Kabanata Dalawampu

27 4 0
                                    

•••

"Here..." Huminto na kami sa pagtakbo at naglakad na lang.

I'm still mesmerized to the beauty of this forest at the back of that beautiful house. At ito naman, kasa-kasama si Leo dahil may ipapakita daw siya sa aking mas magugustuhan ko pa.

And I bet, I'm starting to like it even though hindi ko pa iyon totally nakikita.

Sinundan ko si Leo sa paglalakad niya at tila lalabas na kami sa loob ng gubat na ito, nang hawiin niya ang mga dahon na nakaharang sa daan niya ay agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Tila lumiwanag ang paligid ko ng makita ko ang isang malawak na lawa na nasa harapan namin ngayon.

Para akong nasa isang paraiso. Sa isang nakatagong paraisong itinatago ng kalikasan sa mga mata naming lahat. Isang paraiso na iilang tao lang pupwedeng makakita.

"You like it?"

"No, I love it. I really love it." bulong ko habang pinagmamasdan ang sobrang gandang lugar na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.

Dahan-dahan akong naglakad, hindi ko maalis ang mga mata ko sa magandang paligid. Ipinikit ko ang mga mata ko at dahan-dahang huminga ng malalim, ang lamig at masarap na simoy ng hangin ang siyang pumuno sa kaloob-looban ko. I don't know but... I'm starting to love this place.

Nang buksan ko ang mga mata ko, sa kabilang dako ay doon ko nakita ang ilang mga staff na may inaayos. Ito ba ang isa sa scenes na ilalagay sa Movie? Kung ito nga, hindi ko naman in-e-expect na ganito kaganda ang magiging venue nila.

"Oh? Thank goodness you're here Leo." Napatingin kami parehas ni Leo sa likod niya at doon ay naglalakad palapit sa amin ang Director ng Movie.

Shems! Naaalala pa kaya niya ako? Kami ni Essie?

"The Make-up artist wants to talk to you. Mas magandang puntahan mo na muna dahil may ibang suggestion silang gustong sabihin." Napatango na lang ito at muling tumingin sa akin. Ngumiti na lang rin ako dito at tumango. Nang makaalis siya sa harap namin ng Director ay tumingin naman ito sa akin.

"You must be..."

"Jelly po, Jelly Suarez."

Bigla itong nagulat sa pagpapakilala ko ng pangalan ko sa kaniya.

"Suarez?" tumango ako.

Napapikit ito nang ilang segundo dahil mukhang may inaalala siya. Kilala niya ba ako? Eh, 'nung araw na pumunta lang kami dito, iyon ang unang beses na nakita at nakilala niya ako.

"You mean? Che---Cherry Suarez?" kunot-noo niyang tanong na ikinanlaki naman ng mata ko.

Hala! Kilala niya si Mader---err I mean si Mama?

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba, agad kong ipinagsiklop ko ang mga palad ko at agad na nagtanong.

"K-kilala niyo po ang Mama ko?"

Dahil sa tanony ko ay ang mga mata naman niya ang nanlaki. Grabe? So kilala niya talaga ang Mama ko? Sobrang liit ba talaga ng mundo?!

"Ikaw ang anak niya?" gulat na gulat na tanong niya.

"O-opo. Anak niya po ako." sagot ko na ikinangiti niya. Grabe! Wait, I can't process what is happening! Kailangan kong masabi ito kay Mader mamaya kapag tinawagan ko siya!

"Wow... hindi ko akalain na makikilala ko ang anak niya dito. Kamusta na pala siya? Ang tagal na kasi naming hindi nagkikita," Dahil doon ay parang may humaplos sa puso ko. I already found one of my mother's friends.

At hindi ko alam na Director pa ng paborito kong Movie ang isa sa nakakakilala kay Mama! What a small world is it?!

At ayaw na rin kasi niyang balikan ang mga nakaraan na hindi naman talaga kailangan pang balikan.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon