Prologo

22.4K 589 50
                                    

Sa dalampasigan, isang babae ang nakaupo sa buhanginan. Siya'y nagmamasid sa malayo, kung saan ang papalubog na araw ay humahalik sa kanluran. At ang langit ay nakukulayan ng lila, kahel at rosas.

Nababahiran ng kalungkutan ang maamo niyang mukha. Ang kanyang mga mata na ubod ng rikit ay naaninagan ng masidhing pagkalumbay. Sampong taon na rin ang nakalipas magmula nang sila ay magkakilala, at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mabura sa kanyang balintataw ang pait ng kahapon.

Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha na kanina pa namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. Dumaloy ito sa kanyang namumulang pisngi sa kabila ng morena niyang balat at tuluyang bumagsak sa mapuputing buhangin. Wala sa sariling napahawak siya sa kwentas na nakasabit sa kanyang leeg.

Sampong taon na nakaraan at ang lahat ay sariwa pa rin sa kanyang alaala. At kagaya ngayon, kung saan marahang humahampas ang alon sa dalampasigan at ang araw ay papalubog sa kanluran, nakilala niya ang isang... engkantong dagat.

KALISKIS (Munting Handog - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon