Chapter 8

119 4 2
                                    

Bad trip ako ngayon nang walang dahilan. Wala lang. Gusto ko lang ma-bad trip. At pag ganito ako, ibig sabihin may regla na ako kaya 'wag akong masabayan sabayan ni Al dahil lalagutan ko siya ng hininga.

It's been a month simula noong may nangyari sa'min and thank God hindi naman na naulit 'yon. Pero may nagbago. Yes, meron! M-Med'yo lumalayo kasi ang loob ni Al sa'kin.

Hindi niya ako totally iniiwasan pero med'yo ilag siya sa'kin. I don't know. Maybe dahil nahihiya siya sa nangyari? Naiilang gano'n? Pero imposible! Ang oa ng isang buwang pagkailang ah!

"Salubong na naman 'yang kilay mo. Mukha ka na naman tuloy angry bird. " Ani Zeph na kasabay kong nag lalakad patungong canteen.

Dahil nga sa pagka-ilag sa'kin ni Al, naging malapit kami nitong si Zeph. Classmate ko si Zeph. Close ko naman ang mga kaklase ko pero wala akong matatawag na kaibigan sa kanila. Si Al lang kasi ang talagang tinuturing kong kaibigan.

Pero he's so unfair. Ako siya lang ang kaibigan ko pero siya maraming kaibigan. Kaya kapag wala ako, hindi parin siya alone. Pero ako, 'pag nawala na siya, daig ko pa ang nawawalang pusa dito sa mundo.

Kaya naman in-open ko ang sarili ko sa iba. At hindi ko naman pinagsisihan 'yon. Zeph is a nice girl. Med'yo war freak nga lang, madaldal tapos malait. Hindi ko naman siya masisisi. Sa squatter area siya nakatira. Kung itatanong niyo kung paano siya nakakapag aral dito sa private school, dahil 'yon sa tulong ng anak ng isang billionaire dito sa buong Pilipinas. Patay na patay ata sa kaniya.

"Naiinis parin kasi ako kay Al. Oo't kinakausap niya ako pero hindi naman na tulad ng dati. Kakapit lang ako sa braso niya, nagagalit na siya. Samantalang dati siya 'tong hawak ng hawak sa'kin."

"Ay shruuu. Gan'yan din si Arc sa'kin e." Aniya. Ang tinutukoy niya ay ang anak ng billionaire---Archer Klein Guizon. "Iki-kiss ko lang siya, ayaw niya."

Napanguso ako. "Nagki-kiss na kayo ni Archer?"

Tumango siya. "Oo. Sarap niya halikan e."

Sabagay okay lang. 18 years old naman na itong si Zeph e. Siya ang pinakamatanda sa'min. Matagal kasi siyang na-stopped sa pag-aaral kaya gano'n.

Pero si Archer, ang alam ko'y 25 years old na 'yon.

"Hmm. Nag ano na kayo?" Nahihiya kong tanong. Gusto kong sagutin niya ang tanong ko ng 'oo'. Ewan. Parang gusto ko lang i-share sa kaniya ang experience ko.

"Nag ano?" Natatawa niyang tanong. Umiling lang siya at tumawa ulit sabay hampas pa sa braso ko. "Gaga! Papahalik ako pero hindi ako papakama noh. S'werte niya ah. 'Di por que pinag aaral niya ako e p'wede niya na ako eutin noh." Napanguso nalang ako sa bulgar na pagsasalita ni Zeph.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Zeph is 18 years old pero virgin parin siya. I don't know. Hindi naman na dapat big deal kung virgin o hindi na ang babae since 20th century naman na 'to pero kasi matagal ko nang gusto na sa asawa ko ibibigay ang virginity ko pero naibigay ko 'to sa maling tao. Alam ko na hindi magiging kami ni Al pero bakit parang ayoko nalang mag asawa kung hindi lang din siya? Ugh! Ano ba 'tong iniisip ko? I'm just sixteen!

Huminto sa paglalakad si Zeph kaya napahinto din ako. Hinarap niya ako at seryoso siyang nakatingin sa'kin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"May nangyari na sa inyo ni Al?"

Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa biglaan niyang tanong.

"Tsk tsk tsk. 'Wag mo na ideny. Magaling ako kumilatis ng tao, Venus." Napabuntong hininga siya at ngumisi sa'kin. "Totoo ba ang tsismis? Ikaw lang makakapag confirm nito."

"Anong tsismis?"

"Na daks si Aldrian."

Nag init ang pisngi ko sa tanong niya kaya tumawa siya ng malakas. Kumapit siya sa braso ko at nag lakad na kami ulit.

"Ano? Daks ba talaga?"

"Uhm. More than daks pa ata." Nahihiya kong sagot kaya lalo siyang natawa.

"Masakit?"

"Malamang! First time e." Nakakainis naman 'tong mga tanungan ni Zeph.

"Hmm. Alam mo ba? Matagal ko na kayong sinusubaybayan ni Al e. Sure ba kayong magkaibigan lang kayo? Ay! Hindi na pala kayo magkaibigan kasi nag sex na kayo." Parang nang aasar niyang sabi at ewan kung bakit naaasar ako.

"Magkaibigan parin kami, Zeph!"

"Oh come on tutubi. Walang magkaibigan na nag se-sex. Tsk tsk. Sixteen ka palang pero may experience ka na. Jusko. Dapat panagutan ka niyang si Al. Dapat ligawan ka niya."

"Hell no!" Sigaw ko. "Ayokong magpaligaw kay Al. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, Zeph. Hindi na hihigit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko towards him. Hindi mababago ng nangyari sa'min ang friendship namin. It's a big no for me! Nakakadiri kaya. Imagine, para na kaming magkapatid tapos nag ano kami? Nakakasisi 'yon." Sunod sunod kong sabi.

Takip takip ni Zeph ang bibig niya at gulat na nakatingin sa likod ko.

Napalingon din tuloy ako do'n at nakita ko si Al na walang emos'yon na nakatingin sa'kin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Narinig niya ba ang mga sinabi ko?

"A-Al," Tawag ko sa kaniya pero tinalikuran niya lang ako at nag lakad na siya palayo.

"Oh, Girl. Confirmed. Na-hurt ang Prince Aldrian Ortega."

-

Don't forget to follow, vote, comment and share. Spread loooove not leeeegs 😋

Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon