Kabanata Lima

40 4 0
                                    

•••

Hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip sa sinabi ng isa kong dating kaibigan na pumunta pa talaga sa bahay para lang magtanong about sa trabahong hindi ko inaasahang iaalok niya sa akin, isang trabaho na bigla na lang dumating sa buhay ko!

“Breaking News! May bago ng leading man ang papalit sa movie ng "Stars of Mine" pagtapos malaman na ang dating leading man nito ay nasangkot sa isang scandal kaya walang nagawa ang direktor ng movie na ito kung hindi ang alisin ito sa mga cast na pagbibidahan nito. At ngayon ay nakahanap na sila ng bagong leading man, ito na ba ang simula upang matapos na ang movie na dalawang taon ding pinagplanuhan at pinaghintay nang lahat? Abangan!”

Stars of Mine? It's been two freaking years pagtapos kong malamang may gagawa ng ganiyang kagandang movie! College pa lang ako noon at gustong-gusto ko ang plot ng movie na iyon! Dahil you know nag-research talaga ako para malaman ko kung ano ang plot at kung sino-sino ang mga gaganap! Pinagmayabang ko pa sa mga kaklase ko iyon dahil gusto ko ay magfangirl/fanboy din sila kagaya ko about sa movie na 'yon, at nagtagumpay nga ako.

Ngunit agad ding umingay ang nasabing movie dahil agad nilang inalis ang isang cast dahil daw sa scandal nito na ang direktor talaga ang nakaalam. Kaya wala silang nagawa kung hindi ang i-postpone ang plano para sa movie na iyon dahil kailangan nilang magpa-Audition para sa magiging bagong leading man na ang attitude ay pasok kung ano ang ugali ng bidang lalaki doon.

And then after two years ngayon lang ulit sila nakakuha ng bagong leading man? Grabe! 25 na ako pero ngayon lang ulit bumukas ang balitang ito?

Why!?

"Oh? May bagong leading man na pala ang Movie na 'yon, siguro naman sisimulan na nila 'yung shooting ng bawat scenes para madaling matapos at agad na mapanood ng sambayanan." React naman ni Mader ng matapos ibalita sa TV namin 'yon.

Umagang-umaga pero napakainit agad ng balita na bubungad samin. Pero sana nga matapos agad ang shooting at ipalabas agad nila... hindi ko alam kung nagiba ba ang plot ng Movie na 'yon pero ang alam ko... hindi pa rin.

Nagstick sila sa plot dahil alam nilang maraming nag-e-expect na maganda ang kalalabasan ng lahat. At alam kong nag-e-expect din ng malaki ang Director, Staff, Writer at lahat para sa Movie na ito. Sino ba namang hindi? Ang daming nag-aabang sa movie na iyon at halos dalawang taon rin ang hinintay magkaroon lang ulit ng bagong leading man!

"Sana nga po maging maganda Mader eh, grabe two years after! College pa lang ako 'non tapos ngayon lang nila ulit inungkat itong tungkol sa Movie na ito," sambit ko naman at saka kumagat sa pandesal na hawak ko.

"Sayang nga 'yung dati nilang leading man, kung hindi lang nasangkot sa isang "scandal" edi hindi mapo-postpone ang Movie na siyang inabangan nating dalawa noon. Hay nako, paano kaya kung malaman ni Essie ang Movie na ito? For sure matutuwa ang batang iyon."

Biglang sumingkit ang mata ko ng lingunin ko si Mader. So paano naman ako? Hindi niya ako tatanungin?

Tapos bigla siyang lumingon sa akin at biglang tumawa! Nakakatampo ah!

"Syempre hindi ko makakalimutan ang Anak ko, dahil matagal na niyang inaantay ang palabas na 'to." Natutuwa talaga si Mader sa pang-aasar sa akin.

Kaya niya ako inaasar dahil alam niyang kulang ako sa tulog, hindi dahil sa kakapuyat about sa ibang bagay, kung hindi ay dahil sa isa kong kaibigan na pumunta pa talaga dito kagabi para sa trabahong inaalok nito.

Siguro kailangan ko munang pag-isipan ang bagay na 'yon bago ko siya tawagan at puntahan. Wala nga akong alam sa pagiging personal assistant tapos ako pa 'yong inalok. Alam ko naman na maraming ideas na pwedeng makuha sa internet, pero ibang-iba kasi 'yung actual mo ng gagawin, na personal assistant ka na talaga, na magbabantay ka, magaasikaso, ganun! Pero dahil trabaho na iyon at ayoko ng mawala iyon ay tatanggapin ko na lang kesa naman na mapunta pa iyon sa iba 'di ba?

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon