Chapter 3: Rejected

12 6 0
                                    


"Couz! Ano ang nangyari? narinig ko sa tsismosa naming kaklase 'yung nangyari sayo about a year ago..." sabi ni Couz pagkalabas ko pa lang ng University, hinihintay niya pala ako.

"Napa-share lang naman ako Couz since pareho kami ng situation ni Miss pero as expected, no one believe me. I'm assuming daw and such" malungkot kong saad tsaka mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko.

"Why did you do that? alam mo naman mindset nila diba?"

"It's fine. Nakatulong din naman ako kay Mr. Kim, hindi na magfa-file ng case si Miss sa ginawa niya" nakangiti kong sabi.
"Isa pa, I don't mind naman kung ano sasabihin ng ibang tao, all I want to know is that bizzare man behind it"

"It's been a year, pero till now hindi mo pa rin kilala hm? It's my fault din eh, kung hindi sana ako na-late ng dating..."

"Sssh, don't say that. No one's at fault. Let's go?"

Nagsimula na kaming maglakad, tahimik. Walang umiimik, siguro napansin din ni Chantha na medyo wala ako sa mood.

"Ara, I know you're a bit off but what will you do kapag nalaman mo na kung sino 'yung guy?"

Natagilan ako, ano nga ba ang gagawin ko? should I slap him or file a case for stealing my first kiss?

"I actually don't know..." mahinahon kong sagot tsaka bumuntong hininga.
"What should I do nga ba?"

Ngumiti ng nakakaloka si Chantha tsaka unti-unting lumapit sa tenga ko;
"To be fair, steal a kiss too..."

"What are you even saying?!" nanlalaki na mga matang sabi ko tsaka siya pabirong tinulak.
"Steal a kiss, as well? you must be kidding me"

Humagalpak naman ng tawa si Chantha sabay ginulo-gulo ang buhok ko tsaka tumakbo palayo sa akin, napasimangot naman ako sa ginawa niya. Ayaw na ayaw ko lang talaga na ginugulo ang buhok ko, like ang hirap din kaya mag-ayos ng buhok. Arggh!

"Yah! come back here!" natatawa kong sabi tsaka siya hinabol.

Tawa lang kami ng tawa habang sinusubukan kong habulin si Chantha, pakiramdam ko bumalik kami mula sa pagkabata. The time when we were still... 9 years old.

"Kapag nahabol kita, you're gonna treat me a ticket for Bogum Oppa's fanmeeting!"

Lumingon naman siya sa akin tsaka ako kinindatan;
"If you can catch me..."

"I lied to you. When I told you to stay by my side, that didn't mean as an eunuch. Then... why did I tell you such a thing?"

After ng habulan session namin ni Chantha, nakarating din kami sa shared Condominium namin. Yes, sa Condo kami umuuwi ni Chantha, si Mom kasi sa Japan nagta-trabaho kasama si Dad and since ayaw ko naman iwan ang nasimulan kong pag-aaral dito sa University na pinapasukan ko, nagpa iwan muna ako. Susundan ko na lang sila doon after ng School year. Kinuha ko na rin si Chantha, 'yung place kasi nila aabutin pa ng 2 hours na biyahe everyday sa pagpasok at pag-uwi unlike dito sa Condo na binili ni Dad, walking distance lang sa University namin, and yes! doon mas nabuo ang close "friendship" namin. Kaibigan na nga, pinsan pa!

"Y-your highness. W-what are you doing?"

At this time, nasa Episode 7 na ako ng Love In the Moonlight, wherein the Crown Prince will confess his real feelings for Sam Nom!

"Before I am the Crown Prince, I am a person, and a man. I am inlove with you. That's my answer."

Without knowing, nakangiti na pala ako. How can he be this serious? Sam Nom is genuinely fortunate as he is, I guess kung hindi pa nalaman ni Crown Prince na nasa katauhan lang na pagiging lalake si Sam Nom, hindi pa mag co-confess si Crown Prince.

The Secrecy of an Amour Drawn by an Idol (TagLish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon