Chapter 1

2K 44 8
                                    

Chapter 1

It’s that time of the year again.

 

Mabigat ang mga yabag na tinungo ni Fragrance ang teresa ng kanyang kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang. Maingay at maraming tao sa mansiyon ng mga Hermosa ngayon, mga taong ayaw niyang makita o makasalamuha man lang. Pati ang mamahaling gown na suot niya ngayon ay tinanggap niya ng labag sa kanyang kalooban mapasaya lang ang kanyang mga magulang lalu na ang kanyang ina. She hated parties, she hated their parties. She hated rich people, their people to be exact.

 

“Rafaella?” katok ng ama ni Fragrance sa kanyang kwarto. Rafaella na ang nakasanayan nito na itawag sa kanya. Her full name is Fragrance Rafaella Corpuz Peñalosa.

 

“I’m coming, Pa,” sagot niya bago nagmamadaling lumapit sa pintuan. Praktisado na ang ngiti sa kanyang mga labi. Bumuntong hininga muna siya bago niya pinagbuksan ang ama. “I’m ready,” nakangiting wika niya.

 

“As expected, maganda talagang pumili ng gown ang mama mo. Mas tumingkad pa ang itinatago mong ganda sa suot mong gown ngayong gabi.” She was wearing an off shoulder pearl peach colored long gown na isa sa mga creations ng ninang niya.

 

“Bolero ka talaga kahit kailan, Pa,” aniya sa ama habang iginigiya siya nito pababa sa grand ballroom. Fragrance shivered just by seeing tons of people inside their home.

 

“Midnight is here, siya ang escort mo para sa gabing ito,” bulong ng kanyang ama. Napahigpit ang hawak ni Fragrance sa braso ng ama. “You’ll be fine. You know you need to get used to seeing him in this kind of events hindi ba?”

 

Tumango si Fragrance.

 

Ilang hakbang nalang sila sa hagdanan nang mapansin niya na naghihintay sa huling baytang si Midnight. Nagtama ang mga mata nila ng lalake. Ngumiti itong bigla sa kanya, nagulat siya kaya muntik tuloy dumulas ang kanyang paa kung hindi lang siya maagap na nahawakan ng kanyang ama.

 

“Are you okay?”

 

“Yes, Papa,” bulong niya.

 

“You don’t need to stay for too long. Maaari kang umuwi anytime you want as long as nagpakita ka,” bulong nito bago siya niyakap at hinalikan sa pisngi. Ipinasa na nito ang kamay niya sa lalakeng ayaw na ayaw niyang makita, si Midnight. “Take care of my daughter, young man,” bilin pa nito kay Midnight.

 

“I will, Sir,” anito bago bahagyang yumukod. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa kanya. “Hi,” bati pa nito.

 

“H-hi,” sagot ni Fragrance sa lalake.

 

“Ano pa kayang compliment ang pwede kong ibato sa iyo bukod sa salitang maganda?”

 

Inismiran ni Fragrance si Midnight. “You don’t need to compliment me. Hindi ko kailangang malaman mula sa iyo kung pasado o hindi ang hitsura ko.”

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon