"Go Unique!"
"Ipanalo mo Unique please lang!"
"Sagot ni Tyron lunch mo kapag nanalo ka!"
Malakas na tawanan ang pumalinlang sa private beach resort na iyon na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa ginawa nilang player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag team building yung grupo nung Lyka.
"Yes!"
"We won!"
"I love you na Unique!"
Napatakbo sa akin si Lujille at Tyron at yumakap matapos kong manalo sa activity na ginawa namin, natalo ko lang naman si Lyka.
"You're the best!"
"Thank you Tyron."
"Nako, papogi points ka lang. Hahaha!" pang aasar ni Lujille rito. Samantalang sinundan ko ng tingin si Lyka ng lumapit at tumabi ito sa nananahimik na si Jainum na noon ay umiinom ng alak kasama yung ibang kateam namin at yung kabilang team.
Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan ng makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa tapat na nga kami niyon. Katapat ko si Jainum na nakatingin sa apoy habang si Lyka ay dikit na dikit dito.
Parang may tumusok sa puso ko sa nakikita kong eksena nila. Hindi man sila nag-uusap ay nagseselos ako. Buti pa si Lyka ay nakakalapit ng ganun kay Jainum samantalang ako na kasama niya sa bahay ay hindi ko magawa.
"Buti naisipan mo ng sumama sa team building?" usisa ni Fern kay Jainum.
"This is the first and last team building." sagot niya kaya napatingin ako sa kanya at muli na namang nagtama ang paningin naming dalawa.
What does he mean by that?
"Tinuloy mo talaga?" si Jasper naman.
"Yeah."
Anong tinuloy? May hindi ba ako nalalaman? Oo nga pala wala akong alam kay Jainum.
"Kailan magsisimula yung pagrerender mo ng one month?"
"Magre resign ka?!" biglang singit ko at napatingin silang lahat sa akin.
"Hindi mo alam, Unique?" tanong sa akin ni Tyron kaya umiling ako.
"Bakit hindi mo alam?" si Fern naman at peke ang tawang sumagot ako.
"Hindi ko naman close si Jainum so paano ko malalaman? Ni hindi nga kami nag-uusap niyan."
Gusto kong maiyak sa nalaman ko ngayong gabi. Magreresign na siya at ibig sabihin lang niyon ay aalis na rin siya sa bahay na inuupahan namin.
"Hindi pala kayo close nitong si Unique, Jainum?" tanong ni Jasper at hindi na naman sumagot si Jainum rito.
"Kanta na lang tayo guys. Oy kayo kabilang team ano magandang kanta? Sino maggigitara?"
Salamat kay Lujille, alam niya kung kailan ako iaalis sa awkward na sitwasiyon.
"I'll play the guitar." suhestiyon ni Tyron.
"And I'll sing." sagot ko at napatingin silang lahat sa akin.
"What?!"
"Marunong kang kumanta?"
Sinamaan ko ng tingin si Fern sa tanong niya. Anong tingin niya sakin walang talent?
"Okay, okay. Anong kakantahin mo?" si Tyron kaya pilit akong ngumiti.
"If We Fall In Love."
Nang sabihin ko ang title ng kakantahin ko ay napansin ko ang sunod-sunod na paglagok ng alak ni Jainum tapos ay magkasalubong na ang kilay niya. Anong problema ng isang ito?
"Umpisahan mo na Unique. Duet kayo ni Tyron." sabad ni Fern.
"Okay. Hahaha."
At sinimulan ko ng kumanta.
There will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do'Meron bang iba na nag-aalala para sayo Jainum sa tuwing malungkot, masaya o maysakit ka?'
You have no reason to be sad anymore
I'm always ready with a smile'Hindi ko man alam kung bakit ganiyan ka pero lagi kong hinihiling na sana masaya ka palagi.'
With just one glimpse of you
'Isang tingin ko lang sayo Jainum buo na ang araw ko. Ikaw yung nagpapawala ng pagkabadtrip ko sa mundo kapag nakikita kita.'
You don't have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure so'Jainum, kung maghahanap ka man ng babaeng mamahalin pwede ko bang hilingin na sana ako na lang? Ako na lang kasi gusto kong makasama ka ng matagal, mapangiti o mapatawa kita.'
Unique/Tyron
If we fall in loveUnique:
Maybe we'll sing this song as oneUnique/Tyron:
If we fall in loveTyron:
We can write a better song than thisUnique/Tyron:
If we fall in loveUnique:
We will have this melody in our headsUnique/Tyron:
If we fall in loveTyron:
Anywhere with you would be a better place"If we fall in love.." sabay naming pagkanta ni Tyron nang tapusin na namin ang awit. Nagpalakpakan silang lahat at kinantiyawan kami. Si Lujille at Althea ang pasimuno.
"Teh ganda ng boses natin. Sampolan mo nga yung crush mo." pang-aasar ni Lujille at natawa ako.
"May crush ka rito Unique?!" malakas ang boses ni Jasper ng magtanong.
"Wala! Wala akong crush dito. Hahaha!"
Pero may gusto akong tao dito.
"Hindi ba si Tyron?"
"Ha? Hindi. Hahaha. Sorry Ty!" sabi ko at nagpeace sign kay Tyron na tumawa na lamang.
Ilang oras pa kaming nanatili sa harap ng bonfire bago nila naisipang magsipagtulog na. Nauna ng matulog si Jainum dahil naparami ito ng nainom at si Lyka ang naghatid dito sa kwarto nito.
Nasasaktan ako maisip ko pa lamang na baka magtabi sila ni Jainum ngayong gabi lalo na at kulang ang mga kwartong narentahan. Hindi ko rin alam kung saang kwarto si Jainum dahil nung pinaghanap kami ng matutulugan ay hindi ko siya nakita.
"Unique tulog na ako ha? Inaantok na talaga ako." paalam ni Lujille sakin.
"Sige."
"Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"
"Mamaya na siguro. Magpapahangin lang muna ako." sagot ko tapos ay pumasok na nga siya sa kwartong tutulugan niya.
Malamig ang dampi ng hangin sa balat ko pero nagugustuhan ko iyon lalo pa at parang ang bigat ng ulo ko sa dami ng iniisip ko patungkol kay Jainum. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa labas bago ko naisipang pumasok na sa kwarto. Nakapatay na ang mga ilaw kaya hindi ko na binuksan pa dahil baka magising ang tatlo kong kasama. Nakatalikod sa akin ang katabi ko pero alam kong lalaki iyon dahil sa built ng katawan nito. Kibit-balikat na lamang akong humiga at nagkumot pero hindi ko naman magawang makatulog agad kaya ang ending ay biling-baliktad ako. Sana nga lang ay hindi magising ang kung sino mang katabi ko.
"Matulog ka na Unique. Hindi ka gusto niyon." mahinang saad ko sa sarili ko dahil ang mukha ni Jainum ang nakikita ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.
"Hindi ka gusto ni Jainum so please. Just sleep, self."
Para na akong baliw sa pagkausap sa sarili ko.
Kainis na Jainum.
BINABASA MO ANG
Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)
Short StoryUnique Pyrus Salvatore is a tenured call center agent who is living with her long time crush and co-workmate Jainum Damien Vannevar. Ang pinakamisteryoso, masungit at iritableng crush ni Unique. Daig pa ang mga estranghero kahit na laging nagkakasam...