Kinabukasan ay biglang nag-announce na walang pasok ang buong academy namin. Under investigation kasi iyong nangyari sakin, Ofcourse, My parents are furious about it kaya pina-imbestigahan, ayoko na sanang sabihin pero huli na dahil nasabi na pala ni Aunt Faye.
After four days ay nag-resume na ang pasok namin. Nitong nagdaang sabado at linggo ay mas minabuti kong mag-stay na lang muna sa bahay since I need to make a research about the incident in the parking lot.
Na-kick out naman iyong dalawang gunggong na tumambang sakin last week. Ang kaso lang eh ayaw kumanta! Napagkamalan lang daw nila ako kaya ginanon ako! Hindi naniwala sila mommy kaya napalayas sa Olympus nang wala sa oras iyong dalawa.
Oh come on! All these years? Ngayon pa may gumawa sakin nang ganito? The person behind all of this must be insane!
"Stop clutching your bag" Saway nang kung sino. Napalingon naman ako sa paligid to find out na nasa elevator ako. Dale is standing beside me. Ayaw na kasi ni mom na mag-isa ako totally, lalo na kapag wala yung mga distant guards.
"You're safe now, I'm here" That made me look at him. He smiled so do I. Tumunog na iyong elevator at lumabas na kami. Diretso ako sa building namin at ganon din siya.
Pagkatapos nang una naming subject ay agad akong lumabas nang room at dumiretso sa gym para kunin iyong tote bag ko.
"Goddess? What are you doing here? May klase pa ah?" Bungad nung isang trainor na nakita ko pagkapasok ko sa building. Nasa treadmill iyong trainor na kausap ko.
"Yeah, I just forgot something" Sabi ko sabay ngiti.
"Okay" Kibit balikat naman nito at pinagpatuloy ang pagtakbo niya. Dumiretso naman ako sa locker room dito sa first floor malapit sa medyo dulo nitong hallway sa kaliwa.
Agad kong kinuha iyong tote bag na may laman sa loob. Medyo mabigat iyon ng kaunti. Dumiretso ako sa Octagon pagkalabas ko nang Gym.
Tumingin-tingin pa ako sa paligid bago ko ini-slide iyong silver card ko sa pinto nang Special Building. Nang makarating ako sa third floor walang tao roon sa pasilyo nila.
"You'll never forget history" Nakangising sabi ko habang nakatanaw sa labas nang room nila Kristan. Sa schedule nila na nakuha ko ay isa't kalahating oras ang history nila, Mas mahaba at mas matagal ang bawat subjects nila compare sa mga normal sections like us.
Habang naglalakad sa pasilyo nang building nang special block ay pasimple kong binubuhusan nang powder na sabon ang madaanan ko, He wants to play with me? Then we'll play.
Bumaba ako sa ikalawang palapag hanggang sa pinakababang palapag at ganun parin ang ginawa ko, Ubos na ubos ang tatlong dosena nang sabon na dala-dala ko sa tote bag na bitbit ko. Mabilis kong itinapon sa basurahan lahat nang plastic nang sabon at para walang trace at inosenteng naglakad pabalik sa gym tapos ay bumalik sa building nang block namin.
Pagbalik ko ay sakto namang lilipat na kami nang room, sa Science Laboratory. Nasa Octagon iyon malapit. Saktong-sakto sa plano.
Nagsimula ang diskusyon nang teacher namin sa harap, may mga chemicals na pinapaghalo namin paminsan. Science is actually one of my favorite subjects pero sadyang naka-focus ata ang utak ko sa gagawin ko mamaya kaya inantay ko na lang na matapos itong subject.
Pasulyap-sulyap pa ako sa wall clock namin sa science laboratory 5 minutes na lang Inayos ko na ang mga gamit ko sa bag ko na nasa ibaba nang table namin ngayon at naghahanda sa gagawin ko mamaya.
"Don't forget to do your homework, Take your break Class" Napangiti ako sa narinig kong sinabi ni Miss Analiza. She's our biology teacher. Agad akong dumiretso sa labas at nauna na sa mga kaklase kong napakabagal magsilakad, dumiretso ako sa malapit sa hagdan at ibinato ang handbag ko sa pinakababa na baitang nito.
BINABASA MO ANG
OLYMPUS ACADEMY
Teen FictionOlympus Academy, A school of rich, powerful and elite students. Pinapatakbo at Isinasaayos ito nang lima sa pinaka-matataas na klase nang estudyante sa eskwelahan na ito, Ang Student Council. Hi-Tech and secured ang buong eskwelahan dahil halos laha...