Chapter 7

497 18 6
                                    

Chapter 7

Imbes na mamalagi sa bahay nila si Midnight at mag-isip ay umalis siya at natagpuan nalang niya ang sarili na naglalakad papasok sa Midnight Club na dating pag-aari niya. Dahil kilala na siya ng mga bouncer at security doon na siya ang nag-interview at nag-hire ay pinapasok siya ng mga ito. His brother gave him a carte blanche so he can enter the club and use any of the vip rooms anytime.

 

“Sir Midnight, long time no see,” nakangiting bungad ng bartender na si Antonio, ang dating alagad ni Ivo na naging trabahador na ni Blue. Nginitian niya ito at umupo sa katapat nitong bar stool.

 

“Anong bago sa atin ngayon?”

 

“May bagong line of drinks tayo from Sir Ivo. We have Nightshade, Wolfsbane, Le Crux, The Bible, King Neb, Saul, Penitence, Genesis and Revelation.”

 

Natawa siya. “Whew! Sounds like no one will be ordering them anytime soon.”

 

“Actually, sir, interesado ang mga parokyano na orderin ito dahil unang beses na maglalabas tayo ng mga ganitong inumin na puwede rin sa mga mortal. May sarili tayong blood dispenser dito na si Ma’am Jane ang gumawa. Ang popular ngayong week na ito ay ang Genesis plus AB at ang Le Crux plus A.”

 

“Plus AB and Plus A? They’re types, tama ba?” Tumango si Antonio bilang tugon. “Oo nga pala, nasaan si Robbie?” Ito ay ang bagong bartender na si Fragrance ang nagrekomenda.

 

“May inaasikaso daw ho ngayon. Ipinatawag kasi siyang bigla ni Sir Blue dahil kailagang daw siya ng Leadership ngayon.” Isang kilalang gun man ng Leadership si Robbie pero nag-lay low ito sa pagtugis sa mga New Ones dahil na rin sa utos ng limang coven heads.

 

“That’s good,” sagot niya. “Give me two shots of Penitence plus AB.”

 

“Right away, sir,” sagot ni Antonio bago sinimulang asikasuhin ang inumin nila. Their kind can differentiate a mortal from an immortal kaya tumatapat sila sa isang bartender na kilala nila. The entrance to the mortal’s bar is at the other end of the club. Nakapagitna sa dalawang bar area ang mga vip rooms para hindi madaling magkahalo ang crowd.

Nang matanggap ni Midnight ang order niya ay ininom niya kaagad iyon, tumayo na siya pagkatapos at sumalang sa dance floor. He saw his favourite dancer there, si Sherry. Agad siyang kinawayan nito at nilapitan.

 

“You smell nice tonight,” bungad nito sa kanya.

 

“You do too,” nakangiting sagot naman ni Midnight sa babae bago nito ipinalupot ang mga kamay sa kanyang batok.

 

“Let’s just dance and forget everything else,” wika nito bago siya hinila sa gitna ng dance floor. Dahil bihasa sa pagsayaw ay hindi siya nahirapang sabayan ang galaw ni Sherry. Professional dancer at instructor ito na parating naglalagi sa Midnight Club, mas matanda rin itong hamak sa kanya kaya ang trato niya dito ay parang pangalawang ina nalang. Ilang kababaihan at kalalakihan ang lumalapit dito para magpaturo ng libre. Sherry parties from time to time pero doon ito sa club pumupunta dahil katulad nila itong imortal.

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon