Let's Make Up

22.4K 399 87
                                    


JEMA'S POV


Oo sobra sobra akong nasaktan sa ginawa ni Deanna pero pinili kong intindihin sya.


Dyan talaga masusubok ang maturity mo. Pag sinaktan ka pero pinili mo nalang intindihin ang tao imbes na saktan mo rin sila.


I'm Deanna's first girlfriend kaya siguro ganun nalang ang naging reaksyon nya nang makita ang picture na yon.


She still has a lot to learn at pati din naman ako.


Gusto ko sanang pahirapan muna sya ng bongga pero ang hirap magpakatatag kung nasa harapan mo na yung tao. Sadyang marupok ang Mare nyo.


Hinayaan ko syang maging parte ng buhay ko ulit. But not as a girlfriend muna.


Unfair din if I will condemn her right away dahil lang sa isang pagkakamali.


Siguro andyan pa rin ang pagdududa na baka bigla na naman syang mawala so I'm taking things slow muna. Di ko muna tuluyang ibibigay ulit ang puso ko sa kanya.


Nakikita ko naman ang sincerity ng actions nya. She's very patient with me kahit cold pa rin ako at minsan ay sinusungitan ko pa sya.


Masaya naman ako na palagi kaming nagkikita dahil di pa nagsisimula yung classes nila.

Pero minsan nahihirapan din ako. Nahihirapan akong pigilan ang sarili ko tuwing magkasama kami.


Gusto ko syang halikan at yakapin. Gusto kong makatulog ulit ng nakasandal ang ulo ko sa dibdib nya. Ang hirap mag pigil.


Pero syempre gusto ko munang ma realize nya ang consequences ng ginawa nya.


Sobra pa rin naman syang maalaga at todo support sa every game namin.


Always in attendance na simula nung bumalik sya galing Cebu.


Di rin sya nagpahuli sa mga surprises nya. Minsan dinadala nya ako ulit sa mga hang out places namin noon.


And everyday I'm just falling for her more and more.

Masaya din ako because we were winning almost every game hanggang sa umabot na nga kami ng finals.


Petro Gazz ang makakabangga namin kaya todo practice kami hanggang gabi.


Natalo na kasi kami nila dati kaya double time si coach Tai sa amin.


As per Deanna, di naman sya nagsawang manood every practice at maghintay kahit minsan umaabot na kami ng 8 PM at alam kong nagugutom na sya.


After practice ay palagi nya akong hinahatid sa condo.


Minsan kumakain muna kami sa labas.


Di pa sya nakakastay ulit sa condo ko.


Pagka hatid nya sakin sa pinto ay pinapauwi ko na sya agad.


The night before the game, nakiusap naman sya sa akin.


"Uhm Jema. Kung okay lang sayo, pwede ba akong pumasok? Ipagluluto lang sana kita so you can have a proper meal before you rest."


Halatang nahihiya at kinakabahan sya kaya naawa na rin ako sa kanya.


"Uhh sure. Okay lang naman."


Ngumiti naman sya na parang batang binigyan ng kendi.


I let her inside and she immediately went to the kitchen.


My Silver LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon