"Venus, sige na, please. Sabihin mo kay Aldrian reply-an niya ako sa messenger saka i-accept niya friend request ko sa facebook."
Naiirita na ako dito kay Pauline. Palagi niya nalang ako binubuliglig 'pag dating kay Al. We're just fifteen pero kung makalandi siya wagas. Buti sana kung hindi ko siya kilala dito sa school bilang pokpok. Yes, 'yon ang tawag ko sa kaniya. Paano kasi mas madalas pa yata siya mag palit ng boyfriend kesa magpalit ng panty. Oo nga't hindi siya bayaran pero the fact na kung kanino kanino siyang lalaki nagpapagamit, wala narin siyang pinagkaiba sa pokpok no'n. At ayokong mapunta ang bestfriend ko sa mabababang uri ng babae.
"Pauline, kung gusto ka ka-chat ni Al, rereply-an ka no'n kahit hindi ko sabihin, okay?" Naiirita kong sabi.
"Bakit kasi 'di mo nalang ako ipakilala sa kaniya? Sabihin mo bestfriend mo ako para mapalapit din ako sa kaniya." Mas'yado siyang mapilit. Wala na ba siyang ibang ma-jowa at pinag iinteresan niya si Al?
"Iisa lang ang bestfriend ko at alam ni Al 'yon. Hindi natin siya maloloko."
"Ang damot mo naman. Para ipapakilala mo lang ako eh. Siguro may gusto ka kay Aldrian kaya ayaw mo siya mag girl friend noh?"
"Oh please, Pauline. Choice ni Al kung mag gi-girlfriend siya o hindi. Hindi namin pinapakialam ang isa't isa 'pag dating sa bagay na 'yon."
"Bakit kasi 'di mo nalang sagutin si Gerald para lumayo na sa'yo si Al?"
Nag salubong ang kilay ko. Oh God! Give me patience pa po please dahil sasabog na talaga ako sa inis sa babaeng 'to. Ang sarap niya ihampas sa pader. Nanggigigil ako sa kaniya.
"Kahit magka-boyfriend ako, hindi lalayo sa'kin si Al. We're bestfriend. Hindi gano'n kababaw ang pagkakaibigan namin. Malalim 'yon, Pauline. Saka bakit ba ako nag e-explain sa'yo? Wala ka naman k'wentang kausap." Inis kong ipinasok ang mga notebook ko sa bag ko nang walang kaayos ayos.
"How dare you! Akala mo naman kakausapin kita. Kung hindi lang dahil kay Aldrian, hindi ko naman lalapitan ang isang nerd na katulad mo."
"Ha! Ang ganda kong nerd ah." Totoo na pala aral ako pero I'm not a nerd. In fact, maraming nagkakagusto sa'kin dahil sobrang ganda ko, unlike sa kaniya na puro dede lang.
"Kaya siguro kahit malapit kayo ni Aldrian sa isa't isa hindi ka niya nililigawan kasi you are so boring. Puro pag aaral ang inaatupag mo."
"Kase po may pangarap ako. Saka hindi ba mas girlfriend material ang ganitong personality? Ikaw kase pang-kama lang."
Nagulat ako nang sampalin niya ako. Naramdaman ko ang pag iinit nang kaliwang pisngi ko. I'm not a cry baby pero sobrang sakit no'n kaya namuo agad ang mga luha sa mata ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at inis na hinila ang buhok niya.
Nag sigawan ang mga kaklase namin. May ilang tumakbo palabas para siguro mag sumbong sa teacher.
"Pokpok ka!" Sigaw ko sa kaniya at kinalmot ang pisngi niya.
Napasigaw ako nang kabugin niya ako sa likod. Sanay makipag one on one si Pauline kaya alam ko na wala akong laban sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang hinila niya ang mono block chair na upuan ng teacher at hinampas 'yon sa'kin.
"Ano? Gaga ka ah! P*ta ka pala e. Susugod sugod ka 'di mo naman pala kaya!" Napaupo nalang ako sa sahig at hinarang kamay ko sa mukha ko nang akmang ihahampas niya ulit sa'kin 'yon.
"SI ALDRIAN!"
Nanghihina akong napahulgol sa sakit ng kaliwang kamay ko kasi hinarang ko 'to kanina nang hampasin niya ako ng monoblock chair.
"Venus!" Gulat na sigaw ni Al at nilapitan ako. Agad akong sumubsob sa dibdib niya at doon lalong umiyak. Paulit-ulit na mura ang lumabas sa bibig niya. "Ano ba'ng nangyari?!" Sigaw niya at sobrang tahimik nang paligid, walang nagsasalita. Tanging iyak ko lang ang maririnig sa loob ng classroom.
"S-Si Pauline!" Sigaw ng isang kaklase ko na nasundan pa ng sunod sunod na sigaw.
"Si Pauline ang nauna! Binubuliglig niya kasi si Venus na ipakilala siya sa'yo."
"Siya pa ang naunang nanakit kay Venus."
"Sinampal niya!"
"Sinabunutan pa!"
"At hinampas ng mono block chair."
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Al at 'pag ganito, I know he's beyond mad.
Akmang tatayo siya nang pigilan ko siya.
"Ialis mo na ako dito. Ang sakit ng buong katawan ko." Humihikbi kong sabi.
Alam kong kaya niyang saktan si Pauline. Hindi ito ang unang beses na nangyari 'to. Meron narin nangyari noon at 'yong babaeng nang away sa'kin, sinampal niya sa harap ng maraming tao. Kaya wala na ulit nangahas na kalabanin ako. Sad'yang eto lang si Pauline ang may lakas ng loob.
Hindi ako nag aalala kay Pauline. Wala akong pake kung patayin pa siya basta 'wag lang si Al ang gagawa. Ayokong maging masama lalo si Al sa paningin ng iba dahil na naman sa'kin.
Binuhat niya ako at napaungol ako sa sakit ng kaliwang braso ko.
"Fuck you! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya kay Pauline bago nag lakad palabas ng classroom habang buhat buhat ako.
"Al,"
"Fuck off, Venus. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari sa'yo." May diin niyang sabi at napanguso nalang ako.
"Bakit kasi ang g'wapo mong gago ka? Pati tuloy ako nadadamay." Hindi ko alam kung mangingiti ba ako o ewan sa sinabi ko.
-
Don't forget to follow, vote, comment and share. Spread loooove not leeeegs 😋
BINABASA MO ANG
Get Wild
General FictionMatalik na magkaibigan sina Aldrian at Venus ngunit nag bago ang lahat nang may isang gabing nangyari sa kanila. Dala ng pag-iinit at kalasingan, nakalimutan nila kung ano ang estado nila sa buhay ng isa't isa. Ang isang gabing pagtatalik ay nasunda...