20th Heart

51 0 0
                                    


His humungous his inside her tight her... in vanilla icing escapde.

Pasado alas diyes na ng gabi ngunit ito pa rin ako at binabaybay ang kahabaan ng highway. Supposedly ay kanina pa ako dapat nakauwi. Kaso pagkatapos kanina ng meeting sa trabaho ay nakaidlip ako sa aking opisina. Hindi ko na namalayan ang oras at 9:45 pm na nang magising. Agad kong iniligpit ang mga gamit at umalis na sa building. Kaya ito pa lang ako ngayon, papauwi pa lamang.

Ngunit habang patuloy lamang sa pag-drive ng SUV ko, pagtataka ko ang isang motorsiklo sa gilid ng daan. Hindi ito umaandar, ngunit may taong nagpapailaw rito. Kahit na nakafull gear leather jacket, helmet, at other safety accessories, batid kong babae ito. Ang voluptuous kasi ng figure niya.

Dahil sa alam kong may problema sa motorsiklo niya, at dahil na rin sa kung baka ano pa ang mangyari sa babae, kaya nagdesisyon akong hinutuan siya. Not necessarily na aalukin ko siya ng sasakyan pauwi pero kakausapin ko muna siya kung ano ang nangyari at kung may tulong ba siyang inaabangan.

Bumaba ako sa SUV para kausapin siya. Una ay tila natigilan ang babae na may sasakyang tumigil. Nakasuot siya ng helmet pero ang visor nito ay nakaanggat. Kahit na ganoon, bigo akong makita ang mukha niya ng detalyado dahil natatakpan ng magulo niyang buhok.

"Bakit po?" tanong niya. Pansin ko na bigla siyang naging alerto sa paligid niya.

"Wala naman," simpleng tugon ko. "Anong nangyari diyan?"

"Biglang namatay ang makita at hindi ko na nabuhay ulit."

"May susundo ba sa iyo rito? Gabi na."

"Iyon nga rin ang problema ko. Lowbat na ang cellphone ko. At nag-aalangan din akong iwan itong motorsiklo at baka manakaw kung maghahanap pa ako ng pwedeng mapag-charge ng cellphone."

"Nag-aalinlangan ka pang iwan iyang motorsiklo mo? Pwede mo na kaya itapon iyan."

Natigilan naman ang babae sa narinig. Natatawang tumugon siya, "Si, Sir, naman. Ang yaman n'yo naman yata. Kung ako nasa posisyon ninyo ay maaaring iyon din ang gagawin ko, Sir. Pero hulugan pa itong motor ko e. Mga isang taon pa lang ang nababayaran ko rito. May dalawang taon pa akong aahunin.

Ako naman ang natigilan sa narinig. Tugon ko, "Ah, ganon ba. Sige alukin na lang kita ng tulong dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo kung mauuna na ako. So, payag ka bang sumabay sa akin? Ihahatid kita sa bahay n'yo..."

Magsasalita pa sana ang babae pero dahil sa alam ko na kung ano ito, inunahan ko na siya, "Tatawag ako ng towing service. Huwag kang mag-alala, ako na ang babayad. Ididiretso ko iyan sa pinakamagaling na paayusan ng motor dito sa lungsod."

Hindi na nakapagtanggi ang babae at napapayag ding sumabay sa akin. Marahil nabatid niyang uwing-uwi na ako. Idagdag mo pa ang bihis propesyonal ko at SUV. Hindi na yata niya ako pinag-isipan ng masama dahil kaya ko naman kumuha ng babae kailan ko man gustuhin. Although minsan ang mga tipo niya ay nagkakattract din ako.

Though pansin ko na wala talaga siyang balak na tanggalin ang suot na helmet.

Umalis na kami sa lugar na iyon at binaybay ang highway. Ngunit tila namali ako ng kinahabagan. Ilang minuto na kasi ang lumipas at kasalukuyang nagmamaneho na ako ng sasakyan sa magubat na lugar na hindi ko alam napupuntahan. Tila bogus itong babae.

At nakumpirma ko nga ang kutob ko nang nagpalabas siya ng baril at itinutok ito sa ulo ko.

Wika nito, "Holdap ito. Ngayon, kung ayaw mong sumabog itong hawak kong revolver sa bungo mo ay sumunod ka sa lahat ng mga ipinag-uutos ko. Magkamali ka lamang ay hindi ako magdadalawang isip na magsentensya sa buhay mo. Ngayon ay ihinto mo itong sasakyan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jar Of Hearts (A Collection Of One Shot Dark Romance Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon