1st Heart

8.3K 28 0
                                    


Ito na po, haha!

I-e-edit ko na lang ito bukas o kapag nagkatiyempo. Kanina ko lang din kasi ito nasulat.(6/26/2020)

A soldier's way to come... home

Gabi na nang makauwi ako sa aking totoong bahay. Matagal na panahon na rin nang huli akong nandito. Nakangiting naghihintay ay ang aking kasintahan. Siya ay si Glaiza Ramirez, ang aking mahal na dalawang taon ko nang hindi nakikita.

Kahit ako, ngayon, ay naluluha rin sa kagalakang buhay pa ako matapos ang matinding giyera doon sa ibayong dagat. Nakasuot pa ng aking uniporme, matikas ko siyang sinaluduhan.

Akala ko ay hindi ko na siya makikita pang muli. Akala ko ay nasa kabaong na ako sa muli kong pag-uwi sa bahay na ito. Akala ko, napagod na siya sa kahihintay sa akin. Akala ko, ipinagpalit na niya ako sa iba.

Saan pa kaya ako makakahugot ng lakas para mamuhay kapag iniwanan na niya ako?

"Sebastian, umuwi ka!" namamaos niyang sigaw.

"Oo, Glaiza, umuwi ako," buong galak na tugon ko at pagkatapos ay ngumiti.

Dahil sa sabik na sabik na akong mahawakan siyang muli, hindi ko na napigilan ang sarili na puntahan siya. Dahilan sa sabik na sabik din siyang makasalubong ako, lumakad din siya nang mabilis papunta sa akin.

Sa pagsasalubong namin sa harap ng puno na acacia, hindi ko na napigilan ang sarili na halikan siya.

Nagpaubaya, tinanggap lang niya ng bukal sa puso at walang halong pag-aalinlangan ang ginagawa ko. Mahal kong Glaiza, nagagalak akong naghintay ka talaga ng dalawang taon para sa aking pagbabalik. Hayaan mo, bago ako bumalik para sa panibagong misyong pangmilitar, bubusugin kita ng aking pagmamahal.

Ngayong gabi, gagawa tayo ng anak!

Hinawakan ko ang kanyang bewang at idiniin ito sa aking katawan. Habang patuloy kong binubusog ang sarili sa lasa ng kanyang mga labi, alam kong napansin na niyang tinitigasan na ako sa ilalim.

Glaiza, hinihiling ko na sana ay huwag kang tumanggi sa minimithi kong mangyari ngayong gabi. Sana magmahalan tayo hanggang sa hindi na natin kaya pang maibanggon ang mga sariling katawan.

Habang ang kaliwang kong kamay ay nakahawak sa kanyang bewang, ang kanang kamay ko naman ay hinahawakan ang kanyang luhaang mukha. I smudged those cascading tears as I claimed my prize for being alive.

Dahil sa gusto ko pang malasahan ang babaeng mahal ko, I then deepened our kissing.

Mula sa mga labi, ipinasok ko naman sunod ang aking dila sa loob ng kanyang bibig. Walang pagmamalaban na nangyayari, pinaglaruan ko ang kanyang panlasa gamit ng akin. Laway ko sa laway ng mahal ko. Bakit ganito? Bakit may nalalasahan akong isang partikular na lasa sa bibig niya?

Glaiza, kahit kailan, addict ka talaga sa cherry.

Kahit na malamig ang paligid sa labas ng bahay sa gabing ito, pawis na pawis na kaming dalawa sa ginagawang paghahalikan. Dahilan sa nakasuot pa ako ng pang-combat na damit, nagdesisyon muna akong hubarin ang sombrero at ang camouflage na uniform.

"Sebastian, na-miss talaga kita," sabi ni Glaiza habang ibinababa ko ang aking damit sa damuhan ng bermuda.

"Ako rin naman, Glaiza," tugon ko at muling ngumiti.

Jar Of Hearts (A Collection Of One Shot Dark Romance Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon