"Goddess!" Dinig kong tawag nang kung sino mula sa pinto.
"Yes? Pababa na rin ako pasabi kila mommy!" Tinignan ko muna ang sarili ko sa dresser ko bago bumaba. I am wearing our school uniform. I feel so normal kapag suot ko ito.
Bumaba na ako matapos ma check ang itsura ko at dinala ang sling-hand bag ko. Naabutan ko naman ang mga magulang ko na parang nagdidiskusyon about something, ewan, mukhang frustrated ang dalawa to.
"Good morning!" Malakas na bati ko para makuha ang atensyon nila pareho, sabay naman silang lumingon at tinawag ako ni daddy para umupo sa sofa kasama nila.
"Something wrong? Mukha po kayong may problema Dy" Sabi ko, huminga muna nang malalim si mommy bago nagsalita sa tabi ko.
"Dmitri, Wala bang nagpapakilala sayo na kahit sino?" Tanong ni mommy, Nalito naman ako dahil doon. Anong klaseng pagpapakilala kaya? About ba to sa dapat itago ko? Siguro yun nga.
"Wala naman My" I honestly answered.
"Any strangers na lumalapit at gusto kang makilala?" Tanong naman ni Daddy, ano ba to? May threat na naman ba kaya paranoid na naman sila? Nung nasa 7th grade kasi ako ay naka-recieve nang death threat ang family namin kaya kinailangan akong pabantayan sa sandamakmak na guards tapos nung nasa 8th grade naman ako ay may nang-loob samin at nagsend nang death treat uli kaya kina lola muna ako pinatira nila mommy.
"Wala po Dy, May threat na naman po ba kaya may distant bodyguards na naman ako? Ayoko pong bumalik kina lola ulit!" Sabi ko, I hate it their, bukod sa malayo ako sa magulang ko ay napaka-strict nila lola, lady etiquettes, manners and whatsoever ang pinapairal sa bahay nila, Di gaya dito samin I can always sleep on my balcony or sa pool.
"I understand, Wala naman dear, we're just taking precautions kaya dinagdagan yung bodyguards mo" Tinanguan ko naman iyon, nakakasakal na paminsan pero alam kong iniisip lang nila daddy ang kaligtasan ko.
"Can I not have them today? I just want to, mommy. Just this day.. Please?" Nginitian lang ni mommy ang pag p-please ko na uyon, niyakap ko naman siya dahil duon.
"I heard from Dale na may bagong students daw sa Olympus?" Biglang tanong ni daddy, Tsk! Dale talaga! Sinabi pa kay daddy eh! Pero buti na lang at mukhang walang alam sa nangyari kahapon si daddy.
"Uhm.. Opo, Exchanged students daw po from Japan, The other two has a background of studying from local school" Yung exchanged student na tinutukoy ko ay iyong hapon na nakaaway ko kahapon his name is Caleb Kristan Sato tapos yung dalawa namang students pa na kapareho nitong tranferee na may history of local study ay sina Reneeleth Lewis Fonterial at Kent Xymone Monterero.
Kilala ko ang Fonterial na iyon, I mean their family name. Madalas din kasi kami sa gym ni Dale kapag weekends at sa mismong sports center nila kami pumupunta minsan kapag gusto naming mag-boxing or arrow shooting. The other one? Yung Monterero? All I know ay isa sa mga nangungunang businessman ang daddy niya.
"Ihahatid ka nga pala namin ngayon, just to.. Be safe" Kibit balikat ni mommy, hindi na ako umangal doon dahil wali rin namang mangyayari. Nang makarating kami sa school ay bumaba na kaagad ako sa kotse at dumiretso sa elevator.
"Shit!" Biglang mura ko nang may humatak sa pala-pulsuhan ko pagkalabas ko nang elevator. Ngayon pa talaga kung kelan wala akong body gurads? Timing naman masyado! Naka all-black outfit yung dalawang lalaki na humahatak sakin. Tinadyakan ko naman ang likod nang tuhod ng isa sa kanila kaya napaluhod ito at nabitawan ang isa kong kamay. Malakas iyong pagkaka-tadyak ko kaya napasigaw iyong isang lalaki.
There, I had my chance to escape pero hindi nangyari iyon nang tadyakan rin ako nito sa sikmura. Napahawak ako roon sa sakit, Hindi ko muna iyon ininda at nilabanan itong dalawa sa harap ko. Sinugod ko iyong tumadyak sakin dahil medyo mahina pa yata yung isa, Sunod-sunod ko itong inatake nang suntok at flying kick pero nasasalag iyon nang magkabilaang braso niya.
BINABASA MO ANG
OLYMPUS ACADEMY
Fiksi RemajaOlympus Academy, A school of rich, powerful and elite students. Pinapatakbo at Isinasaayos ito nang lima sa pinaka-matataas na klase nang estudyante sa eskwelahan na ito, Ang Student Council. Hi-Tech and secured ang buong eskwelahan dahil halos laha...