Chapter 9

447 19 2
                                    

Chapter 9

 

Biling baliktad si Fragrance sa higaan niya. Kahit gaano kalambot ang kama at kaaliwalas ang kwarto ay hindi talaga siya makatulog. Ilang beses na siyang bumuntong-hininga at bilang niya ang mga iyon. Ganito ba ang sinasabi nilang morning sickness? Gabi pa at gusto niyang magpahinga pero hindi niya magawa.

 

“What am I going to do now?” bulong niya sa sarili. She touched her stomach and felt a connection to the baby that her parents are telling her. Buntis na ba talaga siya?

 

Dumapa si Fragrance sa pag-aakalang makakatulog pero mas lalu lang siyang hindi mapakali. Bandang huli ay tumayo nalang siya at tinungo ang veranda para tumanaw sa labas. Tinatangay ng may kalamigang hangin ang mahaba niyang buhok.

 

May kumatok sa pintuan niya. “Come in!” sigaw nalang niya.

 

“Hindi ka rin makatulog?” tanong ni Midnight na nasa likuran na niya.

 

I guess that makes the two of us, huh?

 

Umiling siya. “Anxiety attack siguro ang dahilan,” sagot niya.

 

Midnight hugged her from behind. Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa isang parte ng leeg niya at hinalikan siya doon. Her knees went jelly in an instant. Halik palang talaga nito ay dinadala na siya sa kung saang alapaap. Napakatamis at puno ng sinseridad kasi ang halik nito.

 

“Sa tingin mo buntis ka bang talaga?” tanong nito.

 

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko nga alam e. Possible bang malaman nila iyon ng ganito kaaga? Wala akong maramdaman kung may dinadala nga ako o wala.”

 

“I’m sorry--”

 

“Midnight, wala nang sorry sorry okay? We’re in this together now. Engaged na ulit tayo and we’re expecting a child soon.”

 

“I know,” sagot ni Midnight sa kanya. “In a matter of six months ay manganganak ka na. Naalala ko pa noon kung gaano katakot ni Kuya Blue nang malaman niyang buntis si Ate Dheniz. He was always with her wherever she goes. Sampung taon na ang nakararaan, twenty years old na si Meg ngayon at nasa college na pero ganoon pa rin si Kuya kay Ate. Palagi pa ring nakabuntot si Kuya sa asawa niya. Ngayon nga may pangalawa na naman silang anak. Azariah is so cute.”

 

“Ibig mo bang sabihin nirerendahan ni Kuya Blue si Ate Dheniz?”

 

“Hindi, his possessiveness naturally comes out when it comes to his wife. Parang hanggang ngayon ay parang bagong kasal iyong dalawang iyon samantalang sila ang pinakaunang ikinasal sa mga kabarkada niya.”

 

“Naiinggit ka ba sa kapatid mo?” natatawang tanong ni Fragrance.

 

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon