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)
Short StoryUnique Pyrus Salvatore is a tenured call center agent who is living with her long time crush and co-workmate Jainum Damien Vannevar. Ang pinakamisteryoso, masungit at iritableng crush ni Unique. Daig pa ang mga estranghero kahit na laging nagkakasam...