Chapter 2

703 24 5
                                    

Chapter 2

 

“Ate Rows, I know you are one of the few sensible women in our clan. I need your help,” bulong ni Fragrance nang makaalis na si Midnight sa apartment niya.

 

“Ranran? Hindi ba dapat nasa event ka pa?” tanong ni Rows sa kanya. Hindi ito dumalo dahil masama ang pakiramdam nito. Isa ito sa mga babaeng hinahangaan niya kahit na matanda siyang hamak dito. Rows is Kei’s wife, isa sa mga coven heads ng pamilya nila.

 

“We left early.”

 

“We? So kasama mo si--”

 

“Yes, ate,” No need to mention who that person is. Pinutol na niya ang sasabihin nito dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na ang isa sa mga bestfriends nito ay asawa ng kapatid ng lalakeng dapat ay asawa na niya ngayon. “Nakaalis na siya. Hinatid lang talaga niya ako.”

 

“Oh!” gulat na wika nito.

 

“Can I ask you something?” tanong niya. She doesn’t want beat around the bush anymore.

 

“Ano?”

 

“The binding act, how was it performed and what are the other implications of it?”

 

“Grabe namang tanong iyan?” tila hindi makapaniwala si Rows sa sinabi niya. “Sigurado ka bang ako talaga ang tamang tao na dapat mong tanungin. May ibang mas nakakaalam tungkol diyan alam mo ba.”

 

Natawa siya. “I’d rather you explain it to me kahit na kaunti lang ang alam mo tungkol sa bagay na iyon.”

 

“Bakit hindi ka magtanong kay Ate Dheniz mo?” ang tinutukoy nito ay ang asawa ni Blue na kapatid ni Midnight.

 

“I can’t,” napailing siya kahit na sa telepono lang sila nag-uusap. “Kuya Blue can read her like an open book. Baka kapag nalaman niya iyong itatanong ko sugurin noon si Midnight.”

 

“Bakit, ano ba kasi ang nangyari?”

 

“I--”hesitant siya na sumagot. “I accidentally bit him.” Kahit ang pangalan ni Midnight ay hindi na niya magawang banggitin sa takot at kahihiyan sa ginawa.

 

“Ah iyon ba? Normal naman iyon sa dalawang taong nag-iibigan lalu na at tulad natin.”

 

Napabuntong hininga si Fragrance. Mabuti sana kung talagang nag-iibigan nga kami. “I didn’t ask for permission.  I fainted on my way inside the apartment and  just woke up sucking blood on his wrist.”

 

“Do you want to talk to your Kuya Ivo about it? I’m sure makapagpapaliwanag iyon sa iyo ng maayos dahil mas may alam iyon sa sitwasyon na kinalalagyan mo ngayon dahil nangyari sa kanila iyan ni Ate Jane mo.”

Midnight's Pledge (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon