Chapter 9

117 6 0
                                    

"Uy, nakikinig ka ba?" Malungkot na tanong ni Gerald. Kanina pa kasi siya nag k-k'wento. Tina-try ko naman makinig pero bumabalik parin sa'kin 'yong nangyari kanina. For sure, galit sa'kin si Al. At 'pag galit 'yon sa'kin, apektado lahat. Hindi ako makapag-focus at 'yong galit niya lang ang nasa isip ko.

"Sorry, Gerald." Nahihiya kong sabi.

"'Wag ka muna mag chika kasi, Ge. Ang daldal mo mas'yado e. Problemado 'yang si Venus kasi nagtatampurorot si Aldrian sa kaniya." Ani Zeph habang ngumangata ng cheesecake.

"Kaya pala." Ani Gerald at tumingin sa'kin. "Ven, sure ka bang friends lang kayo ni Aldrian? Parang mas'yado ka kasing affected 'pag 'di kayo nag uusap." Dugtong niya.

Nag iwas lang ako ng tingin at uminom sa chocolate milk shake na binili ko dito sa canteen. Gusto kong sumagot ng 'oo, we're just friends' pero natatakot akong baka may iba pa na namang lumabas sa bibig ko at marinig na naman ni Al 'yon.

"Ssshhh. Daldal mo. Sabi sa'yo don't talk to her muna e. Kumain ka nalang." Ani Zeph at inilapit kay Gerald ang cheesecake niya.

Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanila at kusa itong dumako sa table nila Al. Kasama niya ang mga barkada niya, nando'n din sila Meghan at Hanah. Nakayuko lang siya habang kumakain ng chips. Hindi siya nakikisabay sa tawanan at k'wentuhan ng mga kasama niya.

Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili na tumayo at pumunta sa gawi nila. Mukhang nagulat sila Gerald at Zeph sa pag tayo ko pero hindi naman na nila ako pinigilan.

Napahinto sa tawanan sila Thor nang makita ako. Nakahinto ako sa likod ni Al kaya napatingin sila kay Al na nakayuko parin---walang pakialam sa paligid.

"Al," Tawag ko sa kaniya. Siguro'y nararamdaman ng mga barkada niya na may problema kami kaya imbis na mang asar ay nanahimik nalang sila. Iba din kasi ma-badtrip 'tong si Al. Hindi siya pala-away pero 'pag badtrip siya, konting pagkakamali mo lang ay pag iinitan ka niya ng sobra. "Al, mag usap tayo." Naiiyak kong sabi at sinundot-sundot ang balikat niya.

"Venus," Napalingon ako sa likod ko at nandito na pala si Gerald. "Tara na sa classroom." Aniya pa.

Bumalik ang tingin ko kay Al na hindi parin ako nililingon. Napabuntong hininga nalang ako at tumalikod na.

Lumapit si Gerald sa'kin at hinawakan ako sa braso.

"Kung ayaw ka niyang pansinin, hayaan mo na. Tinry mo naman na 'yong best mo. Nandito naman ako kaya 'wag ka na malungkot." Aniya at akmang pupunasan ang luha ko nang may pumigil sa braso niya.

Patago akong napangiti. Tsk. Pababe'ng Al. Kailangan pa palang pagselosin bago ako pansinin.

Seloso kasi si Al. Kaya nga kahit babae'y wala akong kaibigan noon dahil pati babae pinagseselosan niya. Gusto niya kasi siya lang ang kaibigan ko. Pero wala naman siyang nasasabi sa pakikipag kaibigan ko kay Zeph kaya mukhang approved si Zeph sa taste niya.

Nagulat ako nang hilain niya ako sa braso palabas ng canteen. Eksena na naman jusko.

Binitawan niya lang ako nang nasa likod na kami ng canteen kung saan walang tao.

Hinarap niya ako at salubong na naman ang kilay niya.

Ngumisi ako. "Bati na tayo?"

"Hindi!" Naiirita niyang sagot.

"Psh. 'Wag ka na magalit. Wala lang naman 'yong sinabi ko kay Zeph e. Hindi ko naman sinasad'ya 'yon. Walang katotohanan 'yon. Hindi ko naman talaga pinagsisisihan 'yong ano e." Nahihiya kong sabi.

"Bakit kailangan mo pang makisama sa Gerald na 'yon?"

"Huh?" Naguguluhan kong tanong. Bakit biglang si Gerald ang topic? E 'di ba ang pinag aawayan namin ay 'yong mga sinabi ko kay Zeph na narinig niya?

Naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya.

"Akala mo ba hindi ko alam na may gusto sa'yo 'yong tukmol na 'yon? Saka 'di ba nililigawan ka no'n?"

"Teka teka. Bakit napunta kay Gerald ang usapan?"

"Dahil 'yon ang ikinagagalit ko!" Sigaw niya kaya napalingon ako sa paligid kahit alam ko namang walang makakarinig sa'min.

"'Yon ang ikinagagalit mo?" Gulat kong tanong.

"Ano pa ba sa tingin mo?! Wala akong pakialam sa mga sinabi mo kay Zeph! Kasi tangina may point ka naman do'n! Kahit med'yo natapakan mo 'yong pride ko okay lang. Pero 'yang pakikipag lapit mo kay Gerald, hindi ko gusto 'yon! Nakakainis ka, tangina!" Sigaw niya ulit at parang gusto niyang manuntok na ewan.

Napanguso ako. "Si Gerald naman ang lumalapit e."

"Kahit na!"

"Kaibigan lang naman ang turing ko sa kaniya---"

"Oh shut up! Ako lang kaibigan mo!"

"Duh. Hindi na ngayon. E ano ko si Zeph? Kaibigan ko narin siya!"

"Hindi mo siya kaibigan!"

"Kaibigan ko siya!"

"Ako nga lang ang kaibigan mo, 'di ba?!"

"E bakit ikaw? Hindi lang naman ako ang kaibigan mo pero nag rereklamo ba ako?!"

"Hindi ko kaibigan sila Thor! They're just my companions."

Naiinis na ako sa kaniya. Ang hirap makipag sagutan sa kaniya. Wala kang laban.

"O 'di sige! Companions ko lang din sila Gerald at Zeph!"

"Si Zeph lang!"

Napapad'yak ako sa inis. " Oo na!"

Natahimik kami at nagkatitigan.  Ilang sandali pa'y bigla kaming humagalpak ng tawa. Oo na, med'yo weird kami sa part na 'to pero tuwing magsisigawan kasi kami, after no'n, ang gaan ng pakiramdam namin.

Kagat niya ang ibaba niyang labi habang pigil parin ang tawa.

Napatigil ako sa 'pag tawa at napatitig lang sa labi niga.

"Al,"

"Hmm?"

"Uhm. I want to share something." Tumaas lang ang kilay niya, hinihintay ang sasabihin ko. "'Yong nangyari sa'tin---"

"Stop. Alam kong pinagsisisihan mo 'yon, okay? I'm sorry."

"Hindi! Hindi ko pinagsisisihan. Sa totoo nga e," Nag aalinlangan ako kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko o hindi na. "G-Gusto ko ulit gawin natin 'yon k-kahit for the last time?" Nag iinit ang pisngi kong nag angat ng tingin sa kaniya.

Nakabuka ang labi niya habang nakatitig sa'kin. Tila hindi makapaniwala sa narinig.

-

Don't forget to follow, vote, comment and share. Spread loooove not leeeegs 😋

Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon