Chapter 5

1.2K 20 0
                                    

Chapter 5

 

Pag-alis ni Fragrance ay naglakad sa labas si Midnight at may ilang nakasalubong na lalake sa daan. Since may kadiliman pa ay walang masyadong tao sa kinaroroonan nila. He chose a secluded spot.  Nabangga niya ang isa, dahil lutang ang kanyang isipan ay hindi siya nakahingi ng paumanhin dito kaya nagkarambulan sila. His body was numb all over kaya naman hindi niya ipinakita na kakaiba siya. He accepted their punches and kicks as if he’s a loser walking on the street. Hindi siya lumaban kahit na isang beses.

 

“Ganito pala ang makaramdam ng pisikal na sakit,” bulong niya.

 

Halos wala nang paglagyan ang mga galos at pasa sa katawan niya nang mapagod ang mga kalalakihan. Nasa lima o anim yata ang mga iyon at nag-iisa lamang siya. Tinawagan niya sina Eliexer at Elixir nang matapos, pinagmumumura pa siya ng mga ito dahil hindi daw iyon dapat nangyari sa kanya kung lumaban siya. Yes, he was a good fighter, until the time that his heart gave up being a brute and became fluffy all over. Ganoon katindi ang epekto ni Fragrance sa kanya.

 

“I’ll be away for a while,” aniya sa mga kaibigan bago tinapos ang tawag. Bumalik siya sa bahay at nagempake ng damit. He’s exiling himself for a while.

Abala si Midnight sa pag-aayos ng mga panggatong sa loob ng log cabin ng kapatid dahil doon siya titigil ng ilang buwan. Nakabukas na ang fireplace. Mabuti nalang at may kuryente, wala nga lang heater kaya inuna na niya ang pamumulot ng mga kahoy kanina pagdating niya. Walang stock ang cabin at wala rin siyang dala para makakain.

 

I will have to survive being alone no matter what. Kailangan na niyang sanayin ang sarili na mag-isa dahil iyon ang magiging kapalaran niya habambuhay.

 

Natigil sa pag-iisip si Midnight nang bulabugin ang pag-iisip niya ng mga katok sa pintuan.He doesn’t have the energy and time to deal with visitors right now.

 

Itinigil niya ang ginagawa bago binuksan ang pintuan.“What?” singhal niya sa kumakatok. Bumungad sa kanya ang pigura ng isang babaeng balot na balot habang inililipad ng pinagsamang hangin at nyebe ang mahaba at itim na buhok. Kulay green ang mga mata nito. “Ranran?” gulat na sambit niya. Lumapit siya sa pintuan at niyakap ang kadarating lang na babae. Nanatili ito sa labas at nakatitig lang sa kanya. “Bakit nandito ka?”

 

Tinanggal nito ang makapal na scarf na tumatabing kahit sa bibig nito. “Anong nangyari sa iyo?”

 

“May nakaengkwentro lang. Bakit nga pala nandito ka?”

 

“Hindi ka pa ba uuwi?”

 

Tinalikuran niya ito. “Kadarating ko nga lang tapos pauuwiin mo ako?” seryosong sagot niya. His eyes started to glow.

 

“Hindi ko alam na isip bata ka pa rin pala, Midnight. Mukha ka lang matured pero deep down, you’re like a child.”

 

“Enough!” sigaw niya sabay tingin kay Fragrance. Sa isang saglit ay nakita niya ang sarili na hawak ito sa magkabilang balikat at nakapinid ito sa pader. “Lumalayo na nga ako hindi ba? Ano pa bang pagpaparusa ang gusto mong gawin ko ha?”

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon