DAZE
Hindi naman masyadong hassle sakin ang first month ng pasukan. Kasi wala pa masyadong gagawin. At nakakapagrelax naman ako kapag pumupunta kami ng carnival.
Halos araw-arawin na nga namin e. Haha. Sinusulit lang kasi malapit na ring matapos ang fiesta samin. At balik realidad na naman kapag. Lalo na't napakatoxic sa room dahil sa mga paperworks.
"You'll have your seating arrangement today" biglang bulalas ng class adviser namin which is si sir Ricky Dadin, mabait siyang adviser, friendly,gwapo at matalino. Ideal kumbaga pero syempre walang halong pagnanasa yan kasi para sakin kuya na ang turing ko kay sir. Sobrang bait niya kasi. Yung mga kaklase ko naman halos pagpantasyahan si sir. At hindi lang yun sobrang vocal nila sa pagsasabi na gusto nila si sir. Tumatawa na lang si sir kapag.
"Daze dito ka" turo ni sir sa uupuan ko. Ngumiti na lang din ako sa kanya at umupo pero halos mawala ang ngiti ko nung mapagtantong si Clarenz ang uupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Like wth! Paano na to? Huhu.
"Sir naman, pwede po bang lumipat sa ibang upuan?" pagmamakaawa ko kay sir pero nginitian niya lang ako. Omg! Sir maawa ka sakin. Hindi ako makakatagal dito. Please!
"Ayaw mo nun magkatabi tayo?" natatawang bulalas naman ni Clarenz inirapan ko lang naman siya. Pero natawa lang siya sa reaction ko. Kaasar naman oh. Huhu. Ayoko talaga sa tabi niya.
"Sir, ipalit mo naman ako sa kahit na sino. Besides hindi ko makita yung nakasulat sa board sir" pagdadahilan ko. Kahit naman malinaw na malinaw at sakto lang ang layo at lapit ng board sa upuan ko.
"Diyan na lang yung upuan mo para mas lalo kang ganahang mag-aaral. Kasi katabi mo siya" pagdadahilan rin ni sir napayiieee na lang din naman ang mga kaklase ko like. Tf! Sir mas lalo akong hindi makakaconcentrate nito kasi katabi ko siya.
Bahala ka sir buong semester akong hindi makikinig sa mga teacher nito. Paano ba naman kasi pinatabi ako kay Clarenz Darund, e paano na to? Paano na ako makikinig at matutukan ang mga pinagsasabi ng guro nito? E sa baka buong araw lang akong nakatitig sa kanya e huhu. Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi. Pero kapag kasi malapit siya sakin naiilang ako.
Hindi sa magkaaway kami ni Clarenz. Ang totoo boyfriend ko siya. Naging crush ko lang siya nung Junior high kami as super crush ko siya. Ewan kung bakit. Siguro kasi gwapo siya at magaling, mabait. Hindi lang naman ako ang may gusto sa kanya e pati mga ibang kaklase ko.
Alam niyang gusto ko siya. Pero ang maganda ayos lang para sa kanya. Kalat na kalat din sa campus na player siya. As in andami niyang girlfriend. Pero ewan ko ba sakin at nagustuhan ko parin siya. Love is blind nga siguro.
Kaya nung isang gabi na tinanong niya sakin kung may gusto ba ako sa kanya. Napaamin ako besides matagal ko na din namang alam na alam na niya e. Paano ba naman kasi halos ipaglandakan ng mga kaibigan ko.
Pero sa hindi ko inaasahan na sasabihin niyang the feelings are mutual. At sa gabing rin yun tinanong niyang 'can you be my girlfriend?' at ako namang si marupok syempre umoo agad ako. Alangan namang magpabebe ako? E sa dami ng nagkakagusto rin sa kanya ako ang napansin niya. Blessing na ang lumalapit alangan namang tanggihan ko pa.
Syempre nagtaka ako nung yun agad ang tinanong niya. Wala ng ligaw ligaw. Kaya tinanong ko siya. 'Relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw' pagdadahilan naman niya. Kaya nung gabing yun August 15 ako ang pinakamasayang babae. Kasi crush ko lang noon. Boyfriend ko na ngayon. How lucky I am.
Sobrang swerte ko sa kanya kasi napakaunderstanding niya. Kahit sobrang selosa ko, naiintindihan niya ako. Kasi kahit hindi naman siya ang lumalapit sa mga babae, sa kanya ako nagagalit. E sa hindi ko mapigilan e.
"Uyy baby, kanina pa kita kinakausap. Lutang ka na naman. Ganyan ba kalakas ang epekto ko sayo?" natatawang bulalas niya sakin. Aba kapal din ng lalaking to e. Hahaha.
"Feeling. Manahimik ka nga diyan. Bakit kasi pumayag ka na diyan ang upuan mo? Alam mo namang naiilang ako kapag malapit ka sakin" paninisi ko naman sa kanya. Pasensya naman e sa hindi ako sanay na malapit siya sakin e. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag.
"Baka kinikilig" pang-aasar naman niya sakin. Tsk! Alam na nga niya. Sinasabi pa.
"Whatever" sabay irap ko sa kanya. Hindi parin kasi talaga humuhupa ang mabilis na tibok ng puso ko. Ba naman nakakainos namang puso to hindi nakikioperate.
Dumating naman sina Rhiana, Ley at Annie sa room. At nung malaman nila na magkatabi ang upuan namin ni Clarenz halos tawa lang sila ng tawa. At nagkunwaring kinikilig.
Alam kasi nilang hindi ako mapakali kapag malapit siya sakin. Si Clarenz naman nasa harapan ko lang nakikitawa sa mga bruha kong kaibigan. Nagkuwentuhan lang kami sa room. Hindi na kami lumabas para magrecess kasi busog pa naman kaming lahat.
Matagal na din naman kami ni Clarenz halos 2 months na lang mag wa1 year na kami. At siya na ang pinakamatagal kong naging karelasyon. Yung iba kasi noon hanggang fling lang. Mga days lang sila. Swerte na nga nila kung umaabot ng weeks e haha. 1 week ganun haha. Joke. Pero wala talaga akong sineryoso sa kanila e. Pantritrip lang kung baga.
Hindi kami yung tipong magjowa na PDA much. Ayaw ko kasi ng attention. Ayaw kong naghoholding hands kami, o di kaya'y nakaakbay siya sakin. Hindi ako komportable kapag. Pero nagpapasalamat ako kasi naiintindihan niya yun. Sobrang thankful ko rin kasi napakasupportive ng mga kaibigan niya sa relasyon namin. Ganun din naman ang mga kaibigan ko. And nephew siya ni Annie. Kaya sobrang close sila. Besides nga kapag may lakad kami lagi namin siyang kasama. Sabay kasi silang umuuwi kasi same village lang sila. At sa dami ng mga pinagdaanan namin alam kong seryoso siya sakin at nagpapasalamat ako kasi nararamdaman kong dahil sakin nagbago na siya sa pagiging heartbreaker niya.
BINABASA MO ANG
CHASING FOREVER
Teen FictionAnnie was just an ordinary girl who always believe that in this world full of bitter one's, forever exist. She never have been into a relationship until she experienced one, and the worst. After all her nightmares, will she still allow her self to c...