Kabanata Dalawampu't-apat

14 2 0
                                    

•••

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari at tuloy pa rin ang shooting para sa Stars of Mine. Habang nandodoon ako at binabantayan ang bawat galaw ng mga kasama ko ay hindi ko maiwasang titigan nang masama si Marienet at hindi niya rin maiwasang irapan ang titig ko sa kaniya.

Pakialam ko ba sa irap niya? Tanggalin ko yang kilay niya dyan eh. Kung makatingin din ang Manager niyang pinaglihi sa sama ng loob ay iisipin kong ang laki ng atraso ko sa kaniya kahit wala naman. Para bang may utang ako na ang laki-laki sa kaniya kahit wala naman.

Sila may atraso sa amin ano! Hindi ko pa nakakalimutan iyon!

Naalala ko may isang beses pa na kinusap ako ni Marienet kung bakit daw ang sama ng tingin ko sa kaniya. Syempre hindi ko sinabing alam ko na iyong ginawa niya kay Leo, kaya imbis na sagutin ang tanong niya ay binigay ko na lang yung isang paper bag na naglalaman ng isang burger, isang fries at isang coke na galing sa isang fast food na pinabili nila kay Daryl.

Dahil walang kasama iyong tao, sinamahan ko. Nagulat pa nga siya 'nung iniabot ko iyon sa kaniya eh. Ayaw niya 'non? Malanghap niya iyong sarap na hindi niya makalimutan? Para naman mawala iyong init ng ulo niya. Actually hindi nga niya kinuha sa akin iyon eh, nilapag ko na lang sa lamesa na malapit sa kaniya at saka ako umalis at sumabay pabalik kay Daryl sa likod habang tumatawa siya kasi kinukwento ko sa kaniya iyong nangyari sa pagitan namin ni Marienet sa loob ng bahay.

Idinala namin ang ibang mga pinamili namin sa ibang mga staff at saka ko binigay ang para kay Leo. Nagtanong pa siya kung bakit isa ako sa nagbibigay ng pagkain eh hindi naman ako staff ng Movie na 'to. Nagkibit-balikat na lang ako kaysa naman sa wala akong gawin 'di ba? Saka ibinigay ko rin sa kaniya iyong dalawang plastic cup ng kape na alam kong gusto niyang inumin.

"Bakit ka pa bumili nito? Hindi naman kita inutusang bumili nito ah?" Oh 'di ba hindi na maikli sagot niya sa akin.

"Nanlibre si Ms. Shin sinulit ko na." sagot ko na lang at kagat sa burger na kinakain ko.

"Mamaya maningil si Hana sa akin."

"Edi bayaran mo." dagdag kong sagot sabay lagay ng limang fries sa bibig ko.

"Wala naman akong iniisip sa babayaran, pero... ganiyan ka ba talaga kumain?" nakakunot niyang tanong habang nakatingin sa akin. Actually nang tignan ko nga siya eh, hindi maipinta ang mukha niya

Kumuha ako ulit ako ng fries na nilibre nila, "Ito ba? Oo? Gutom ako eh." mabilis kong sagot habang nilalantakan iyon sa harap niya.

Ang sarap talaga kapag libre.

"Ang siba mo palang kumain..." Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil doon.

"Pakialam mo ba?" Tapos bigla siyang tumawa. Pero hindi naman 'yung klase ng tawa na parang nakakainis o nakakainsulto sa pandinig.

Pinabayaan ko na lang siya dahil gutom nga ako! Gutom ako sa pagsama kay Daryl at gutom rin ako dahil sa naging tarayan at usapan namin ni Marienet. Pero sa ngayon, ayoko munang isipin ang babaeng iyon! Nakakawala lang siya ng mood.

Napansin ko naman si Leo, nakangiti siya ngayon, otomatiko naman akong napangiti dahil mukhang nakabalik na siya sa old self niya. Cold magsalita at maldito na mahilig na labin-dalawang tasa ng kape.

Napapailing na lang akong inubos ang pagkain na nasa harap ko. Pinagmasdan ko na lang rin ang mga tao sa harap ko. Ang apat na masayang nakikipag-kwentuhan kay Essie at Ms. Shin, at si Daryl na nakikisali sa usapan nila.

At ang ibang mga staff na masayang kumakain at nagpapahinga. Ganito ang gusto kong makita... ang saya lang sa pakiramdam.

"Why are you smiling like that?" Napahinto ako sa paginom sa inuming hawak ko dahil bigla akong napalingon kay Leo.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon