"MY SWEETHEART ENEMY" PART 7

1 0 0
                                    

"MY SWEETHEART ENEMY" PART 7

.
.
.
.
.

(KINAGABIHAN)

-Sumasabay nga sa panahon ang ka dramahan ni Thea dahil sa lakas ng pag ulan at tahimik ang bahay dahil wala ang kanyang kuya pati ang kanyang mga pamangkin dahil sa pinapunta ng mga magulang ni Frits sa kanilang bahay sa probinsya at dahil gusto nito Makita ang kanilang mga apo. Nasa kasarapan sya ng pag iisa ng tumunog ang doorbell. Napasimangot sya ng Makita Kung sino ang nagdoorbell sakainlang bahay. Si Xander nakatayo ito sa labas ng kanilang gate at wala itong payong kaya basang basa ito ng ulan.

Thea: What the heck is he thinking now tsk!

-Kumuha muna si Thea ng payong, saka tinungo ito.

Thea: Anong kailangan mo? (pasigaw na sabi)

-Kailangan nya pang sumigaw dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Thea: Wala rito si kuya!!

-Itinaas nito ang isang basket na punong puno ng mga prutas.

Xander: Happy Birthday!
Thea: Hindi ko birthday ngayon
Xander: What? Hindi mo birthday?

-Inihilamos nito ang isang kamay sakanyang mukha dahil sa hilam na ang mga mata nito sa tubig ulan.

Xander: Well! Happy whatever day! Gusto mo strawberries? You know paborito ko ang mga prutas na ito.
Thea: eh di kainin mong mag-isa (sabay talikod at pumasok ng bahay)
Xander: Thea come on, invite mo naman ako pumasok nilalamig na ako rito.
Thea: (nilingon ito) kasalanan ko bang nagpapaka tanga ka dyan?
Xander: hay! Buti naman at napansin mo, ginagawa ko ang lahat ng katangahang ito para lang saiyo. (ngiting sabi nito)
Thea: Heh! Itulog mo nalang yan! Wag mo na akong iistorbohin kahit na kalian.
Xander: Thea naman nakikipag bati na ko ohh (malungkot na sabi nito)bati na tayo sige na.

-Nagawa na nitong makapasok sa loob ng gate dahil sa nakalimutan nyang ikandado ito kanina.

Xander: Thea sige na please.

-Lagi nya itong hindi pinapansin ng mga nakaraang araw, hindi rin nya ito tinitignan satuwing makikita ito pagala-gala sa kanilang village. Hindi rin nya ito kinakausap para maiwasan nalang niya ang masaktan tuwing may kasama itong ibang babae, kaya sa muling paghaharap nila ngayon, sa ganito kalapit na pagkakataon, at sa gitna pa ng malakas na ulan, tila bumuhos rin sa kanya ang lahat ng mga damdaming ilang araw na pinigil nya sa kanyang dibdib. And that face she had been avoiding to see was now infront of her.

Thea: kung papapasuking kita sa bahay magkakalat ka lang ng basa. (sabay tulak nito palabas) bumalik ka na sa bahay mo.
Xander: eh di bahay ko naman ang mababasa kaya dito nalang ako sainyo, diba may fireplace kayo? Buksan mo nalang iyon at duon nalang ako magpapatuyo.
Thea: Bakit ba ang kulit mo?
Xander: Na-mimiss na kasi kita.

-Wala na syang nagawa dahil nauna na itong pumasok sa bahay, at dahil nga basang basa ito, natural lang na madulas ito sa marmol na sahig nila Thea.
Xander: Whoa! (nabitawan ang dalang basket at nadulas) Aww!! Damn! Ang likod ko.
Thea: Xander! (Sigaw na sabi)

-Kaagad na nilapitan nya ito ngunit sya rin ay nadulas din. Narinig nalang nya ang malakas na daing nito nang sya ay bumagsak sa katawan nito, sinagip sya ni Xander habang sya ay nadulas kaya mas parang nasaktan ito lalo sa pagbagsak nya.

Xander: Mamamatay na ata ako.
Thea: Wag muna, (maingat nyang bangon) kaya mo bang tumayo?
Xander: No!
Thea: Tatawagan ko si Raizen (kinakabahang sabi nito) dyan ka lang wag kang gagalaw.

-Nanginginig ang mga kamay nyang i-dial ang numero ng doctor na kapitbahay nila.

Thea: Hello-hello raizen si Thea ito pumunta ka sa bahay namin ngayon din. Naaksidente si Xander,Nadulas sya at sa palagay ko, masama ang bagsak nya, siguro tumama rin ang ulo nya sa sahig, nahihirapan sya sa sakit. Tulungan mo kami, kasalanan ko ito, kasalanan ko.
Raizen: Thea calm down, sige sige papunta na ako dyan(sabi nito sa kabilang linya)

-Narinig nya ang mahinang pag ungol ni Xander sa sala kaya binalikan nya ito agad na nakahiga parin sa sahig. Muntik na syang mapasigaw ng makitang nakapikit na ito.

Thea: Oh my god! Patay na ba sya? Xander! (tawag nya rito)
Xander: Ohh?
Thea: Thanks god! Hindi ka pa patay teka lang kukuha lang ako ng mga tuwalya para mainitan ka

-Pagtingin nya ay nakita nya ang pugon, Ngunit paglapit nya upang sindihan iyon ay naalala naman nya ang mga tuwalya. Pag katapos ay narinig nanaman nya ang mahinang pag ungol ni Xander. Napapadyak tuloy sya ng wala sa oras.

Thea: Shit!! Don't freak me out!

-Dumiretso nalang sya sakanyang kwarto at pinagdadampot ang mga unan,kumot at bedsheet. Pero kaagad din nyang binitiwan ang mga iyon.

Thea: tuwalya hindi bedsheet!.

-Natataranta na sya, ngayon lang nangyari iyon sakanya, yung unang pagkakataon na inatake sya ng nerbyos, at sa huling tao pa na inaasahan nyang pag-aaksayahan nya ng oras.

Thea: Xander ito na ang----

-Napatigil sya ng Makita malawak na sala kung saan nagkalat ang mga prutas na natapon at naroon si Xander basang basa habang nakaupo paharap sa sofa, nakita nyang punong puno ng kulay pula ang damit nito, nakita din nya itong kinumos ng kanyang mga kamay ang mga strawberries at pinahid sa dib dib nito.huling huli nya ito sa akto at naisip nyang sa simula palang nagkukunwari lang ito.

Thea: hmm! Strawberries? What the hell are you doing Xander?

-Sa sobrang pagka inis ay hindi nya na alam ang kanyang gagawin kung ang batukan ba ito, suntukin, sipain, sabunutan sakalin o halikan?. Bahagyang napangiwi ito ng tumayo.

Xander: Ahh Thea kasi ganito yun, (napangiwing sabi nito)

-Napaiwas ito ng akmang tataasin ni Thea ang kanyang kamay pero.

Thea: May masakit pa ba sayo?
Xander: Yong! Yong ano ko.

-Isinalaksak nya rito ang mga tuwalya.

Thea: Bastos ka talaga kahit kailan.
Xander: ang sinasabi ko ay yung likod ko.
Thea: Ewan ko sayo!

-Bago pa humaba nanaman ang kanilang diskusyunan dumating na nga si Raizen, habang inieksamin ito ng doctor ay nakamasid lamang sya, samantalang si Xander ay panay ang lingon sakanya at ngumingiti kapag nakikita sya. Hindi nya tuloy mapigilan na tuluyan mawala ang inis nya rito, tuwing lilingon sya rito ay pwersahan namang binabalik ni raizen ang kanyang ulo sa kabilang direksyon dahil hindi ito ma eksamin ng maayos.

Raizen: Siguro ok naman sya. (ngiting sabi nito)Medyo magkakaroon lang sya ng mga kaunting pasa sa kanyang likod dahil sa pagkakabagsak nya, but other than that maayos na sya.

Xander: Hindi mo ba ako ipapa confine sa hospital? I have blood sa buong katawan ko.
Thea: Its strawberry idiot!
Raizen: Hahaha may nararamdaman ka pa bang kakaiba?
Xander: Wala na! Pero may kutob akong uupakan ako ni Thea pag alis mo.
Thea: Mabuti at alam mo!
Raizen: Walang makakagamot sa sakit ninyong dalawa kundi kayo lang.
Xander: Wala akong sakit
Raizen: Meron dito. (tapik nya sa dibdib ni xander) Pareho kayong may sakit sa puso. At kailangan nyo ng magamot sa lalong madaling panahon. Para matahimik na tayong lahat sa komonidad na ito.
Thea: Anong ibig mong sabihin?
Xander: Na inlove ka sakin. (sagot nito)
Thea: Hindi ikaw ang kausap ko! (sinundan nya si raizen palabas) Im not inlove with him.
Riazen: I know.
Thea: Alam kong hindi ka naniniwala
Raizen: ikaw ba naniniwalang hindi mo nga mahal ang kolokoy na iyon?

-Nang hindi sya makasagot binigyan lang sya nito ng mapang unawang ngiti.

Raizen: You'll be fine, tawagan mo nalang ako kung may problema uli. Sige ikaw na ang bahala kay Xander.

-Masyado na bang obvious ang nararamdaman nya para sa makulit na si Xander kaya parang wala ng naniniwala sakanya. Khit anong pang kalalabasan ng lahat ay inlove parin sya. At kailangan nyang itatak sa kanyang isipan at sarili nya iyon. Para hindi na sumakit ang ulo nya. Napasigaw napasigaw sya sa pagbalik nya sa sala dahil nakita nya si Xander na nakasuot lang ito ng towel sa pang ibaba at walang saplot pantaas.

------
End of Part 7 -

.

:SAP

My SweetHeart EnemyWhere stories live. Discover now