"Al, bumaba ka diyan sabi e!" Inis na sigaw ko kay Al nang makita siyang nasa tuktok ng puno ng mangga. Fourteen years old palang ako pero pakiramdam ko nasa thirty na ako dahil sa kunsumis'yon kay Al. Bakit ko ba naging kaibigan 'tong panget na 'to? Charoooot. Pogi talaga si Al. Matangos ang ilong, malalim at mapungay ang mga mata niyang kulay gray. Maputi tapos matangkad pa kahit fourteen palang.
Half British kasi 'tong si Al kaya gray ang kulay ng mata tapos med'yo curly ang black niyang buhok.
"Saluhin mo 'to dali!" Sigaw niya habang hawak hawak ang isang mangga.
Hindi niya talaga iniintindi ang galit ko kaya mas lalong lumalala. Hindi siya nakikinig sa'kin!
"Sabi kong bumaba ka, 'di ba? Tapos uutusan mo pa ako ngayon? Bahala ka nga diyan! Nakakainis ka na!" Padabog akong nag martiya palayo.
"Ven! Bumalik ka dito! Saluhin mo 'yong mangga ko!"
Hindi ko siya pinansin. Salubong na salubong ang kilay ko at kuyom na kuyom ang mga kamao ko sa sobrang inis kay Al.
Pumasok na ako sa bahay at agad akong sinalubong ni Tita Esther---ang Mommy ni Al.
"Bakit ka umiiyak, Hija?" May pag alala sa boses na nilapitan niya ako.
Niyakap ko si Tita Esther at lalong umiyak.
"Nakakainis kasi si Al, Tita! Hindi niya ako pinapakinggan! Pinapababa ko siya sa puno pero ayaw niya makinig sa'kin!" Napapad'yak pa ako sa sobrang inis.
Napabuntong hininga si Tita Esther at hinaplos ang buhok ko.
"Pag pasens'yahan mo na si Al, Venus, ah. Alam mo namang matigas talaga ang ulo no'n. Pag sinusuway, lalong lumalala." Napanguso nalang ako at pinunasan ang luha ko. Napatikhim si Tita Esther at taas ang kilay na nakatingin sa likod ko. Nandiyan na siguro ang panget na Al. "At ikaw? 'Di ba nag usap na tayo? Sabi ko na 'wag na 'wag mong paiiyakin si Venus, 'di ba?" Mataray na tanong ni Tita Esther sa mahinhin na boses. Hayts. Kaya hindi natatakot si Al sa kaniya e. Mas'yado siyang mahinhin unlike si Mommy na dragon kung magalit.
"Mom, problema namin 'to ni Venus. 'Wag ka na po makisali." Naiirita na sabi ni Al na siguro nasa gilid ng pinto. Hindi kasi ako lumilingon e. Ayaw ko siyang lingunin!
"Aba. Kung makapagsalita ka diyan akala mo'y sinong binata na. E hindi ka pa nga nagma-mature. Tignan mo 'tong si Venus. Makikita mo na nag dadalaga na talaga. Ikaw para kang tumatandang paurong." Halata sa boses ni Tita Esther ang pagkairita kay Al. Ha! Tama 'yan Tita Esther, pagalitan mo 'yang pangit na 'yan.
"Mommy, mag uusap kami ni Venus, please."
"Ayaw ka niyang kausap!" Tumingin sa'kin si Tita Esther at ngumiti. "'Di ba, Ven? Ayaw mo siyang kausap?" Napangiti ako dahil mukhang sinasad'ya ni Tita Esther 'yon.
"Opo, Tita."
"Good. Tara. Sunduin natin si Mikoy at isama natin sa dinner natin."
"Hell no!" Sigaw ni Al at pinanlakihan siya ng mga mata ni Tita Esther.
"Your mouth, Aldrian!"
"Bakit niyo isasama 'yong tabachoy na 'yon sa dinner? Hindi ako papayag!"
"Ay aba. E 'di ikaw ang 'wag sumama sa dinner kung ayaw mo makasama si Mikoy. Saka hindi naman tabachoy si Mikoy ah. Ganda nga ng katawan ng batang 'yon. Bagay sila nitong si Venus." Tumingin sa'kin si Tita Esther at ngumiti ulit. "'Di ba, Venus, crush mo si Mikoy?" Kiniliti pa ako ni Tita Esther sa tagiliran kaya natawa ako.
"Malandi." Inis na sabi ni Al at nag martiya palabas ng bahay.
Nagkatinginan kami ni Tita Esther at nag apir. Nakaganti din sa wakas. Ikaw naman ang umiyak. Panget!
-
Hindi naman talaga sinama ni Tita Esther si Mikoy sa dinner. Pero mukhang totoo ngang badtrip si Al kasi hindi na talaga 'to bumalik. Baka umuwi na mag isa sa bahay nila kaya eto, si Tita Esther, Mommy at Daddy lang kasabay naming kumain ng dinner.
Madalas din si Tita Esther sa'min. Mag bestfriend kasi sila ni Mommy. Minsan naman kami ang pumupunta sa bahay nila at doon kumakain.
Nang matapos kami kumain ay tumayo na si Tita Esther.
"Mag aayos lang ako at uuwi narin. Kawawa naman kasi ang unico hijo ko do'n. Nagtatampurorot sa bahay." Anito at natawa naman sila Mommy.
"Ikaw naman kase. Bakit binadtrip niyo ni Venus 'yong bata? Alam niyo namang pikon 'yon." Natatawa na sabi ni Mom.
"Lumalaki kasing barumbado 'yon. Hindi nagtitino kaya dapat lang 'yon. O siya, pagamit ng cr ah."
Tumayo na ako at nagpaalam kila Mommy na sa labas lang muna ako.
Pumunta ako sa likod ng bahay at umupo sa may swing do'n. Kumanta ako ng cry ni Mandy Moore habang dahan na dahan na dinuduyan ang sarili.
Nasa kalagitnaan ako nang kanta nang tumigil na ako at tumingin sa mga bituwin.
Napaagik ako nang may tumalon mula sa likod ko. Nanlaki ang nga mata ko nang makita si Al. Nasa tuktok siya ng puno ng mangga? Akala nami'y umuwi na siya.
"Wala na si Mikoy?" Mahinahon niyang tanong na akala mo'y hindi nabadtrip kanina.
Nagkibit balikad ako at hindi siya pinansin. Ayoko sabihin sa kaniya na wala naman talaga si Mikoy.
Napapitlag ako nang maramdaman kong yumakap siya mula sa likod ko. Naihinto ko tuloy ang pag duyan sa swing.
"Sorry na, please. 'Wag ka na magalit sa'kin."
Napanguso ako. "Hindi ka naman kasi nakikinig sa'kin. Nag aalala lang naman ako na baka mahulog ka."
"Sasaluhin mo naman ako, 'di ba?" Bulong niya.
"Ha?"
"Wala." Natatawa niyang sabi at mas lalong hinigpitan ang yakap sa'kin. Nilingon ko siya at kagat ang ibabang labi niyang nakatingin sa'kin.
"Al, 'wag ka nang pasaway, please." Pabulong kong sabi.
Bumaba ang mata niya sa labi ko at napagaya tuloy ako---napatingin din ako sa labi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang idinikit niya ang labi niya sa labi ko. Dahan dahang bumagsak ang talukap ng mga mata ko at napapikit.
Under the mango tree, we shared our first ever kiss.
-
Don't forget to follow, vote, comment and share. Spread loooove not leeeegs 😋

BINABASA MO ANG
Get Wild
General FictionMatalik na magkaibigan sina Aldrian at Venus ngunit nag bago ang lahat nang may isang gabing nangyari sa kanila. Dala ng pag-iinit at kalasingan, nakalimutan nila kung ano ang estado nila sa buhay ng isa't isa. Ang isang gabing pagtatalik ay nasunda...