Unang Kabanata

127 4 7
                                    


Present day..

And I love you so.. The people ask me how..
How I've live 'till now.. I tell them I don't know..

Mula sa malamyos na musika ay nabaling ang pansin ni Jianina sa biglang pag-ulan ng rose petals. Napahawak siya sa bibig sa pagkamangha. Ang ganda pagmasdan ng paligid. Punong-puno ng bulaklak.

I guess they understand.. how lonely life has been..
But life began again, the day you took my hand..

Kagaya ng tugtog ng banda, nagpatuloy si Jianina sa paghakbang. Nagsimula nang mamuo ang butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata. Bakit ba bigla na lang, naging emosyonal siya? Kung kailan pa kailangan, masaya lahat. Higit na siya. Hindi makatarungan ang umiyak sa ganoon kasayang moment.

She is beyond happy, to the point that she's also feeling the pain. Is it what they called bittersweet feelings?

Napatingin si Jianina sa unahan. A very handsome man waiting there in his white tuxedo and devonair smile. Nakangiti man pero makailang ulit na itong nahuli ni Jianina na nagpahid sa mga mata. Sigurado siya, umiiyak ito. Sa saya. Purong saya lang.

Nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa altar.. nang biglang may humaltak sa kanya.

"Hoy, gaga. Lumagpas ka na," saway ni Chichi. Hila-hila siya patungo sa unahang pew. "Dito po ang pwesto ng mga bridesmaid, hindi sa tabi ng groom. 'Wag mong agawan ng spot ang bride."

Napakurap si Jianina. "H-Ha?" Saka lang siya nabalik sa reyalidad.

Wala siya sa kasal niya. Nasa kasal siya ng iba.

"Oh my God. Ang ganda ni Dara.." sambit ni Chichi sa tabi niya.

Awtomatikong napatingin si Jianina sa entrance ng simbahan. Nakatayo roon si Ayushiridara, her one and only bestfriend. And the lovely bride.

"Ang ganda.." saad rin niya, kapagkuwan ay idinagdag, "Ng gown."

Natawa si Chichi. "Mas nagandahan ka sa gown kaysa nagsusuot? 'Di ka supportive na friend."

"Hayaan mo na, 'di naman ma-o-offend si Dara. Alam naman niya ang level ng beauty niya." Balewalang sagot ni Jianina.

Mas lalong natawa si Chichi. "Ikaw, kailan ka papatahi ng ganyan kagandang gown?"

"Kapag may nagtatahi na ng lovelife." Aniya sa kaibigan. "Papatahi ako ng matibay na matibay na lovelife."

Dyowa nga, wala siya. Wedding gown pa ba ang uunahin niyang asikasuhin? Siguro, iyon ang bitter na parte sa bittersweet feeling na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. One by one, her friends are tying the knot. Latest nga sa listahan si Dara. Iyong iba naman, may mga anak na. Kumbaga, secured nang may makakasama sa pagtanda.

Kumusta naman siya kapag tinamaan na siya ng rayuma?

"Tayong dalawa na lang ang single sa grupo," maya-maya ay sabi ni Chichi. "Na-pressure tuloy ako bigla."

And you love me too.. If it searches for me..
You set my spirit free.. I'm happy that you do..

"Aba, kagaling na babae!" biglang singit ni Ms. Julie, editor-in-chief ng pinagtatrabahuan nina Jianina na publishing company. "Mas na-pressure ka pa sa lovelife kaysa sa deadline ng Manuscript mo?"

Napasimangot si Jianina. Pati kasi 'yung kanya, naka-tengga pa. Siya pa naman ang nakatokang magsulat ng book 2 ng Collaboration series nila. "Kasi naman, Miss, ang hirap kaya 'nung plot!"

"Ba't si Dara, natapos niya?" ani Miss Julie.

"Kung si Dara na lang kaya ulit sumulat 'nung book 3, Miss? Ang hirap kasi talaga. Promise," angal rin ni Chichi.

A Writer's MisprintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon