"MY SWEETHEART ENEMY" PART 4
.
.
.
.
.
.
.
.-Naghanda na si Thea para sa kanyang lunch break ng may marinig syang ingay sa labas tinawag sya ng kanyang katrabahong nurse din na si Wendy
Wendy: Thea may bisita ka kay gwapo kay tangkad kay macho mukhang mayaman at mabango. (kinikilig na sabi nito)
Thea: Nandyan si kuya alex?
Wendy : Hindi sya yung kuya mo at may dala pang regalo
Thea: kung hindi si kuya ehh sino-Bigla nalang ang pagpasok ni xander sa kanilang opisina nakasuot pa itong sunglasses na ikina gwapo lalo nito sabay na inalis.
Thea: Anong ginagawa mo rito?
Xander: Dinadalaw ka. Naisip ko rin na dahil wala kang nabiling gamit kaninang umaga ay kukulangin ka sa oras sa paghahanda para sa okasyon ninyo ngayon kaya bumili nalang ako ng mga pagkain na ihahanda nyo tara. (Ngiting sabi nito)
Thea: ahh kinansela na ni director ang okasyon kaya pwede ka ng umalis.
Xander: yeah pero bago ako umalis. (Sumenyas sa labas) nagdala ako ng pagkain para kako pandagdag sa handa nyo sa okasyon, since hindi naman pala natuloy pwede nyo parin pagsaluhan ito sayang naman kasi kung itatapon lang.Wendy: Wow andami nito xander At mukhang masarap
Xander: kainan Na! (Binuksan nya ang bawat balot ng pagkain at binigyan nya ng mga plato isa isa ang mga katrabaho ni thea)
Wendy: Galante pala kayo manligaw
Xander: well umpisa palang yan susuhulan ko muna ang mga katrabaho mo thea para makuha ko ang boto nyo.
Wendy: panalo na kayo samin
Pwedeng pwede nyo ng pakasalan si thea – sabi ng isa
Xander: Salamat salamat-Tila kandidato itong nunuhol at nang uuto nasabi nalang ni thea sa isip-
Xander: O thea kain ka Na rin halika na rito.
Wendy: Thea sagutin mo Na si xander gwapo galante at mabait.
Thea: anong klase kayong mga katrabaho pinakain lang kayo ipinagkakanulo nyo na ako.
Ayaw mo kay Mr. Pogi? Akin nalang sya kung ganun. (Sabi ng baklang doctor)
Xander: ahh thea may nakalimutan pala akong ibigay sayo
Thea: Ano yun?
Xander: Dyaran! (sabay labay ng isang rose sakanyang bulsa sa likod)
Thea: salamat
Xander: pasensya ka kung nalanta yung rose natagalan kasi sya sa bulsa ko at nakalimutan kong ibigay agad sayo hayaan mo sa susunod yung maganda ng rose na ang ibibigay ko sayo at hindi lanta.
Thea:ok lang salamat parin dito (sabay nilagay sa vase sa isang table nito) tara na dun nalang tayo kumain sa canteen dun nalang natin pagsaluhan lahat ng yan.
Xander: Ok sige (ngitii nito)-Habang naglalakad sila patungong canteen sabay silang napalingon sa isang silid na rehas ng may tumawag kay xander.
Hi Pogi- sabi nito
Xander: ohh hi (kaway nito at lalapit)-Muntik na syang makalmot ng baliw na babae buti nalang naka ilag agad si xander, napailing nalang sila at nagpatuloy sa pag lalakad habang naririnig ang halakhak ng babae.
Xander: pasyente rin ba sya dito? Maganda sya huh
Thea: hindi porket maganda sya ay matino na ang pag iisip, minsan sila pa ang pinaka malala.
Xander: naku pag maganda nga naman talaga yun pa ang malala (sabay tingin kay thea ng mapang asar) sayang sya maganda pa naman.
Thea: edi balikan mo kung type mo sya huwag ka lang magreklamo kung wala pang isang minuto ay sa hospital ward ka na damputin.
Xander: ahahaha biro lang naman. By the way ano bang nangyari sakanya?
Thea: she was gang rape at hindi nya nakayanan ang trauma dahil sa nangyari nagkaganon sya.-natahimik at tila may iniisip si xander kaya naman parang gusto ni thea itong upakan dahil sya ang kasama nito pero iniisip nya yung baliw na yun kanina.
Xander: hindi ba nahuli ang gumawa non sakanya?
Thea: hindi namin alam, don't tell me na isa rin sya sa mga naging girlfriend mo?
Xander: well kung maging girlfriend ko man sya at kung nangyari yun sakanya siguro hindi na ko mag ggirlfriend uli.
Thea: Bakit naman?
Xander: kasi ilalaan KO lahat ng oras ko sakanya para alagaan sya. Kasi hindi lang medical attention ang kailangan nya kundi ang suporta ng mga taong nagmamahal sakanya. At dahil girlfriend ko sya dapat kong ibigay ang lahat ng kailangan nya.
Thea: pero baliw na nga sya.
Xander : then kailangan nya pa ng mas pag aalaga.-Natahimik si thea ng marinig ang mga sinabi ni xander.
Xander: nawalan ka Na ng imik dyan, don't tell me nagseselos ka sa babaeng yun?
Thea: Kung nagseselos man ako edi Sana binalikan ko na sya kanina at nakipag sabunutan.-Napangiti nalang si xander sa isiping nagseselos si thea sa baliw na babae hanggang makarating sila sa canteen patuloy parin ang biruan nila at ng mga katrabaho nito nagsalo salo narin sila sa pagkaing dinala ni xander.
(5:00PM)
-Pauwi na si thea at papasok na sya ng gate ng tawagin sya ni xander
Xander: Thea?? Di ka man lang tumawag sana nasundo kita.
Thea: di na kailangan kaya ko naman umuwi mag isa tsaka pala salamat sa pakain mo kaninang tanghali. Sige pasok na ko ng bahay.
Xander: Ahhm thea.
Thea: Ano yun?
Xander: pwede ba tao mag dinner mamaya?
Thea: (napaisip) sure xander I'll see you tonight.-Papasok na sana si thea sa loob at bubuksan ang gate ng may dumating na babae at palapit sa bahay ni xander maganda at sexy pero hindi nya trip ang itsura nito.
Xander: Jill?
Jill: Xander babes! I miss you honey
Thea: (SA isip) babe! Honey! Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa sana nakabulagta ang lalaking ito.
Xander: Thea magpapaliwanag ak- aww!!-Siniko nya ito sa sikmura ng tumakbo ito palapit sakanya papasok n asana sya ng bahay ng magbago ang isip nya binalikan nya si xander at ang babaeng nakpulupot na agad dito. Sya pa mismo ang nag kalas ng pagkakapulupot ng braso dito.
Jill: excuse me! Who the hell are you?
Thea: ako ang girlfriend ni xander at ikaw sino ka?
Jill: ako ang girlfriend ni xander.
Thea: ahh talaga at kelan ba kayo huling nagkitang dalawa? Two, three weeks ago? Well, babae guess what? Nang mga panahong wala ka sa buhay nya nakilala nya ako, he fell inlove with me, so now kami na gets mo?-------
END OF PART 4
YOU ARE READING
My SweetHeart Enemy
RomansaMay Malaking problema ang magkapitbahay na sina Xander at Thea. Problema nila ang isat isa. Asar si Xander dahil palaging pinakikialaman ni Thea ang kanyan sexlife. Inis naman dito si Thea dahil palagi syang inaasar nito. Wala silang pinipiling or...