Part 3

934 32 2
                                    

***

Ilang oras matapos ang shift ko ay antok na antok kong in-off ang computer na ginamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko ng umuwi. Hinihila na ng higaan ang katawan ko sa sobrang antok. Naunang umuwi sa akin si Lujille dahil may emergency sa kanila at ganoon din si Jainum  na kanina pa yatang alas-otso nakauwi.

Masakit na ang mata ko pati na rin ang ulo ko dahil ilang oras akong nakababad sa telepono at computer plus the fact na wala talaga akong tulog.

"I'll go ahead na po TL," paalam ko sa Team Leader namin.

"Ingat sa pag-uwi."

"Thanks po."

Nang makapagpaalam na ay nagmadali na akong naglakad paalis ng floor para kunin ang gamit ko sa locker ko. Ilang hikab pa ang ginawa ko ngunit halos magising ang diwa ko nang makita kung sino ang nasa tabi ko na kumukuha rin ng gamit sa locker nito. Si Jainum at mukhang may kung anong kinukuha mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.

Napahinto ako sa pagkuha ng gamit hindi dahil sa presensiya ni Jainum kundi dahil sa pagkirot ng sentido ko. Aww. Shet.

"You okay?"

Umiling ako. Gusto ko mang kiligin dahil sa biglaang pagpansin sa akin ni Jainum ay hindi ko magawa dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. Anak ng pating. Bakit ngayon pa?

"Dumaan ka muna sa clinic," utos niya pero umiling ako.

"No. I mean, wag na lang. Gusto ko na talagang makauwi. Pagod lang ito," sagot ko sa kanya.

'At matulog.'

Gusto ko pa sanang idugtong pero wala na akong gana makipag-usap. Malas naman. Kung kailan kinakausap na ako ni Jainum.

"Can you walk?"

"Of course I can. Masakit lang ang ulo ko pero-shit!"

Napapikit ako at napahawak sa braso ni Jainum nang kumirot na naman ang sentido ko. Bwisit. Bakit ngayon pa ako tatamaan ng sakit?   

"I know you can't. Hindi ka ba natulog kanina bago ka pumasok?"

12 words. Himala para sa isang Jainum Vannevar ang magsalita ng ganoon kahaba. At heto nagninilandi ako habang sumasakit ang ulo ko.

"I'll help you. Just stay there," utos niya sa akin habang kinukuha ang gamit sa locker ko.

"Susi."

"Heto. T-thanks."

Nang ma-ilock na niya ang locker ko ay sabay na kaming lumabas ng office. Kung tatanungin niyo ako kung sino ang nagdala ng gamit ko? Siyempre ako. Kapal naman ng mukha ko para si Jainum pa ang pagbitbitin ko ng gamit ko.

Nang makasakay kami sa elevator ay marami ng tao ang nasa loob since bukas na ang mall.

"3rd floor," sabi niya sa babaeng operator ng elevator.

Siksikan sa loob kaya naman napunta ako sa harapan niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko at taimtim akong nagdasal na sana ay hindi niya naririnig dahil tahimik lahat ng nakasakay sa elevator. Mas lalo pa yatang lumakas ang pintig ng puso ko nang maramdaman ko ang tila pag-alalay sa akin ni Jainum mula sa likuran ko. Para tuloy niya akong niyayakap ngayon.

'Ting'

Nang makita ko kung nasaang floor na kami ay napaurong ako dahil sa lalabas si Jainum. Mukhang sa 3rd floor niya pinarada ang sasakyan niya.

"Let's go."

"Ha?"

Let's go daw? Ano yun makikisabay ako sa kanya?

"Labas na. Hindi lang ikaw ang nasa loob," utos niya at nang makita niyang hindi ako kumilos ay hinila na niya ako palabas hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Kaya ko namang mag-bus na lang," sabi ko pero hindi siya sumagot bagkus ay binuksan niya ang passenger seat at pinapasok ako saka kami tahimik ng bumiyahe.

"Okay lang bang buksan ko ang radyo?" tanong ko dahil naiilang ako sa sobrang katahimikan naming dalawa.

"Go."

Agad kong binuksan ang radyo ng sasakyan niya at pumalinlang ang paborito kong kanta na pineplay sa isang radio station.

Anywhere with you would be a better place

You can watch sad movies in a different light

So I'll be right there beside you
Hugging you oh so tight (oh so tight)

Your hands will never feel so cold and empty again

Cause I will keep on holding on and won't let go (never let you go)

You don't have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure so

"If we fall in love maybe we'll sing this song as one," mahinang pagsabay ko sa chorus.

"You can sleep here. Gisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo."

Nilingon ko si Jainum nang bigla itong magsalita. Gusto ko na talagang kiligin pero panira ang sumasakit na ulo ko.

"Sigurado ka?"

"Yeah."

Napangiti ako bago ko binaba ang upuan at ipikit ang mga mata habang tumutugtog ang paborito kong kanta.

Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin at ang gwapong mukha ni Jainum ang bumungad sa akin.

'Ang gwapo pa rin niya kahit ang seryoso ng mukha niya.'

"Doon ka na sa kwarto mo magpahinga."

"Sige. Salamat ulit."

Lumabas ako ng sasakyan niya na noon ay nakaparada na sa garahe saka mabilis na dumiretso sa kwarto dahil iba na ang sakit ng ulo ko na parang anytime ay hihimatayin ako. Wala nang bihis-bihis, binagsak ko agad ang katawan ko sa malambot na higaan at hinila na ng antok.

Nang magising ako ay madilim sa buong kwarto pero hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw. Cellphone ko agad ang chineck ko at nang makita ang oras ay dali-dali akong napatayo. Anak ng!

12:30 na ng hatinggabi at may pasok pa ako! Kainis. Ang tagal kong nakatulog.

Bumaba ako mula sa second floor at nakita kong natutulog si Jainum sa mahabang sofa nakapatong ang kanang braso sa bandang ulunan niya. May shift din siya bakit nandito pa?

"Jainum." Pagtawag ko sa kanya at agad naman itong nagising.

"Hmm?"

"May pasok ka 'di ba?"

"Wala."

"Wala? Sa Saturday pa ang off mo."

"Mag rest day overtime ako sa Sabado."

"Ah."

Pahiya ako doon. Oo nga pala. Pwede kaming um-absent at saka pumasok na lang sa day off namin.

"Bakit dito ka sa baba natulog?" usisa ko at hiniling na sana sagutin niya ang tanong ko.

"Kwarto ko ang tinulugan mo."

What? Patay. Kaya pala madilim. Hindi ko pala kwarto ang tinulugan ko. Laging nakabukas ang ilaw sa kwarto ko.

"Hala sorry. Diyan ka na muna kailangan ko nang maghanda para pumasok-"

"Hindi ka papasok."

Ano raw?

"Teka, anong hindi papasok?"

"I already called TL. Sinabi kong may sakit ka kaya di ka muna makakapasok."

Gusto ko na talagang sumigaw sa kilig. Si Jainum ba talaga ito? O napalitan lang? Napangiti ako at sumimangot naman siya sa akin.

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at basta na lamang akong tinalikuran at umakyat sa second floor ng bahay.

Si Jainum nga iyon. Na nahaluan ng konting kabaitan.

Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon