Chapter 6

497 19 1
                                    

Chapter 6

 

Fragrance woke up with a groan. Tinakpan niya ang mga mata dahil latag na ang liwanag sa kwarto niya at hindi siya sanay doon. Kinapa niya ang espasyo sa kanyang tabi at napag-alaman niyang wala na doon si Midnight. Bumalikwas siya ng bangon at napansin na wala siya kahit na anong saplot. Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama at nag-isip.

 

What in the world happened last night?

 

Nang maalala ang nangyari ay pinamulahan siya ng mukha at kinapa ang gilid ng leeg. They bit each other several times last night. Naalala niya nang kagatin niya sa may baywang si Midnight at siya naman ay kinagat nito sa binti. They’re just being playful so a small nip here and there won’t hurt.

 

Tumunog ang telepono sa night stand niya.

 

“Hello?” sagot niya sa tumatawag.

 

“Ma’am Fragrance, may delivery po sa inyo galing kay Sir Midnight.”

 

“Sino ito?” nagtatakang tanong niya.

 

“Si Fidel po from Douglas Grill.”

 

“Ah,” sagot niya kahit na hindi niya kilala ang tumatawag. “Nandiyan ba siya?”

 

“Off po si Sir Midnight. Ang nagma-manage ng Douglas Grill po ngayon ay si Ma’am Dheniz.”

 

Bakit si ate Dheniz ang nasa Douglas Grill? “Nagpaalam ba siya kung saan siya pupunta?” bigla na siyang kinabahan.

 

“Uuwi daw po sa family house nila. Iyon lang po ang ibinilin sa akin.”

 

“Ah ganoon ba?” tumingala si Fragrance, bumalong ang luha sa kanyang mga mata. “Salamat sa information,” sagot niya.

 

“Eh, Ma’am. Just to let you know po, daily kayong may meal delivery from Douglas Grill. Bilin daw po ni Sir hindi daw po kayo dapat nagpapagutom.”

 

Ngumiti siya. “I’m fine. Hindi naman ako nagpapagutom. Tatawagan ko nalang kayo kapag kailangan kong magpadeliver.”

 

“Okay ho.”

 

“Salamat,” aniya.

 

Nang matapos ang tawag ay nagdalawang isip siya kung tatawagan niya si Pleasures na kasama sa pagmomodel. Kinakapatid niya ito at nag-iisang anak ng Ninang Adorasyon niya. Naisip din niyang tawagan ang kanyang Kuya Franklin pero dahil nasa Iraq ito at may iportanteng misyon doon ay hindi iyon maaari.

 

Bumangon si Fragrance at nagbihis pagkatapos ay iika-ikang pumunta sa hapag. May nakahain doon na gourmet food at ang paper bag ay galing sa Douglas Grill. Nanlumo siya. Kung aalis ka, huwag ka nang nag-iiwan ng kung anu-ano na makakapagpasama ng loob ko.

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon