GIN'S POV
Wala namang magandang nangyari sa school kanina. Boring. Pero hindi ko talaga inakalang makakatabi ko siya. As in. Never kong inakala. Pero hindi nga pala talaga siya masyadong madaldal. Pero masungit sa mga diniya kaclose. Pero ok na yun kasi atleast malapit siya sa upuan ko halos katabi ko lang siya. Bwahaha.
Crush ko na siya since junior hindi naman yung crush na super obsess sa kanya yung parang may hinahangaan lang ako sa kanya. Parang yung closeness niya sa buong squad ko o mga kaibigan ko. Lalo na sa tinaguriang campus king ng campus namin si Enriz Ango, kulang na nga lang pagkamalang sila. Pero alam naman namin na friends lang ang turing nila sa isa't isa. Masyado din siyang friendly. Same kaming officer nung junior high kami pero diko sa kaclose. Pero may time nun na nasa stage ako kasama ko yung isang kaibigan ko and nakita ko siya kasama niya yung kaibigan niya na papalapit sa stage, baka kakausapin nila si sir, at halos nasa likod lang namin siya. Nung nasa harapan na namin sila pero dinaman gaanong kalapit sakto lang, nagsmile siya sakin at nag 'hi' sobrang kaba yung nararamdaman ko that time as in sobra hindi ko ineexpect na maghahi siya sakin kilala siya school pero down to earth siya ayaw niya ng atensyon at fame which sobrang nakakamangha sa kanya. Pero nilagpasan ko lang siya kasi I was really speechless that time narinig ko naman siyang 'snob' bulalas niya, kaya sa diko inaakalang pagkakataon napangiti ako.
Siya lang din naman ang dahilan kung bakit ako nagstay sa Sain Academy. Bukod sa mga kaibigan ko. Which is ayaw ni mama kasi dapat sa Div World College dapat na ako mag aaral para kasama ko ang mga pinsan ko pero pinakiusapan ko si mama. Kaya ayun no choice siya. Haha. Habang bored na bored ako may biglang nag pop-up na message.
From: Kreitinia Faye Reseol
Hi! :) Sorry ngayon lang ako nakapagchat katatapos ko lang kasing gumawa ng assignments. Kumusta?Siya yung babaeng gustong gusto ko as in nag aaral na rin siya sa Div World College(DWC). Bale 3 years ko na siyang nililigawan pero may mga panahon naman na itingil ko noon. Kaya pareng hindi lang din siya 3 years. Hehe. Pero alam kong mutual kami ng feelings. Nararamdaman ko na malapit na niya akong sagutin.
To Krietinia
Hello eyaf :). Ok lang naman ang araw ko lalo na ngayong nakausap na kita. Ikaw kumusta ka na?Eyaf ang tawag ko sa kanya kabaliktaran ng second name niya. Halos nagkumustahan kami kung anong nangyari sa first day ng school namin. And madami pa kaming napag usapan na bagay bagay regarding din samin. Sobrang sweet namin sa isa't isa yung parang kami na, may commitment pero walang label. Haha. Pero ayos na din kasi at least mutual kami ng feelings and that's more than enough para sakin.
Habang kausap ko parin siya biglang naalala ko yung sinabi niyang babae na nagexplain sa kanya kung bakit ang daming taga school namin ang nag aadd sa kanya ay dahil nalaman nila na crush ni Alex Ango si Eyaf. And karamihan sa mga nag add sa kanya is para lamang makasipsip ng information regarding kung sino at anong klase siyang babae. Sobrang immature nila. Tsk!
Habang tinatype ko ang name nung sinabi niya sobrang kinakabahan ako as in super pero diko alam kung bakit. Nung nakompleto ko na yung name niya halos maluwa ang mata ko nung makitang siya. Siyang yung babaeng sinabi ni Eyaf na nakipagkaibigan sa kanya at nagexplain sa lahat ng bagay regarding sa mga nag aadd sa kanya na taga samin. Inopen ko ang profile niya at brinowse lahat ng pictures niya and tama nga ang hinala ko siya. Pero bakit?
Dahil narin siguro sa sobrang curious ko chinat ko siya pero hindi parin ako makapaniwala na siya ang tinutukoy ni Eyaf. Pero kung siya nga, bakit? Bakit niya sinabi ang lahat ng information na yun kay Eyaf?
Ang gulo sa dami ng tao bakit siya pa si...
'Jane'...
BINABASA MO ANG
CHASING FOREVER
Teen FictionAnnie was just an ordinary girl who always believe that in this world full of bitter one's, forever exist. She never have been into a relationship until she experienced one, and the worst. After all her nightmares, will she still allow her self to c...