Part 5

859 27 1
                                    

Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw ay ganun pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap pa simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor. Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man ay nilalagpasan ko lang siya o minsan kapag naman may team meeting ay iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman.

"Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin kaya masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stress. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ay pinoproblema namin.

"Jainum, sasama ka pala, pre?" dinig kong tanong ng isang kateam namin kay Jainum na mukhang tapos na sa huling tawag niya dahil inalis na nito ang headset sa ulo niya saka tumayo at pinatay ang computer.

"Yeah," simpleng sagot nito saka naglakad na palabas sa floor.

Lihim na naman akong napangiti. Sa wakas at naisipan na niyang sumama. Akala ko aayaw na naman siya.

"Ikaw pala ang huling magla-log out ano?"

"Yes TL," sagot ko nang lumapit ito sa akin.

"Sige na. Napagpaalam na kita. Pwede ka ng mag-log out."

Halos tumalon ang puso ko sa tuwa ng marinig ang sinabi nito sa akin. Akala ko hihintayin pa nila ako ng ilang oras.

Matapos kong magpaalam sa kanya ay dali-dali na akong naglakad ng mabilis palabas ng production floor at nagtungo sa may locker area. Naabutan ko pang kinukuha ni Jainum ang mga gamit niya.

Ewan ko ba kung bakit kahit presensiya pa lang niya ay masaya na ako, nakangiti na ako. Nasa malapit lang siya ay buo na lagi ang buong araw ko. Yung tipong masilayan ko lang siya o ang simpleng ngiti niya ay ayos na ako. Siguro nga ganito talaga kapag nagkakagusto ka sa isang tao. Hindi mo man siya makausap basta nasa malapit lang ito ay masaya ka na halos magtatalon ang puso mo sa sobrang tuwa.

"Excuse me." Mahina kong saad dahil nakaharang ito sa may tapat ng locker ko. Umisod naman siya habang patuloy pa rin sa ginagawa niya.

"Jainum."

Napahinto ako ng marinig ang boses na iyon.

Yung magandang babaeng nakasabay niya ang lumapit sa amin. Kay Jainum pala. Pasimple lang akong nakikinig sa usapan nila. Hindi ko alam na marunong na palang makipag-usap si Jainum. O baka dahil maganda lang yung babae?

"Nagpaalam na ako sa TL ko. Sinabi kong sa inyo ako sasabay and pumayag naman siya."

"Good. Hintayin mo ako sa lobby."

"Okay. Thank you Jainum."

"No problem Lyka."

Lyka pala ang pangalan ng magandang babae. Pero saglit.. Bakit kasama namin yung babaeng iyon e hindi naman siya kasali sa team namin? Inis kong tinapos ang pagkuha ng mga gamit ko saka pabagsak na inilock iyon pagkatapos ay pumunta na sa lobby. Wala akong pakialam kung napansin man ni Jainum ang ginawa ko. Nakakaselos eh!

Si Lujille agad ang nilapitan ko pero hindi ko pinahalatang naiinis ako.

Ang hirap ano? Yung magseselos ka kasi may ibang kausap yung taong gusto mo tapos wala namang kayo. Wala kang karapatan pero hindi mo mapigilang hindi magselos.

"Huy teh. Tulaley ka diyan?"

"Inaantok lang ako."

"Sure ka? Bakit parang masama yata ang timpla ng mukha mo?"

Heto ang ayaw ko kay Lujille. Nahahalata niya talaga kaagad kung wala ako sa mood o kapag masaya ako.

"Inaantok lang talaga ako-"

"Inaantok o baka nagseselos? May nakita akong masakit sa mata."

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Lujille, tumigil ka muna kahit ngayon lang. Gusto ko lang ng konting katahimikan."

"Okay. Sorry teh."

"Okay lang."

Nang makumpleto na kaming lahat ay dumiretso na kami sa loob ng van na sasakyan namin papunta sa Quezon Province. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil katabi ko si Jainum o maiinis dahil napapagitnaan namin siya nung Lyka. Napahiwalay sa akin si Lujille at nakatabi nito si Althea.

Sa may bandang bintana ako nakapwesto kaya doon ko na lamang tinuon ang pansin ko bago nagsalpak ng earphone sa tenga.

There will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do
You have no reason to be sad anymore
I'm always ready with a smile
With just one glimpse of you
You don't have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure so

'Cause I am someone who will love you for sure..'

Mapakla akong napangiti. Am I that someone who will love this guy beside me? The question is, is he willing to love me back?

Ipinikit ko na lamang ang mata ko at hinayaang dalawin ng antok. Ayoko na munang kiligin dahil may Lyka na umeksena.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng van nang makarating kami ng Quezon Province. Inaantok man ay pilit ko itong nilalabanan dahil sa sobrang ganda ng lugar. Dahil buwan ng Pebrero ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Napakapresko hindi tulad ng hangin sa Maynila.

"Ang ganda!"

"Bonfire tayo mamaya!"

Kanya-kanyang activity ang sinasuggest ng mga kateammates ko kaya natawa ako lalo na ang suggestion ng mga lalaki.

"Ikaw Unique wala ka bang isasuggest diyan?" Natatawang tanong sa akin ni Tyron. Isa sa mga medyo kaclose kong teammates ko.

"Activity ba 'kamo?"

"Oo. Meron ba?"

"Anong klaseng activity?" Si Althea.

"Matulog. Hahaha!"

Ang corny ng joke ko pero lahat sila ay natawa.

"Pwede na kayong pumili ng cottage na tutulugan niyo. Kaso girls okay lang ba na kasama niyo sa isang kwarto ang boys? Kayo rin boys? Nakulangan tayo ng room dahil puno na ang resort ng mga bakasyunista."

Akala ko ay magrereklamo ang mga kateam ko sa sinabi ni Team Leader pero pumayag naman lahat since lahat naman daw sila especially ang mga boys ay may respeto naman daw sa babae.

"Hoy Unique tabi tayo!" Si Lujille at nag-thumbs up naman ako.

"Kami na lang ni Unique! Pumayag ka please ako sasagot ng isang buwan mong lunch!" Si Tyron kaya natawa ako at nabatukan naman siya ni Lujille at Althea.

"Kapal mo talaga! Palibhasa crush mo si Unique." Si Jasper.

"Oo Unique crush ka niyan ni Tyron. Hahaha!" Gatong naman ni Fern. Isa rin sa mga kasamahan ko.

Hindi ko alam kung anong irereact sa mga sinabi nila kaya tumawa na lang ako saka napalingon sa tahimik na si Jainum habang nasa tabi nito yung Lyka.

"Taken na iyan si Unique. Wala ka ng pag-asa Tyron Gilbert. Right teh?"

Walangya ka talaga Lujille.

"Ewan ko sa inyo. Makapaghanap na lang ng kwarto."

"Ay napikon! Hahaha!"

Baliw talagang babae.

Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon