Chapter 4

563 18 0
                                    

Chapter 4

 

Naramdaman ni Fragrance na may parang kung ano na gumagapang sa kanyang tiyan. Pagdilat ng kanyang mga mata ay napansin niya ang braso ni Midnight sa kanyang baywang.

 

“Holy smokes!” napatayo siya agad. Wala na ang antok sa kanyang sistema. Gising na gising na ngayon ang diwa niya. Tinignan ni Fragrance ang sarili at napabuntong hininga siya nang makita niyang walang saplot na naalis sa kanyang katawan. Kahit na may nakaraan silang dalawa ay hindi naman niya basta na lang iaalay dito ang sarili niya.

 

“Akala ko hindi ka na magigising eh,” bati ng nakangising si Midnight sa kanya.

 

Pinamaywangan ito ni Fragrance. “Hoy, lalakeng kulay blue ang ilang parte ng buhok. I came here to look after you dahil nabalitaan ko na nagha-hunger strike ka daw. Hindi ako pumunta dito para ma-harass, okay?”

 

Ngumiti ito. “Bakit nga pala dito ka natulog kung dumalaw ka lang para tignan kung ayos ako?”

 

Sinimangutan niya ito. “Hindi ko matiis na iwanan ka dahil mukha kang miserable kagabi. You were soaking in sweat at kung siguro hindi ko pinalitan ang damit mo baka nagkapulmonya ka na. Besides, hindi ko naman inakala na dito na pala ako nakatulog, akala ko nananaginip lang ako kagabi.”

 

“Ah so nananaginip ka lang akala mo?”Yumuko si Midnight para tignan ang damit nito.  “Wow! Wala pang nagtangkang palitan ang damit ko habang tulog ako. Ikaw palang. Salamat.”

 

Inismiran ni Fragrance ang lalake. “Hindi ko kailangan ng pasasalamat mo. Next time alagaan mo na ang sarili mo para hindi ka magkasakit. You will become a liability to other people if you don’t look after yourself,” aniya bago nagmartsa papunta sa pintuan.

 

“Teka lang, saan ka pupunta?” habol ni Midnight sa kanya. Umalis na ito ng higaan at dahil sa hindi ito normal na tao ay nakita nalang niya ang sarili na  nakapinid at nasa pagitan ng pintuan at katawan nito.

 

“‘Night, let me go,” pakiusap niya. Ayaw niyang masyadong malapit dito dahil naaamoy niya ang mabagong amoy nito. It’s like he’s wearing perfume.

 

“It’s still the same scent,’ bulong nito. “It’s still the one that you gave to me as a gift ten years ago.” Wala yata sa sarili noon si Fragrance nang bigyan niya ng pabango si Midnight. She felt so overwhelmed then nang magpalit itong bigla ng damit at gamitin ang pabangong ibinigay niya. He even swore that he will use it from that day onwards. Tinotoo nga nito ang pangako nito sa kanya.

 

“Hindi ko tinatanong kung anong ginagamit mong pabango at wala akong pakialam kung anong pabango ang ginagamit mo,” nakayukong sagot niya.

 

“I can see it in your eyes though,” nakangiting sagot sa kanya ni Midnight. “I can see that you have that ‘I wonder if he’s still using the brand of perfume I gave him years ago’ look all over your face.”

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon