The Kiss

28.2K 621 94
                                    

DEANNA'S POV

Masaya ako na patuloy padin yung commu namin ni Jema.

She even posted the photo I took with the caption: "Start opening your doors to new possibilities"

Hhhmmm ano kaya meaning nun? Ayoko din namang mag assume at umasa.

Almost one month na din continuous yung text at pagkikita namin. Di ko mapigilan mapangiti tuwing naaalala ko yung mga moments namin.

"Aba aba mukhang inlababooo yung baby Deanns natin ah" natatawang sabi ni ate Bea.

Nasa dorm ako ngayon kasi weekday.

"Oo nga kanina pa parang tangang pa ngiti ngiti sa cellphone nya" sabat naman ni ate Kat.

"Nah nabuang na jud kas gugma dzae" (Nah naloloka kana ata sa pag-ibig dai) sabi naman ni ate Maddie.

"Chika naman jan beshy. Sino bang ka text mo at para ka yatang nakalutang sa langit jan" dagdag ni Ponggay.

"Guys you wouldn't believe me if I tell you" sagot ko.

"Try us baby Deanns. Now spill it." sabi ni ate Kat.

Di ko na rin kasi kayang itago to. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo yung taong nagpapasaya sa akin.

"Ughh okay. Uhm it's Jema. Jema Galanza"

Para namang may sumabog na bomba sa lakas nang hiyawan ng mga ka teammates ko.

"True?! Jema Galanza?! As in the Queen Falcon ng Adamson?! The newest member of CCS!? Huwaaawww!" sabi ni Ponggay.

"Iba din talaga tong baby namin eh" sabi pa ni ate Bea sabay tapik sa balikat ko.

"Lahi ra jud ning mga bisaya ui" (Iba talaga ang mga Bisaya) kinikilig na sabi ni ate Maddie.

"So what's your status?" tanong naman ni ate Kat.

"Well for now we're just enjoying each other's company. Getting to know each other. Ganern. But guys, I don't know how long I can keep this up. I want her to be officially mine. Baka maagaw pa ng iba eh. Dami pa namang fans nun." sabi ko sa kanila.

"Tama ka jan baby Deanns. Better make your move na bago pa mahuli ang lahat" sabi ni ate Maddie

"Madiskarte tong bata natin. I'm sure makakahanap din sya ng paraan" sabi ni ate Bea.

Ipinakwento pa nila sa akin lahat ng moments namin ni Jema. Kilig na kilig naman silang nakikinig. I left out the kissing part though. Sa amin nalang ni Jema yon.

I'm so thankful for having them in my life. Malayo man ako sa aking pamilya, at least anjan naman sila. They're not just my teammates, they became my sisters too. We are family and we love and support each other no matter what.

After ng chika session namin ay nag text ulit ako kay Jema. We said our usual goodnights. I don't really consider another day over kung hindi sya yung last person na matetext ko.

Ipinikit ko na sana yung mga mata ko nung tumunog ulit ang phone ko.

Ate Jia: "Baby Deanns gising ka pa? Uhm magkakilala naman kayo ni Jema diba? Birthday nya kasi this Friday and we're planning a surprise. Baka gusto mo tumulong? We could really use a hand"

Oo nga pala. Birthday ni Jema. This could be my chance. My chance to tell her how I really feel. Natatakot akong masira yung friendship namin but I can't take it anymore. My heart wants more.

Me: "Oo naman ate. I'm in"

She called me after that at sinabi na nga yung plan.

While I agreed to help them, bumuo naman ako ng isang espesyal na plano. A plan that must me executed by me alone. I can only hope it doesn't backfire.

My Silver LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon