7th Heart

2.6K 7 0
                                    


The Generous Rancher's Love... above the hill

Mula sa likod ni McKenley, ang kabayong ibinigay sa akin ni papa Sebastian Jr., ay bumaba ako mula roon at inilibot ang paningin sa buong lugar. Luntiang berde sa iba't ibang uri at anyo nito, ang sabi ni Marjorie Kleido ay dito raw kami magkikita sa ibabaw ng bundok para mag-usap. Ang sabi niya ay alas tres ng hapon, ngunit sampung minuto na ang nakakalipas na dapat ay nandito na siya, ngunit wala pa rin siya.

Dahil sa pagod sa buong araw na trabaho sa rancho, aking napagdesisyunan na humilata na lang muna sa damuhan gamit ang polo shirt ko na inihubad at inilatag sa lupa.

Habang pinagmamasdan ko ang mga ulap na iniihip ng hangin papuntang malayong silangan, napapaisip din ako sa kung ano ang dahilan at gusto akong makausap ni Marjorie na kailangan ay hindi ako mahuli.

Sa kaalaman ng lahat dito sa amin, si Marjorie ay anak ng isang mayamang negosyante. Kung ang hinala ko ay tama, ang pagkikitang ito ay mauuwi ulit sa pag-uusap namin tungkol sa hekta-hektarang lupain ng aking pamilya.

May balak kasi siyang bilhin ito. Name your price sabi niya. Ngunit sa kadahilanang ang lupang ito ay hindi lang mahalaga sa akin kung hindi pati na rin sa lahat na mga kapatid ko, hindi ko pa man naririnig ang dahilan niya sa pagbili nito, ay sinabihan ko na siyang wala akong interes sa gusto niyang mangyari.

Hindi ko namalayan na sa tagal ko nang hinihintay ang pagdating ng babaeng iyon, nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ulit ako nang narinig ko si McKenley na ikinilos ang kanyang mga paa.

"Sebastian III," sabi ng babaeng boses pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko. Pinapalandas niya ang kanyang kamay sa mukha ng kabayo ko, nakita ko si Marjorie na masayang nilalaro si McKenley.

"Marj."

"Nagising ba kita?" tanong niya habang patuloy na nilalaro ang kabayo ko. Dahilan sa ipinagtataka ko kung anong oras na kasalukuyan, agad kong sinulyapan ang aking wristwatch.

4:30 na ng hapon?

"Sorry, nakatulog ako," sabi ko habang sinimulan na ang pagtayo. "Kanina ka pa ba?"

"Medyo." Pansamantala siyang huminto. "Ano ka ba Sebastian, bakit ikaw ang nag-so-sorry? Ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo. Ako itong nagsabi na dapat ay dumating ka ng alas tres, but instead ay ako pa ang nahuli."

"Anong oras ka ba dumating?"

"Mga 3:20 siguro." Sagot niya habang hindi pa rin ako nililingon.

"Huh? Kanina pa? Bakit hindi mo man lang ako ginising?" nagtataka kong tanong. Ngunit imbis na makarinig ako ng dahilan, tanging pamumula lang ng kanyang mukha ang nakuha ko bilang tugon. Bakit siya namumula?

Nang may umihip na malakas na hangin, napagtanto ko na wala pala akong suot na pang-itaas.  Mula kay Marjorie ay tiningnan ko ang polo shirt na inilatag ko sa damuhan kanina para sana isuot ulit iyon. Pagtataka ko lang, wala na ito ngayon sa pinaglagyan ko.

"Ang damit mo ba?"

Dahilan sa kanyang tanong ay muli kong hinarap si Marjorie. "Oo," sagot ko.

"Sa kabila ka kasi lumingon, naihip na iyon ng hangin. Andoon," sabi niya sabay turo sa direksyon kung nasaan ang aking damit. Nandoon na iyon sa ilalim ng isang puno ngayon.

Jar Of Hearts (A Collection Of One Shot Dark Romance Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon