18th Heart

667 0 0
                                    


His awesome his inside her stunning her... In the flower field!

"Tao po?" patanong tono na sigaw ko pagkatapos na aking kinatok ang front door ng bahay ng taong balak kong kontratahin na maging wedding planner para sa kasal namin ng aking fiancee.

May nakapagsabi kasi sa akin na ang taong naninirahan sa bahay na ito ay napakagaling magplano ng mga events. Mga kilala ngang personalidad ay sa kanya rin nagpapaasikaso.

Nanatiling naghihintay para sa sagot ng aking ginawang pagtawag, nang wala akong may narinig ni isang tinig na nagmumula sa loob ng bahay, nagdesisyon akong ulutin ang mga ginawa. Kinatok ang pinto at pagkatapos ay nagsalita ng 'tao po?'.

Ngunit gaya ng una kong magkakasunod na ginawa, sa ikalawang beses ay wala pa rin akong tugon na natanggap. Napaisip kung nasa loob ba talaga ng bahay ang aking sinadya o wala, kalaunan sa aking paghihintay ay nagpasya akong kunin ang aking cellphone para tawagan ang number na ibinigay sa akin na ang sabi ay pwede ko raw makontak ang potential wedding planner namin dito. Pinuno ng ingay ng pag-ring ng cellphone ang matahimik na lugar.

"Hello?" ngunit imbes na sa cellphone ko narinig ang katagang iyon, nang mapagtanto kong nanggagaling iyon sa aking likod, agad akong humarap doon at nakita ang isang babae.

"Ah hi," sabi ko. Patuloy lang sa pag-ring ang aking cellphone. Ang babaeng tumambad sa aking pagharap sa likod ay may pulang buhok at berdeng mga mata. Siguro banyaga ito.

"Ano ang sadya mo rito?" tanong niya na bahagya naman akong napaisip. Siya kaya itong nakatira sa bahay na nasa aking likod. Maaring siya kaya ang sinadya ko?

Ngunit kung magkagayon, bakit hindi man lang sinabi sa akin na banyaga pala ang kakaharapin ko.

"Ah e, kakausapin ko ang taong nakatira dito," sabi ko sabay turo ng bahay na nasa akin likod.

"Ah ganoon ba? Ako rin." Napaarko ang kilay ko sa narinig.

"Ano'ng 'ako rin'?" nagtataka kong tanong.

"Ah kasi may kasal akong mangyayari. E gusto ko ang babaeng nakatira dito ang maging wedding planner namin. Marami kasi magandang feedback sa kung paano niya pinaplano ang lahat-lahat sa isang kasal."

Dahil sa kanyang sinabi ay agad na nawala ang haka-hakang mayroon sa aking isipan kung siya ba itong aking sinadya. Ang babaeng kasalukuyan kong kinakausap ay-- gaya ko-- gusto rin palang makapag-book ng contract sa magiging wedding planner.

Ngunit tila napakabagal ng pagpasok ng realisasyon sa aking isipan. Ewan ko kung bakit, ngunit alam kong hindi ito dahil sa bahagyang nakalabas na cleavage ng babaeng kaharap ko. Kung gusto niya kasi ng wedding planner at ako ay ganoon din, ang mangyayari ay pag-aagawan namin ang aming pinunta rito.

"Miss, sorry, but I think kailangan mo na lang maghanap ng ibang wedding planner," pagpapauna ko na.

"Excuse me?" tila na-offend sa sinabi ko na tanong ng babae.

"Sorry, mean no offense." I chuckled before continuing, "Ngunit ako ang nakauna rito, e. At nandito ako dahil kokontratahin ko rin na maging wedding planner ang nakatira sa bahay na ito."

"Sorry din, Sir, pero hindi mo ako mapapaalis dito dahil lang ikaw ang nauna. Duh, ang layo kaya ng pinanggalingan ko para umuwi lamang na bigo."

At dahil doon ay nagsimula na siyang magsunggit.

Tsk. Mukhang mapapasubok ako rito, a? "Miss, kailan ba ang kasal mo?"

"Ang kasal ko ang mangyayari sa June 1st."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano? June 1st? Mukha talagang mapapasubok ako rito. "Sa June 1st ka rin? Kasal ko rin kasi iyon."

"Then, I don't care. Para saan pa kung sa akin na mapupunta ang gusto mong wedding planner, 'di ba?" After she spoke those, she left me a smirk that made me clenched my jaw. She is challenging me, I can tell.

Jar Of Hearts (A Collection Of One Shot Dark Romance Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon