***
"Nakakainis! Nakakabadtrip! Gusto kong manapak! Argh!"
"Kalma. Ang puso mo. Huwag masyadong magpaapekto."
Pilit kong pinapakalma si Lujille matapos ang ilang oras naming pagbabad sa telepono para sumagot ng tawag at ayusin ang bawat reklamo ng mga foreigner at local na kausap namin. Paanong hindi siya mababadtrip, pinagmumura raw siya ng customer niya at pinagbantaan pang hahanapin daw siya sa Pilipinas para ipakulong nang dahil lang sa na-freeze nitong account na kasalanan din naman pala ng caller. Normal na sa trabaho namin ang sitwasyong katulad nito pero minsan hindi mo rin talaga maiiwasan na patulan ang mga ganoong klase ng customer. Kung pwede nga lang talagang mang-away ng customer sa isang araw ay baka nagawa ko na rin. Ang kaso ay hindi pwede at baka matanggal ako sa trabaho.
"Bwisit kasi talaga! Kasalanan ko bang medyo shunga siya at hindi siya marunong magbilang ng araw sa kalendaryo?! Nakakagigil talaga! Alam naman niyang bumabalik sa original price yung subscription niya pero hindi man lang tumawag. May notes sa account. In-inform ng previous agent tungkol doon. Kung hindi ba naman shunga. Kaasar!"
Natawa na lamang ako habang panay ang mahinang pagmumura niya sa nakausap kanina. Nasa pantry area kami at kasalukuyang nagla-lunch. Alam kong naguguluhan kayo. Madaling-araw pero lunch? Hindi ko rin maipapaliwanag ng maayos ang routine naming iyon. Basta lunch ang tawag namin sa 1 hour break na binigay sa amin tuwing madaling-araw. Nasa mahabang lamesa kami nakapwestong dalawa.
"Then iyon nga, pinaliwanag ko na sa kanya na system natin ang basta na lang magcha-charge ng gano'n kalaking halaga sa credit card niya pero bwisit hindi pa rin marunong umintindi. Kainis!"
"Anong ginawa ni TL?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang team leader namin.
"Ewan ko. Siya na ang kumausap matapos kong sabihin na uuwi na lang ako." Literal na nanlaki ang mga mata ko matapos niyang sabihin iyon. Ang babaeng ito talaga.
"Ay hahaha! Ang tapang natin ah. May-ari ng kumpanya para umuwi na lang basta-basta?" biro ko sa kanya kaya hinampas niya ako sa braso.
"Nabubwisit ako eh."
Natawa kaming pareho dahil doon pero nawala rin agad iyon nang makita kong pumasok sa pantry si Jainum. Diretso lamang ang tingin niya habang naglalakad patungo sa counter area at as usual ay nasa kanya na naman ang atensiyon ng mga naroon lalo na ang mga babae. May isa pa nga na sinadyang binangga ang sarili kay Jainum ngunit hindi niya iyon pinansin. Hays, tama 'yan my loves. Napailing na lang ako dahil doon.
"Ibang klase ang karisma ng bebe loves mo teh."
"Tumahimik ka Lujille. Mamaya marinig ka niyan," pagsaway ko rito dahil malapit lang mula sa lamesa namin si Jainum nakapwesto.
Pinagmamasdan ko lang si Jainum habang bumibili ng inumin at pagkain nito. Nang makapagbayad na ay nagtungo na siya sa lamesang malapit sa amin. Mga tatlong lamesa naman ang pagitan.
"Napaka misteryoso talaga niyang crush mo, Unique. Sigurado kang wala kang ibang alam tungkol sa kanya?" tanong ni Lujille at umiling naman ako. Tahimik lamang itong kumakain habang may ilang babae at pusong-babae na panay sulyap sa kanya at tinuturo siya.
"Grabe. Ang gwapo talaga niya."
"Ano kayang account hawak nila? Papalipat ako."
Halos mag-iisang taon ko na ring kasama si Jainum sa bahay pero wala akong kahit anong impormasiyon tungkol sa buhay niya. Sobrang seryoso niya sa buhay at parang bayad lagi ang mga ngiti niya. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang sumama sa kahit anong gimmick ng team namin. Nasa iisang team kami ni Jainum at Lujille pero hindi namin siya magawang kausapin o makipagtawanan. Talagang wala, as in wala talaga. Iilan nga lang ang mga kinakausap niya at madalas ay ang team leader lang namin. Asking some questions regarding sa concern ng caller niya na siguro hindi niya alam kung paano isosolve. And then the end. Ganun lang siya palagi. Kahit sa bahay, every day off niya ay laging nakakulong lang sa kwarto niya. Lalabas lang kapag kakain then the rest ay ganoon pa rin siya. May sariling mundo kumbaga.
"Teh, nakikita mo ba ang nakikita ko?"
Sinundan ko ng tingin ang pasimpleng tinuturo ni Lujille at kitang-kita ko ang isang babae na nakikishare ng table kay Jainum at halatang nakikipag-flirt ang babae rito. Oh no. Wag ang Jainum ko please lang. Nakikipag-usap ang babae rito at maarteng tumatawa ngunit simpleng pagtango lamang ang nakikita kong tugon ni Jainum sa kanya.
"Landi ah. Ganda ka? Ganda ka?" bulong na naman ni Lujille at mahinang tinampal ko ito sa braso.
"Manahimik ka nga Lujille. Hayaan mo yung babae. Hindi rin naman papansinin ni Jainum 'yan."
At tama nga ang hinala ko dahil tila parang hindi nag-eexist yung babae sa harapan ni Jainum. Walang pakialam itong kumakain kahit nilalandi na ito ng babae. Panay pacute naman yung babae na tila nagmumukha ng ewan dahil sa hindi pagpansin sa kanya.
"Daming linta grabe!"
Napalakas na saad ni Lujille kaya napatingin sa amin ang mga kapwa namin agent kaya wala akong nagawa kundi mapayuko. Walanghiya. Mabuti na lamang at wala talagang pakialam sa mundo ang lalaking ito. Sinulyapan ko si Jainum na busy pa rin sa pagkain niya.
"Iyang bibig mo, Lujille. Itikom mo, please lang."
"Sorry naman. Di ko lang mapigilan dahil sa mga linta."
"Ewan ko sayo. Bilisan mo na nga lang kumain diyan at nang makabalik na tayo sa floor."
"Yes po. Opo."
Napailing na lamang ako sa kalokohan niya.
Matapos naming kumain ay nagtungo kami saglit sa banyo para maghugas ng kamay pero dahil naiihi ako ay nagcubicle muna ako pati na rin si Lujille.
"Kilala mo ba yung sikat na gwapong nasa Berries na account?"
"Ah, si Jainum? Oo bakit?"
"Sarap gawing boyfriend. Shet. Ang gwapo."
"Kung papansinin ka. Suplado yung lalaking 'yon."
"Ay talaga? Di bale pag nakita ako nun malamang mawawala kasupladuhan niya."
"Sige asa pa. Tara na nga."
Dinig na dinig ko ang usapan ng dalawang babae patungkol kay Jainum. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
"Haaay! Dami talagang haliparot ngayon sa earth!" Boses ni Lujille agad ang narinig ko pagkalabas ko ng cubicle.
"Tumigil ka na. Halika na at malapit ng matapos ang lunch natin. Ayaw mo pa namang naca-call out."
Hinila ko na agad si Lujille pabalik sa floor at pagdating doon ay napahinto ako sa paglapit sa station ko ng makita si Jainum. May kausap na dalawang babae at ngiting-ngiti naman ang mga iyon. Hindi rin sila galing sa account namin kaya malamang ay dinayo pa nila si Jainum para kausapin.
"Teh, hindi ka nangangati?"
My ghad. Heto na naman ang bibig ni Lujille. Walang preno at filter kung minsan.
"Lujille." Pagwa-warning ko sa kanya pero wala talagang preno ang bibig niya.
"Kanina pa ako nangangati, Unique. Pakamot nga teh. Ang kati talaga."
Hindi ko alam pero natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Halatang yung dalawang babae ang pinaparinggan niya na patuloy pa rin sa pakikipag-usap kay Jainum.
"Ewan ko sayo. Pumunta ka na sa station mo at magtawag ka na."
"Magtawag ng kakamot sa kati ko?"
"Gaga ka talaga. Yung bibig mo nga."
Nagmukha akong praning na tumatawa sa pagpaparinig ni Lujille sa dalawang babae ay tila wala pa ring pakialam si Jainum at patuloy pa rin siyang nakikipag-usap sa mga babae.
Umupo na lamang ako sa station ko at yumuko sa harap ng pc.
Nakakainis. Bakit hindi man lang maramdaman ni Jainum na gusto ko siya? Ganun ba talaga siya kawalang pakialam sa paligid niya o sadyang manhid talaga siya?
"Baka pwede kang sumama after ng shift mo? Mag breakfast kasi ang team namin." Dinig kong pag-aya ng isa sa dalawang babae kay Jainum. Mabuti na lamang ay malayo si Lujille sa pwesto ni Jainum at ng dalawang babae kaya hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito. Mamaya kasi ay umariba na naman ang bibig niya mahirap na at pareho pa kaming mapaaway. Worst baka malaman pa ni Jainum ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)
Short StoryUnique Pyrus Salvatore is a tenured call center agent who is living with her long time crush and co-workmate Jainum Damien Vannevar. Ang pinakamisteryoso, masungit at iritableng crush ni Unique. Daig pa ang mga estranghero kahit na laging nagkakasam...