"MY SWEETHEART ENEMY" PART 8

2 0 0
                                    

"MY SWEETHEART ENEMY" PART 8

.
.
.
.
.
.

-Masyado na bang obvious ang nararamdaman nya para sa makulit na si Xander kaya parang wala ng naniniwala sakanya. Khit anong pang kalalabasan ng lahat she was inlove with him. At kailangan nyang itatak sa kanyang isipan at sarili nya iyon. Para hindi na sumakit ang ulo nya. Napasigaw sya sa pagbalik nya sa sala dahil nakita nya si Xander na nakasuot lang ito ng towel sa pang ibaba at walang saplot pantaas.

Thea: Bakit ka nagburles dito sa sala namin? Nasisiraan ka na ba talaga ang ulo huh?

-pero pasimpleng nakatitig si thea sa katawan ni xander

Thea: omg what a body (sa isip nito)
Xander: Bakit ba, Im all wet. Magkakasakit ako nang tuluyan kapag hindi ko hinubad ang damit ko. Dont worry I'm still wearing my boxer.

-dinampot ni thea ang isang unan at aakmang ihahagis kay xander ng magsalita ito.

Xander: Sige, huhubarin ko ito (sabay hawak sa towel)
Thea: Edi hubarin mo.
Xander: I'm not wearing anything (sabay ng nakakalokong ngiti nito)
Thea: Kakasabi mo palang na naka boxers ka pa rin.

-kumislap ang mga mata nito at sumilay ang mapang akit na ngiti nito.

Xander: I'm Lying

-Alam nyang niloloko nanaman sya nito, pero muling dumako ang tingin nya sa katawan nito at tila nawala sa tamang direksyon ang kanyang utak. Napahawak nalang sya sakanyang sentido.

Thea: Umuwi ka na nga at mag bihis Xander, bago ka pa tuluyang magkasakit. Tsk!
Xander: Pahiram nalang ng damit ng kuya mo. Mukha namang magka sukat kami ng katawan. Kapag umuwi pa kasi ako,mababasa nanaman ako sabi pa naman ni raizen, hindi ako pwedeng mabasa pagkatapos nya akong i check up.
Thea: Walang sinabing ganyan si raizen.
Xander: I know pero may alam din naman ako sa medisina, kaya alam ko kung ano ang mga dapat at hindi dapat na ginagawa ng isang kagagaling lang sa isang malubhang aksidente.

-Naalala nya ang hindi sinasadyang pagkakasagip nito sa buhay nya kanina.

Thea: Xander, you're the most impossible person I've ever met.
Xander: Hindi mo na ako pinagtataasan ng boses, hindi ka nab a galit ng lagay na yan?

-Iniwan na lamang nya ito roon at nag tungo sa masters bedroom. Kumuha sya ng isang t-shirt at pantalon ng kanyang kuya na sa tingin nya ay magkakasya kay Xander. Inihagis nya ito rito pagbalik nya

Thea: naroon ang banyo sa may malapit sa kusina.
Xander: Thanks (pasipol sipol habang patungong banyo)

-Pinagmasdan ni Thea ang buong sala na sobrang kalat at basang basa ang sahig at pati ang mga nagkalat na prutas na dala nito kanina. May pulang mantsa pa sa cover ng sofa dahil sa kagagawan nito kanina. Hindi sya makapaniwala, kahit ang limang taong gulang na pamangkin nya ay hind nagkalat ng ganon. Isa isa nyang pinulot ang mga prutas at inilatag sa sahig ang ilang tuwalyang hindi nagamit, pati ang basang tshirt at pantalon nito ay dinampot nya na. Kahit ano pang tanggi ng isip nya alam nya sa sarili nyang namimiss nya si xander.

Xander: Pumayat ba si Alex? Medyo masikip kasi itong shirt na bigay mo.
Thea: Hindi payat si kuya ikaw lang tong tumaba.
Xander: ahh ganun ba (sabay taas ng t-shirt nito para Makita ang abs nya). Hehe it still looks fine to me, what do you think thea. (ngiti nito)
Thea: Sa tingin ko,pwede paki tigil ang pag seduce sakin. Kala mo naman kagandahan ang katawan mo ehh puro lang naman taba. Tch (sabay iwas nito)

-Nagtungo si Thea sa laundry are para sa likuran ng bahay upang ilagay sa dryer ang mga damit nito. Sumunod naman ito sakanya.

Xander: Hindi kita siniseduce noh.
Thea: Ehh ano sa palagay mo ang ginagawa mo kanina pa ha?. (mataray na sabi)
Xander: Nagpapacute. (kindat nito)
Thea: pwes hindi ka cute!
Xander: alam ko (umikot ito sa likod nya at humarap ito) dahil Gwapo ako.
Thea: yaks! Ang kapal mo naman mokong ka.
Xander: Yeah! And i love me for that (ngiti nito)

-Itinukod nito ang mga braso sa ibabaw ng washing machine,saka biglang tumahimik habang nakatitig sakanya, nuon lang nya napansin na sobrang lapit pala nila sa isat-isa. Gusto nyang umatras palayo pero parang na mamagnet ang kanyang mga paa kaya hindi sya nakakilos. Lalo na ng ngumingiti pa ito ng napaka tamis sakanya kaya naman para syang natutunaw sa mga titig at ngiti nito. Bumalik lang ang kanyang ulirat ng magsalita muli ito.

Xander: Kamusta ka na Thea? (seryosong sabi nito) ang tagal din nating hindi nagkikita ano?
Thea: Nakikita kita
Xander: Ako rin, pero hindi tayo nagkikita as in eye-to-eye contact.
Thea: Bulag ka kasi (bulong nya) Oh ano ngayon ang gusto mong mangyari?
Xander: Namiss kita.
Thea: Ako hindi! (kabado nyang sabi at sabay iwas ng tingin dito) Ano ba talaga ang ipinunta mo dito Xander?
Xander: Gusto kong magbati na tayo wala kasi akong makaaway ng matino. (sabay tawa ng pagak) Just kidding. Ahahaha. I really did miss you. Ikaw lang ang dahilan kung bakit palaging maganda ang mga araw ko. Ewan. Parang nagging boring na ang lahat
Thea: ahh talaga lang huh (napatawa habang sinamaan nya ng tingin) Maghanap ka nalang ng ibang maaasar,Iyon lang naman ang trip mo sa buhay.
Xander: Ayoko ikaw lang ang gusto ko.

-Parang gusto nya itong yakapin sa sinabi nito dahil sa kinilig sya ng marinig mula rito na gusto sya nito. Kahit papano nagawa nitong pakiligin ang astig nyang puso.

Thea: Salamat sa mga prutas. Kahit binasa mo ang buong sala naming at minantsahan mo ang sofa cover.
Xander: You're welcome, Bati na tayo? (ngumiti ito)
Thea: Paano na ang mga Girlfriends mo?
Xander: Sinong mga girlfriends?
Thea: Yung mga kumukompleto sa sexlife mo mula ng hilingin mong tigilan ko na ang pakikialam saiyo.
Xander: Ahh wala na iyon, sinabi ko naman sayo mula ng hindi na tayo nag uusap—
Thea: Nag aaway!
Xander: Nag aaway, tinatamad na ko sa buhay ko, i just realized, boring silang lahat. (ngumisi pa ito) mas gusto ko yung nag iisang nakikipag away sa akin.yung hindi madaling pasukuin at yung masarap ka holding-hands.
Thea: Ows! Masarap ako ka holding hands?
Xander: Yup! At yung maganda mag smile.
Thea: Nang uuto ka nanaman Xander.

-Pero tuluyan na niyang kinalimutan ang ano mang sama ng loob nya dito. Handa narin syang tanggapin ang lahat ng kapraningan nito sa buhay After all sa mental hospital naman sya nag ttrabaho.

Xander: Yung maganda paring tignan kahit basa na ang suot. (patuloy nito) at yong may cute na dimple sa cheek.
Thea: Sabin g pimple yun at hindi dimple. (sabay hawak sa parteng may pimple nya) Sabi nila jigger(pamangking nya) nagmukha naman daw nunal ngayon dahil ng iwang ng maitim na peklat sa mukha ko yung lintik na tigyawat na iyon. Ang pangit tuloy.
Xander: Patingin nga

-marahang inalis nito ang kamay ni thea sa nakahawak nyang pisngi at pagkatapos dinampian ng isang halik ang kanyang pisngi ng mabilis.

Xander: i think its cute.

-Natulala nalang sya rito habang ito ay nakangiti parin sakanya.

Xander:Uuwina ko, tumigil na ang ulan at saka, naka tsansing na rin ako sayo. Hahahaha

-Tinawag nya ito ng malakas at mabilis naman itong naka takbo palabas ng kanilang bahay kaya hindi nya na magawang magalit rito. At Hindi nya alam kung bakit. Napahawak nalang sya sa pisngi nyang hinalikan nito at sya ay napangiti.

______
End of Part 8



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My SweetHeart EnemyWhere stories live. Discover now