Wednesday. Dalawang araw na akong nakatambay dito sa mansiyon namin, simula kasi nung nahuli ako ni Aeirie ay nakarating kay aunt Faye ang nangyaring eskandalo and eventually sa mommy at daddy ko. I've been punished by the student council, tutol nga dito si Dale pero wala naring nagawa ang pag-object niya dahil natuloy parin ang suspension ko na 1 week pero dahil narin sa connections namin nang family ko ay 2 days suspension lang ang natanggap ko.
"This is better than going to school hearing freaking rumors about me" Usal ko at tumaray pa. Humiga na lang ako sa balconahe nitong terrace sa room ko at inalala ang nangyari nung monday.
"Hey, what's up? Miss me?" Naka-ngiting bungad ni Dale nang makalapit ito sakin. Hindi ko pinansin ang panunudyo nito dahil na kay Aeirie ang atensyon ko.
"Alexeana? Oh my god! The legendary Alexeana Dmitri Alvarez is here at the special block building!" Napatakip pa ang bruhilda sa bibig niya pagkatapos niya isigaw ang buong pangalan ko at matawag ang atensyon nang buong SB-A class, she's really burning my strings.
"Why is she here? Based on what I heard she belong to the lowest block right?"
"Ada's here? Why?"
I didn't mind that their other classmates are talking about me, gusto ko na lang haltakin tong si Aeirie at sapakin nang matauhan. Bakit ba niya kasi ginawa yun?! Kailangan i-announce sa lahat na nandito ako?!
"Mind telling me why are you here in 'our' building? And—" Sarkastikong tanong ni Aeirie sakin with matching taas pa talaga nang kilay Ahitin ko lahat yan eh. Pinutol naman siya ni Dale, he must be feeling that the aura tense up.
"Let's go somewhere private Aeirie, Sa headquarters tayo... Please" And just like that ay nagtungo kami sa elevator para makapunta sa ground floor.
Habang naglalakad papuntang heard quarters nang student council ay pinagpapawisan ako nang malamig eh sino bang hindi kung ganito ang sitwasyon na kinalalagyan mo? Yari ako kila mommy nito eh! Nangako pa naman ako na hindi ako magpapahuli sa kahit na sino kapag gagamitin ko yung pass ko.
Nang nasa tapat na kami nang headquarters nila ay sinenyasan muna ni Aeirie ang dalawang kasama niya na umalis na. Pag-pasok namin sa loob ay namangha ako, besides first time ko naman talagang maka-pasok dito. Karamihan kasi nang pumapasok dito ay bukod sa mismong student council ay yung mga may minor issues at kailangan nang counseling.
"So mind telling me your alibi?" Sabi pa ni Aeirie at um-upo siya sa table sa gitna. Air conditioned dito sa loob and may carpet din. Sa walls ay nakalagay ang portrait nang bawat isa beside that is their achievements at naiambag sa school, kaso walang portrait ang sumunod na frame kay Aeirie I wonder why?..
"Watch your words Aeirie" May pagbabanta ang tono ni Dale pero inirapan lang iyon ni Aeirie at inaantay na sumagot ako.
"I have to meet Dale because of some personal matters, does that work on you?" Sarkastikong sabi ko pa. Kung bitch tong vice president nang student council ay mas malala ako, pero siyempre sa piling tao lang.
"And how'd you do that? Back there" Sabi nito at ngumiti na animoy nagtagumpay sa kung saan, matagal pa na nagloading sa utak ko ang sinabi niya at nang ma-gets ko na ay nagulat ako at natulala she know? How? Hindi ako pwedeng magka-record sa guidance! I don't want to disgrace my family.
"What do you mean?" Kampanteng tanong ko kahit na kinakabahan na talaga ako.
"Oh I know you get me Ada, you're not that stupid to not to get my point" She insisted , Mukhang iritado na siya sakin
"Teka lang... Ano ba yang sinasabi mo Aeirie?" Sabat naman ni Dale at tumabi sakin sa kabilang gilid. May hinalughog naman si Aeirie sa bag niya at ibinato sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
OLYMPUS ACADEMY
Teen FictionOlympus Academy, A school of rich, powerful and elite students. Pinapatakbo at Isinasaayos ito nang lima sa pinaka-matataas na klase nang estudyante sa eskwelahan na ito, Ang Student Council. Hi-Tech and secured ang buong eskwelahan dahil halos laha...