9th Heart

2.1K 7 0
                                    


Guys, support pa more! Umaakyat na tayo sa rankings. Akyat pa tayo nang mas mataas. Vote all chapters, comment every one of those. Breath in, breath out, add this book to your reading list and then share to everyone!

Here is the update
V
V
V

------------

The Orchard Master's love... in the woods!

At sa wakas ay natapos din.

Bago lumubog ang araw ay nagawa ko ring ubusin na itanim ang mga punla ng manggang pinatubo ko roon sa nursery. Nakakapagod, oo. Ngunit kapag natapos ka na sa iyong ginagawa at nakita mo ang iyong pinaghihirapan na masaganang tumutubo habang lumilipas ang panahon, sa iyong sarili ay nakakaramdam ka rin ng accomplishment.

Lumawak pa lalo ang sakop ng manggahan dito sa aming rancho.

"This will do for today!" wika ko habang kinukuha ang puting bimpong nakasampay sa aking kanang balikat. Ipinahid ko iyon sa aking hubad at pawisang katawan bago ito muling ibinalik sa pagkakasampay sa aking balikat.

Dahilan sa marumi ang aking kamay sa buong araw na pagtatrabaho sa lupa, bago ko ngang tuluyang lisanin ang hekta-hektaryang lawak ng kapunuan ng mangga rito sa rancho, pinuntahan ko muna ang isang balon para doon ay maghugas ng kamay.

Hindi nakalipas ang isang mahabang sandali ay aking narating na nga ang balong sadya ko. Umigib ako ng tubig doon na siya ko rin namang ginamit na panghugas sa aking kamay. Kinuha ko ang isang sabong naka-standby lang doon para sa kung sino man ang nagbabalak na maghugas din ng kanilang mga kamay.

Nang matapos na ako sa sadya ko sa balong iyon, aking inumpisahan na ang paglalakad pauwi sa bahay.

Ngunit...

Pakiramdam ko lang ba ito, o totoo ngang may nagmamasid sa akin? Kanina ko pa kasi napupuna na para bang may sumusunod kahit saan man ako pumunta. Nagsimula pa ito kanina nang malapit na akong matapos sa pagtanim ng mga punla ng mangga nang may narinig ako na para bang mayroong nakatapak sa isang tuyong sanga ng kahoy.

Una ay binalewala ko pa ito. Baka naman kasi napakarupok lang ng sanga kaya ito ay nabali nang malaglag sa lupa. Ngunit nang makarinig pa ako ng mga pailang-ilang kalas na nagmumula sa hindi kalayuan saan man ako pumunta, lumakas pa lalo ang kutob ko na mayroon ngang sumusunod sa akin saan man ako dumako.

"Sino ka?" tanong ko. But I didn't set aside the fact na wala siyang balak na sumagot.

Nagtagal ang mga sandali, at gaya ng inaasahan ko, wala nga akong may narinig na tugon.

Dahil sa nakalubog na ang araw papunta sa malayong kanluran, kahit na gusto kong halughugin ang kakahuyan para lang malaman kung sino itong umaaligid-ligid sa akin, ay mas pinili ko na lang na ipagpatuloy ang aking paglalakad pauwi sa bahay.

Ngunit...

Bago ko pa nga tuluyang malisan ang manggahan, mayroong isang tao ang nagpakita sa aking harapan.

Ito'y isang babae.

Mayroon siyang suot na puting damit na para bang namantsahan ng kung anumang kulay pulay. Ang mahabang buhok nito ay nakatakip sa kanyang mukha. Bahagyang nakayuko rin ang kanyang ulo. Walang siyang saplot sa paa na siya ko namang ipinagtaka.

At saka pa, kung white lady siya, kagaya sa mga pelikula, hindi ba dapat puting-puti rin ang kanyang kutis?

Sa kaso ng babaeng ito, kahit hindi maiipagkakailang puti siya, alam kung hindi siya multo. I know the difference between the living and the dead. Ngunit, sino siya?

Jar Of Hearts (A Collection Of One Shot Dark Romance Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon