Oh everytime I see you...
Sobrang ingay naman ng paligid kay aga aga parang may pa pyesta ang mga tao pagrereklamo ko sa isipan ko. At ipinikit ulit ang mga mata ko pero hindi parin tumitigil ang kung ano mang ingay yun. Kaya iminulat ko na ang isa kong mata at tinignan ang oras 6:30 na pala.
"Ang aga pa naman pala e" pagmamaktol ko at humiga ulit sa kama ko. Pero ilang minuto lang ang lumipas ng maalala kong unang araw ng klase ngayon. Gosh! Damn! Malelate ako nito. Kaya dumiresto na ako agad sa banyo para maligo halos nga hindi naging maayos ang paliligo ko kasi 7:30 ang time sa school.
Pero pagkatapos ng ilang minuto natapos na din ako at inayos na ang mga gamit ko at bumaba na papuntang kusina para makapag agahan ako kahit papano."Good morning everyone" masaya kong bati sa kanila at sinimulan ng kumain kasi wala na talaga akong oras. Mapapagalitan ako kapag nalate ako.
"Malelate ka na anak, bakit kasi napakatulog mantika mo e alam mo namang ang kupad mong kumilos, hayan tuloy mukhang malelate ka first day na first day" litanya ni mama sakin. Kaya naman tinapos ko na ang kinakain ko at nagpaalam na ako sa kanila. Nagcommute ako papasok ng school. Kasi wala naman kaming sariling service yung mga 4-wheels ganun. Pero kahit ganun proud ako kina mama at sa kung anong buhay ang meron kami kasi kahat papano maswerte parin ako at nakakapag aral ako at ng mga kapatid ko. Bale tatlo kaming magkakapatid and ako lang ang babae samin kaya naman may pagkaspoiled ako paminsan minsan.
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na rin ako sa Sain Academy, wala kasing malapit na university samin at ayaw din naman akong lumayo nila mama kaya dito ko ulit gugulin ang dalawang taon ko sa senior high school kasama ng mga kaibigan ko nung junior high kami. Private school siya. Oh diba? Maswerte talaga ako kasi nakakapag aral pa ako sa private school at sa tabi nito ay isang simbahan. Nasa loob lang siya ng campus.
Pagkatapak ko sa school hinanap na agad ng mata ko ang mga kaibigan ko at sa di kalayuan nakita ko si Rhiana Marie Rigue, bestfriend ko na siya since grade 7 palang kami and I'm super thankful na hanggang ngayon.
"Uy! Annie ang aga ha?" sarkastiko niyang sabi nung makita niyang papalapit na ako sa puwesto nila. Ngiti na lang din naman ang naging tugon ko.
"Tara na kanina pa kita hinihintay na bruha ka, magkasection tayo at pati rin si Princess Ley Aco, sina Daze Ann Manley, Eli Parse at Cristina Crislo sa kabilang section" pagpapaliwanang niya habang hila hila akong papunta sa room mas nauna naman sa paglalakad si Ley, grabe ang lola niyo kung makahila parang wala ng bukas pasalamat siya diko alam kung saan pa ang room namin. Nung nasa may pinto na kami binitiwan na rin naman niya ang kamay ko. At tinignan ko siya ng masama pero wala man lang epekto sa kanya. Gosh! Ilang finishing ba ang ginawa sa mukha niya ang kapal ha? Tsk! Haha. At pumasok na siya sa room sumunod naman ako sa kanya."Saan tayo?" tanong ko habang nag hahanap ng mauupuan pero hindi man lang siya lumingon sakin kaya nung may makita akong bakanteng upuan sa likod umupo na agad ako doon at sinundan naman niya ako at umupo sa tabi ko sumunod naman si Ley na walang imik. Himala. Haha. Pagkaraan ng halos trenta minuto pero wala pa si ma'am at bagot na bagot na kami.
" Ang tagal naman ni ma'am, naiinip na ako dito" pagmamaktol ng isa kong kaklaseng lalaki as far as I can remember naging kaklase ko siyang nung junior high kami kaso after grade 8 lumipat na siya ng school pero dito niya mas pinili ang magsenior ulit ang naaalala ko ay Xyler Tejada at pati rin si Xyril Tapug. Habang wala akong magawa pinagmasdan ko ang mga makakasama ko ng halos kulang na isang taon sa senior HS life ko. Halos nga lahat naging kaklase ko na nung junior high pa kami kaso hindi ko sila kaclose, I just know them by face kasi yung iba nakakalimutan ko ang names nila mahina pa naman ako sa names. Habang halos bagot na bagot na ako sa room isang magandang babae ang pumasok bigla sa room.
"Ok class good morning before I introduce myself I would like to arrange your seat first, so kindly stand up" paninimula ni ma'am at nagsitayuan naman kami sa aming upuan nagsimula si ma'am maglagay ng mga estudyante sa likod na parte tas sa right side naman ang upuan ni Rhiana. Halos nakaupo na ang lahat kami na lang nina Ley ang nakatayo.
"Ani, uyy Ani" pagtawag sakin ni Ley habang niyuyugyog pa ako. Ah! Ang naging sagot ko lang sa kanya. "Kanina kapa tinatawag ni ma'am baliw" halos natatawang pagpapaliwanag ni Ley sakin at pinagtitinginan naman na ako ng kaklase ko lalo na si ma'am na halos nakataas na ang kilay. Gosh! Damn it! Nakakahiya. Huhu. Semento lamunin mo na ako please. "Miss dito ka" medyo may iritang sabi ni ma'am at itinuro ang uupuan ko. 'thank you ma'am' bulalas ko nalang at ipinagpatuloy na man na niya ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
CHASING FOREVER
Novela JuvenilAnnie was just an ordinary girl who always believe that in this world full of bitter one's, forever exist. She never have been into a relationship until she experienced one, and the worst. After all her nightmares, will she still allow her self to c...