Kabanata Dalawampu't-pito

16 2 0
                                    


•••

Mas maaga pa akong nagising kaysa sa alarm clock ko. Wala naman akong ginawa kung hindi ang gawin ng maaga ang mga kailangan kong gawin.

Nang matapos ako sa mga gawain ay naupo na lang ako sa sala habang nasa lapag ang dalawang bag na naglalaman ng mga gamit ko. Tahimik ang buong bahay dahil hindi na ako nagpagising pa kay Mader.

Gusto ko magpahinga na lang muna siya, tinulungan niya kasi ako magimpake kagabi eh. Akala niya kung saan na naman kami pupunta, mabuti na nga lang daw at sa loob pa rin kami ng bansa at hindi kami aalis ng bansa gaya noon.

Napaisip ako... dalawang linggo na ang nakalipas tapos ngayon lang ulit kami magkikita ng alaga ko. Kahit naman may ganito akong nararamdaman ayoko na lang pansinin, mas magandang mag-focus na lang ako sa trabaho ko.

'Yon nga talaga ang dapat gawin, Jelly! Welcome back as Personal Assistant.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang may narinig akong paghinto ng kotse sa labas. Nagtaka ako dahil doon, ang alam ko ay tatawagan ako ni Ms. Shin para sabihin na papunta na siya, pero... napatingin ako sa phone ko nang biglang nag-vibrate ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nagiisang text meesage doon.

I'm here.

Biglang sumikip ang dibdib ko na ikinapikit ko. Ano ba yan! Ang aga-aga mo namang mag-react! Bwiset na puso yan!

Bakit nandito si Leo? Akala ko ba si Ms. Shin ang susundo sa akin?

Bahala na nga!

Kinuha ko na lang ang isang backpack sa lapag at isinukbit sa balikat ko. Ang isa naman ay binuhat ko na lang. Pumunta ako sa pinto at pagbukas ko doon ay nakita kong naka-angat na ang kamay niya para kumatok.

Parehas kaming napahinto at napatingin sa isa't-isa. Wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi ordinaryo lang. Umiwas na lang ako agad nang tingin agad sa kaniya. At paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Parang alam ko na kung sinong nagsabi sa kaniya ah?

Napaatras naman siya para makalabas ako. Nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin at ngayon ko lang napansin na iba na ang kulay ng buhok niya, it's silver or platinum blonde.

Need ba 'yon ngayon sa shooting nila?

It's suits him.

"Bagay sayo yang kulay ng buhok mo ngayon." pangunguna ko na ikinanlaki ng mga mata niya.

Why? Nahihiya na ba siya sa compliment ngayon? Come to think of it... ngayon ko lang siya na-compliment ah? Ayos ka, Jelly! Umagang-umaga bumibinggo ka.

"Thanks." mahinang sabi niya.

At ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. Ganun pa rin, mahinhin pa rin.

"Give it to me---"

"No, I can manage Mr. Jung." And there... i said it.

Nang magtama ang mata ulit naming dalawa ay ako na ang umiwas agad. Nakita ko kasing parang nagtataka siya. Nauna na lang akong naglakad papunta sa kotseng nakaparada. Bakit kotse niya itong gamit niya? Ano ba 'to si Ms. Shin! Sabi niya siya susundo sa akin eh! Ang awkward tuloy!

"Bakit kotse mo itong---"

"Get inside." Iyon na lang ang na ang narinig ko matapos niyang pumasok sa driver seat.

Oh?... okay.

Binuksan ko muna ang backseat para doon ilagay ang dalawang bag na dala ko. Pagtapos 'nun ay pumasok na ako sa passenger seat.

Nang maayos na akong nakaupo sa tabi niya, doon ko lang talaga na-realize kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong napakuyom at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon