Chapter 24: "Your 60 days is over."

8 0 0
                                    


[ CJ's POV ]

Totoo pala talaga ang sinasabi ng karamihan na hindi mo malalaman ang isang bagay hangga't 'di mo pa ito nararanasan.

Simula noong malaman kong 60 days nalang ang meron ako sa mundong ito, halos araw-araw kong sinasabi sa sarili ko na tanggap ko na't handa na ako. Though alam ko sa kaloob-looban ko na may part parin sa sarili ko na hindi tanggap ang tadhanang ibinigay sa'kin, I just buried that feeling inside, shook it off and decided to 'accept' it.

And boy, I think I was wrong.

God knows kung ano man ang mga pagkumbinsing ginawa ni Lola't ni Seige kay Justin para hindi lang ituloy ang binabalak nitong gawin sakin. Alam ko rin sa sarili ko that I did my part to somehow help the situation. But as I am walking right now, following Justin's steps, nagsisimula nang magsink in lahat sa utak ko. Hindi gumana ang mga pagkumbinsing ginawa namin sa kanya at ito na yata ang huling pagkakataong masisilayan ko pa ang kagandahan ng mundo.

Simula noong araw na umiyak si Justin sa mga bisig ko, 'di na ako nakatulog ng maayos sa mga huling gabing natitira ko. And the worst part was I didn't even know what's the specific reason. Was it because I couldn't stop thinking about what Justin went through? Was it because of my growing feelings for him? Or was it because my last 60 days was about to be over.

Simula rin ng gabing 'yun mas naging distant si Justin. Halos hindi ito lumalabas ng kwarto at mas naging tahimik ito. Hindi ko nga alam kung nag sorry na ba 'to kay Lola Percy. Wala rin namang nabanggit si Lola Percy tungkol rito, so most probably that jerk didn't apologized.

He was quite a smartass kase nagawan nito ng paraan para hindi maging sagabal si Lola at si Seige sa plano nya.

I was woken up by someone who was knocking on my door at 3am in the morning. Like what the heck?

I groaned, pulling the mattress closer to my body, not wanting to entertain the sleep wrecker. Pero hindi ito tumigil at habang tumatagal medyo lumalakas at bumibilis na ang pagkatok nito. Kung si Seige man 'yan 'di ko alam kung ano na namang nakain ng babaeng 'to.

Pero nang binuksan ko ang pinto, nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako nang makita si Justin na nakatayo sa harapan ko, his face -as usual- impassive.

"Hurry the fuck up. Your 60 days is over. It's time."

Since it was only about 3am in the crack of dawn, walang kaide-ideya sina Lola at Seige na sinusundo na pala ako ni kamatayan.

At heto na nga kami, naglalakad patungo sa- wait, I don't even know where we're heading. I may look calm right now pero alam ni Lord na halos mamatay na ako sa kaba.

Eto naba talaga? Seryoso na talaga? Mamamatay na ba talaga ako? Mom? Kuya Cody?

A lot of questions were making my head explode. Hindi pa nagsasalita si Justin simula kanina. Tahimik lang itong naglalakad, his pants way too low. Kung gaano sya ka-conservative ganon rin ka-showy ang Calvin Klein boxers sya. At ako naman, I still couldn't find the guts to speak up. Natatakot ako, kinakabahan, nalulungkot. My throat was dry at namamasa ang mga palad ko. Hindi ko na alam anong gagawin. Sobrang sakit ng puso ko thinking na wala man lang akong pagkakataong makita at mayakap sila Lola at Seige lalo na si mom at si kuya bago man lang ako magpaalam.

Change Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon