CHAPTER 6

2 1 0
                                    

GIN

Ayos naman ako sa upuan ko ngayon. Kasi hindi rin masyadong pasalita si Annie which is I found a nice thing. Kasi may pagkamysterious rin siya.

Maingay siya pero nasa lugar ang pagiging maingay niya. Kapag lang siguro kasama niya ang mga kaibigan niya pero most of the time kapag magkakasama sila hindi talalaga siya palaimik. Napapanahon kumbaga.

Halos madali lang din siyang mapikon. Kaya ang sarap niyang asarin lagi. Her reactions are pricessless. Hahaha. Pero this past few days na naging seatmates kami I have known her better. Besides we're chatting online. Masyado siyang makulit kapag online pero may pagkasnob kapag personal lalo nakapag hindi niya kaclose.

"Ley tapos ko na tong description ko para sayo" natatawang sambit bigla ni Annie kay Ley at itinaas pa ang papel. May activity kasi kami ngayon by partners then idescribe mo ang parnter mo tas babasahin mamaya sa harapan.

"Pabasa ako" pagsusumamo naman ni Ley sa kanya pero pinandilatan lang niya si Ley at itinago ang papel sa bag niya. Childish haha.

"Mamaya na lang, secret lahat ng nakasulat dito e" natatawang bulalas naman niya sa kaibigan niya. At kunwaring nagtampo naman si Ley pero tinatawanan lang siya ni Annie.

"Baka puro kalokohan na naman ang pinagsusulat mo diyan e" bulalas ni Ley kay Annie. Bigla namang napahawak si Annie sa baba niya na parang nag-iisip at napailing bigla.

"Hmm. Siguro? Di ko matandaan e, basta malalaman mo mamaya" seryosong bulalas naman niya pero pagkatapos nun may nakakalokang ngiti ang lumabas sa bibig niya. Halatang inaasar niya lang ang kaibigan niya na halatang napipikon na. Haha

Nung umalis naman si Annie sa upuan niya para magrestroom. Doon kuna kinuha ang oportunidad para kausapin si Ley. At maisagawa ang plano ko. "Ley" pagtawag ko sa kanya. Napataas naman bigla ang kilay niya.

"Tapos mo na ba ang gagawin mong description para kay Annie? Kasi kung hindi pa ako na ang gagawa" dire-diretsong sabi ko sa kanya. At halatang naguluhan naman siya sa sinabi ko pero kalaunan ngumiti siya at binigay ang papel sakin. Sakto namang dumating na si Annie. Sinenyasan ko naman si Ley na wag niyang sasabihin kay Annie ang tungkol doon. At tumango naman siya.

Pero kalaunan nung natapos na naming basahin lahat. Hindi ko inaakalang malalaman din niya na ako ang gumawa ng description regarding sa kanya, nung tignan ko si Ley 'wala akong sinabi' na lang ang lumabas sa bibig niya.

"Youre quite observant, maganda ang mga naging description sa isinulat mo kaso lang that's not me masyado akong mabait dun. Hahaha" natatawa niyang bulalas ang weird niya talaga as in. Pero ang cute niyang tumawa. Like omg. Bakit ganito?

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" kunwaring naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I know ikaw ang nagsulat nung description regarding sakin." pagpapaliwanag niya. "And walang  sinabi si Ley regarding doon. Besides sulat kamay mo ang nasa papel kanina na rinerewrite ni Ley. Kaya don't me." dagdag pa niya. Edi siya na. Bakit naman kasi ginawa ko yun? Anong elemento ang sumapi sakin ginawa ko yun? Pero alam ko sa sarili ko na masaya ako sa naging resulta nun lalo na ng tumingin siya ulit at nagthank you sakin, saka ngumiti.

CHASING FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon