19th Heart

162 1 0
                                    


His shimmering his into her shimmering her... at the highest building.

Bakit ba napakaarte ng mga tao ngayon? Simpleng bagay ay pinapakomplikado pa. Hindi na nadala sa simpleng pag-uusap. Gusto nilang pahirapan ka talaga.

Kasalukuyan ay nasa mall ako dahil dito ninanais ng business partner ko na mag-usap kami. Ewan, sa dinami-rami ng lugar na mas angkop sa gagawin naming pagkikita ay dito niya talaga ninanais. Nagmungkahi naman ako ng mga magagandang dako para mas pormal kaming mag-usap subalit pinipilit niya talagang dito na kami mag-business talk. May other errand pa raw kasi siya rito kaya mas mainam na rito na lang kami magkita.

At isa pa, may other requests pa siya. Pogian ko raw ang sarili at dalhan siya ng bulaklak at chocolate.

See? Napakaarte talaga. Kursunada pa yata ako. Pero wala tayong magagawa , may kailangan tayo kaya dapat maging masunurin.

Kaya bago ako dumiretso sa dako ng pagkikita namin ay huminto muna ako sa isang store ng mall kung saan makakabili ako ng bubulaklak at tsokolate. Nagpagawa ako ng pinakamahal nilang boquet at binili ang pinaka-elusive nilang tsokolate.

Ngunit habang nagbabayad na ako sa cashier, pansin ko ang bulung-bulungan ng mga tao na may isang mayamang babae raw na nagpapahanap ng engagement ring niya. Pink star diamond ring iyon at napakamahal na uri ng engagement ring. Ako na mayroon ganoong nakatago sa bahay ay hindi maipagkakailang mahal nga talaga ang singsing na iyon. Saklap naman ng babaeng nakawala niyon. Siguradong hindi na iyon makakabalik sa kanya.

Nang makabayad na ay lumabas na ako sa store at dumiretso sa tagpuan naming ng ka-business meeting ko.

Ngunit pansin ko habang naglalakad ang dami ng mga security personnel na pakalat-kalat sa mall. Marahil ay dahil ito sa nawawalang engagement ring. Ngayon, ang inaakala kong hindi ligtas sa mall ay ngayon grabe na ang security dito. May iba pang mga guard na sa akin ang tingin pero dahil wala akong kinalaman sa nawawalang engagement ring ay ikinibit balikat ko na lang ang ginagawa nila. Trabaho nilang magmasid-masid sa mga kahina-hinalang mga tao.

Bakit ba kasi mawawala ang engagement ring kung sinusuot?

Lumipas pa ang ilang sandali at nasapit ko na ang destinasyon ko.

Pero ang inaakala kong maarte itong business partner ko ay isang understatement lang iyon. Sobrang arte: ito ang tamang paglalarawan.

Nakauwi sa private dining ng pinaka-well reviewed fine dining restaurant hindi lang dito sa bansa kundi pati sa ibayong dagat ay si Lady Selena. Nakasuot siya ng cartwheel hat na sa sobrang laki ng visor na nakapalibot ay natatakpan na ang buong mukha nito. Nakasuot din siya ng gloves na sa sobrang haba ay abot hanggang elbow. Ang kutis niyang nakaexpose sa sexy niyang damit ay napakaputi. Kahit na hindi balat pa lang ang nakikita mo sa kanya ay tiyak mababaplundag ka na sa konklusyon na napakaganda niya.

May rason naman pala ang pagiging maarte nito.

"Good morning, Lady Selena," wika ko sabay bigay sa kanya ng bulaklak at tsokolate. Si Lady Selena ay isang maharlika doon sa Europa. Kailangan ko ng connection para mapasok ang market doon. Kaya ito kami ngayon mag-uusap.

"Thank you," seryusong tinig nito habang tinatanggap ang iniaaabot ko. Hindi man lang niya ako binati balik na nagpaisip sa akin na baka suplada ito. At baka secretary lang din niya ang nag-email sa akin na gumayak presentado at magdala ng bulaklak at tsokolate. Ang hangin ko naman sa isiping may gusto siya sa akin.

Inilagay niya ang mga binigay ko sa isang bahagi ng mesa at pinaanyayahang umupo na. Ako naman ay agad na nagpasalamat bago ipinuwesto ang sarili sa silya. At parang ako na lang din ang nahiya nang makitang dumukot siya ng alcohol sa bag niya at ipinahid sa dalawang kamay niya.

Jar Of Hearts (A Collection Of One Shot Dark Romance Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon