Part 4

885 30 0
                                    

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Madalas kahit wala akong shift ay maaga pa rin ang gising ko. Nangunot ang noo ko nang makita si Jainum na natutulog na naman sa mahabang sofa. Alas-otso pasado ng umaga kaya ipinagtaka ko kung bakit dito siya natulog dahil sa pagkakatanda ko, pagkatapos niya akong layasan ay dumiretso siya sa kwarto niya kagabi matapos ko siyang tanungin kung bakit hindi siya pumasok last night.

Napangiti ako ng makita ang itsura niya habang natutulog. Nakapamaluktot siya na parang bata. Iyon nga lang ay nadudumihan ang utak ko sa nakikita ko. Walang saplot na pang itaas si Jainum at tanging pajama lamang ang suot niya. Mabuti na lamang at hindi bukas ang aircon sa first floor ng bahay kund malamang ay kanina pa siya pinasukan ng lamig sa katawan.

Lumapit ako sa kanya saka ginising.

"Jainum," pagtawag ko pero hindi man lang siya gumalaw.

Tulog na tulog nga talaga.

"Jainum," ulit ko at this time ay marahang nagmulat ang kanyang mga mata.

Napatitig ako nang hindi sinasadya sa labi ng lalaking nasa harap ko. Ang mahabang pilik-mata niya at ang makapal na kilay. Shet. Ang gwapo. Sobrang gwapo niya iyon lang ang masasabi ko para i-describe ang isang Jainum Damien Vannevar. Para siyang yung mga bidang K-Drama actor sa ayos hitsura pa lamang.

"You need something?"

"Ha? W-wala. Wala."

"Bakit ginising mo ako?"

Ito ang isa sa mga ayaw ko minsan sa kanya. Masungit na nga ay napakasuplado pa.

"May kwarto ka bakit dito ka natulog?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili saka binitbit ang throw pillow na ginamit niya tapos ay umakyat sa second floor.

'Hay. Masanay ka na Unique, ganyan na talaga si Jainum.'

***

"Hindi ka papasok?" tanong ko nang makitang hindi nakabihis si Jainum pagbaba ko para pumasok na since 10:30 na ng gabi.

Tiningnan lang niya ako at itinuon ang atensiyon sa nakabukas na tv. Soccer game ang pinapanood niya.

Hindi ba't sinabi ko sa inyo na para kaming strangers dito sa bahay na inuupahan namin? Kahit nasa iisang bahay kami at pareho ng trabaho ay hindi kami close. Parang may invisible na linya sa pagitan namin.

Sana pala lagi akong may sakit para sweet itong kumag na kasama ko sa bahay. Hays.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pinatay niya ang tv pagkatapos ay nagtungo sa refrigerator at may kinuhang kung ano at lumapit sa akin.

"Here," aniya saka inabot ang isang glass bottle. Kulay pink ang laman ng bote. Walang tatak kaya hindi ko alam kung ano.

"Ano ito?"

"Fruit juice. Ginawa ko. Inumin mo 'yan kung sumasakit pa rin ang ulo mo mamaya. Huwag mo akong pag-alalahanin."

Muntik na akong masamid kahit wala naman akong kinakain dahil sa sinabi niya.

Huwag ko raw siyang pag-alalahanin? So ibig sabihin ay nag-alala siya sa akin kagabi? Kailangan ko na bang magtatalon sa kilig?

"Ang bait mo yata ngayon Vannevar?" Pang-aasar ko at dahil masungit siya ay tinalikuran na naman niya ako.

"I gotta go! Paki-lock ang gate Jainum. Bye!" Nakangiti kong paalam sa kanya at saka dali-daling lumabas ng bahay. First time kong maringgan na nag-alala sa akin ang lalaking iyon.

Masayang-masaya ang puso kong pumasok sa office ngayong gabi kahit sobrang toxic na naman ang trabahong haharapin ko, atleast pinangiti ako ni Jainum.

"Teh! Aga mo ah!" Bati sa akin ni Lujille kasama si Althea na naglalakad palapit sa akin.

"Kayo rin naman."

"Wala yata si Sungit?"

Maya-maya ay tanong ni Althea kaya siniko ako ni Lujille. Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign naman ang gaga.

"Sinong sungit?" Patay-malisya kong tanong.

"Ay malamang si Jainum. Di nga kayo pumasok kagabi e," sansala naman ni Lujille kaya tinaasan ko siya ng kilay at mukhang na-gets niya ang ginawa ko kaya tumawa ito.

"Ang dami yatang absent ngayon?" takang tanong ko nang makitang iilan lang ang mga ka teammates kong tumatanggap ng tawag international.

"Hindi sila absent. Avail lang ng halos dalawang oras kaya yung iba nagpunta muna sa kung saan."

"Ay weh? First time yun ah!"

Kaya pala iilan lang ang nakikita ko sa floor. Lumipas ang isang oras at biglang nag-ingay ang buong floor. Nang usisain ko iyon ay nakita ko si Jainum na naglalakad kasama ang isang magandang babae na sa tingin ko ay isang agent din. Papasok pala siya?

"Ang swerte ni girl infairness. Nakasabay ang isang Jainum. Shet!" Si Althea na katabi ko. Hinanap ng paningin ko si Lujille at nang makita ko ay ipinagpasalamat kong abala na siyang nakikipag-usap sa caller niya.

Hindi ko alam pero bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang lumingon sa gawi ko si Jainum. Saglit kaming nagkakatitigan pero siya rin ang unang nag-alis ng tingin sa akin.

"Okay guys! Sa lahat ng wala pang call, listen up!" Boses ng aming team leader na pumapalakpak pa ang nagputol ng kung ano mang iniisip ko patungkol kay Jainum. Sa kanya ko na lamang itinuon ang atensiyon ko.

"Team mag-aux coaching muna kayo lahat ng wala pang tawag then lumapit kayo sa akin."

Nang magawa ko ang sinabi ni Team Leader at i-locked ang computer ko ay agad na rin akong lumapit sa kanya kasama ng iba pa naming kateam. Nakita kong lumapit na rin si Jainum at pumwesto sa tabi ni Althea.

"So guys, I have a good news for everyone also a bad news na rin. Ano gusto niyong mauna good news or bad news?" tanong sa amin.

"Bad news TL!" Halos sabay-sabay naming sagot rito.

"Okay, so the bad news is gagamitin ang Saturday and Sunday niyong rest day-"

"Mag RDOT na naman po ba kami TL?" tanong ng kasama naming si Hazel.

Sa mga katulad kong nagtatrabaho sa BPO company ang RDOT ay Rest Day Over Time ang ibig sabihin. Kumbaga papasok ka sa araw ng day off mo.

"No. Okay, the good news is yung Saturday and Sunday ay gagamitin for our Team Building na gaganapin sa isang beach resort sa Quezon Province."

Isang malakas na hiyawan ang ginawa ng buong team namin nang marinig ang sinabi ni Team Leader. Bihira lang kasi magbigay ng team building ang company since sobrang busy talaga ng mga workers nila.

"This Saturday na iyon. Dalhin niyo na lahat ng mga gagamitin niyo for the team building sa Friday ng gabi kasi didiretso tayo after ng shift natin on Saturday morning. Gets ba?"

"Yes TL."

We said again in chorus.

"Okay you can go back to your working station now."

Nagsipagbalikan na rin kami matapos niya kaming kausapin. Lumapit sa akin si Lujille at saka bumulong.

"Hindi naman summer bakit may pa team building? February pa lang naman."

"Hayaan mo na. Atleast iwas toxic at stress tayo ng two days," sagot ko sa kanya at nagpaalam na itong babalik sa station niya.

Team Building? Ang saya nun!

Loving Jainum Damien Vannevar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon