Kinaumagahan ay nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot sa akin ang kumot na gamit ko kagabi. Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball at as usual ay hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon ay pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko.
"Go Lujille!"
"Hoy Lujille, ayusin mo yung laro!" Sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko. Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola.
"Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.
Kanya-kanya silang sigaw at pagcheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball kalaban ang kabilang team. Malakas akong napatawa ng sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola ay napunta ito kay Tyron at nasapul sa ulo kaya na bigla na lamang tumumba kaya saglit nilang itinigil ang laro. Lumapit ako kay Tyron na nakahiga na sa buhanginan. Sapo ang ulo. Nakapikit ito nang lapitan ko.
"You okay, Ty?" tanong ko at inalalayan itong umupo.
"M-medyo. Aray. Ang sakit nun ah! Hoy Lujille may galit ka sa akin ano?!" pabirong sigaw nito kay Lujille na nag-peace sign sa kanya.
"Ty, may bukol ka. Hahaha!" sabi ko pa at hinawakan naman niya ang parte ng ulo niyang may bukol saka napa-aray. Mukhang napalakas ang paghampas ng bola sa ulo ni Tyron kaya ito nabukulan.
"Grabe. May galit yata sakin iyang kaibigan mo Unique. Ang sakit," reklamo niya.
"Tara na muna doon sa cottage lagyan natin ng cold compress iyang bukol mo," pag-aya ko sa kanya at inalalayan siyang tumayo.
"Hindi ka ba nahihilo?" tanong ko pa.
"Hindi naman. Huwag ka ngang sweet sa akin Unique baka mahulog ako!"
"Hahaha! Baliw ka talaga. Tara na."
Naglakad na kami pabalik sa cottage habang panay kantiyaw sa amin ng mga kasamahan namin. Tanging pagtawa lamang ang ginawa namin ni Tyron sa bawat pang-aasar nila. Alam kong nagbibiro lang si Tyron ng sabihin nitong gusto niya ako kaya walang malisya sa akin na tinulungan ko siya ngayon.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong niya habang nasa loob kami ng kwartong tinutuluyan niya at nakalagay ang cold compress sa ulunan niya.
"Oo naman. Bakit?"
"Buti hindi naglikot yung katabi mo?"
Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Hindi naman. Bakit anong meron sa katabi ko kagabi?"
Halatang nagulat siya sa sinagot ko. Anong meron?
"Hindi mo ba alam kung sinong katabi mo kagabi?"
Umiling ako.
"Nakatalikod sa akin kaya hindi ko nakita kung sino iyon. Bakit ba?"
"Sigurado ka? Hindi mo talaga alam kung sino?"
Napailing akong muli pero this time ay parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Pero imposible naman.
"Si Jainum ang katabi mo kagabi. Di ba lasing siya noong nagpahatid kay Lyka?"
Kasabay ng ibinunyag ni Tyron ay sunod-sunod ang malakas na pagtibok ng puso kong tumatalon sa sobrang saya. Hindi ko ipinahalata ang kasiyahan sa nalaman ko. Alam kong ang oa pero sobrang saya ko ng malamang nakatabi ko si Jainum sa pagtulog kagabi.
BINABASA MO ANG
Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)
Kort verhaalUnique Pyrus Salvatore is a tenured call center agent who is living with her long time crush and co-workmate Jainum Damien Vannevar. Ang pinakamisteryoso, masungit at iritableng crush ni Unique. Daig pa ang mga estranghero kahit na laging nagkakasam...