Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni Al. Nami-miss ko na siya. Paano kasi hinalik-halikan niya ako tapos ngayon iiwas iwas siya? Hindi ko tuloy maiwasang mag isip ng negatibo. Like, hindi niya ba gano'n kagusto ang lasa ng labi ko kaya siya lumayo?
Oo, nahihiya din ako sa nangyari. Naiilang din ako. 'Pag makakasalubong ko nga siya hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya pero hindi ko naman siya iniiwasan. P'wede naman namin 'tong pag usapan. Bakit kailangan niya pa akong iwasan?
Tapos birthday ko pa ngayon. Hindi manlang ba niya ako babatiin? Ang dami nang bumati sa'kin. Halos buong campus na ata binati ako sa facebook, text at sa personal. Maski sila Mommy at Daddy. Maski si Tita Esther. Pero siya, ni hi ni ho wala akong naririnig mula sa kaniya.
Naiinis na ako. I'm frustrated right now! Gusto ko siyang sigawan. Nakakainis siya kahit kailan!
Lumabas lang kami nila Mommy, Daddy at Tita Esther. Kumain kami sa mcdo tulad ng hiling ko. Ayoko nga kasi magpa-party. Mas'yadong ma-trabaho at stressful.
Hindi siya sumama sa'min kumain sa Mcdo at mas lalong nadadagdagan ang inis ko sa kaniya. Ang excuse niya kay Tita Esther, try out nila ng volleyball. Gusto kong sabihin kay Tita Esther na hindi naman marunong mag volleyball 'yon e. Kahit ano'ng sports walang kaalam alam 'yon. Takot nga ata sa bola 'yon. Pero siyempre alam ko namang palusot niya lang 'yon para makaiwas sa'kin.
Okay fine! Ayaw niya ako kausap, 'di wag!
Hindi ko maiwasang mapahagulgul sa cr ng mcdo. Ang gago gago talaga no'n. Palagi nalang siya ang nagpapaiyak sa'kin.
Nauna nang umuwi sila Mommy, Daddy at Tita Esther. Sinabi ko kasing pupunta muna ako sa mall para ipag shopping ang sarili ko. Binigyan kasi ako ng 2k ni Daddy kaya ipang sho-shopping ko 'yon. Lilibangin ko nalang ang sarili ko since it's my birthday today.
Papara na sana ako ng taxi nang tumunog ang cellphone ko. Si Thor---barkada ni Al. Bakit 'to tumatawag sa'kin?
"Hello?"
"Hi, Venus! Happy birthday!"
"Uh. Thank you."
Hindi kami close ni Thor pero meron siyang number ko dahil madalas pakialaman ni Al ang cellphone ko. Mas madalas niya nga ito gamitin at tuwing makikitawag siya sa'kin, laging si Thor ang tinatawagan niya kaya sinave ko nalang ang number.
"Kasama ko si Al ngayon. May pa-party dito sa condo. Punta ka?"
"Ha? Ano'ng meron?"
"Binin'yagan lang namin ang condo. Alam mo namang pinagawa ko 'to, 'di ba? Haha. Kaya sama ka na. Nandito rin sila Meghan."
Biglang sumama ang timpla ng mukha ko. So kasama niya sila Meghan kaya hindi niya ako magawang batiin?
Meghan is also a campus crush. Almost perfect 'yon. Maganda, matalino, mabait at mahinhin. Siya ang SSG president. At noon pa man, inaasar na silang dalawa ni Al. Bagay daw kasi sila pero hindi naman totoo 'yon. Mas'yadong maganda si Meghan para kay Al na b'wiset kahit kailan.
"Okay. Punta ako."
Binaba ko na ang tawag at pumara ng taxi. Gago ka talaga, Al. Humanda ka sa'kin. Siguro nakikipag chukchukan ka kay Meghan noh? Nakakainis ka! Grrrrkkk.
Ewan ko pero nanginginig ang buong laman loob ko 'pag dating ko sa condo ni Thor. Nakapunta na ako dito before kasama si Al pero isang beses lang 'yon kaya alam ko kung saan ito. Paulit-ulit akong nag doorbell. Ang tagal naman nila mag bukas.
Ilang doorbell pa ay bumukas na ang pinto at bumungad sa'kin si Hanah. Ngumiti siya nang makita ako kaya ngumiti nalang din ako. Magkaklase sila at sila ang magbabarkada habang ako, wala akong ibang kaibigan kung hindi si Al.
"Sorry hindi ko narinig agad. Ang ingay kasi nila sa loob. Nag i-spin the bottle."
Rinig na rinig ko nga mula dito ang hiyawan at tawanan nila. Ang lakas ng tawa ni Al. Sarap sungalngalin ng lalamunan.
"Okay lang." Pumasok na ako at sa sala, nagkalat silang magbabarkada. Nakapabilog sila habang nasa gitna ang bote ng red horse. So umiinom nga sila. Marami pa'ng iba ibang brand ng alak na nag kalat sa semento.
Inis na tinignan ko si Al na nakapatong ang ulo sa balikat ni Meghan habang tumatawa. Mukhang lasing na siya at mukha siyang masaya.
Wow. Happy Birthday sa'kin ah!
"Andito na si Venus!" Anuns'yo ni Hanah at napalingon silang lahat sa'kin.
Pilit akong ngumiti. Kaniya kaniya silang bati sa'kin nang happy birthday, tanging si Al lang ang hindi bumati. Sige, sagadin mo ang pasens'ya ko.
"Kain ka, Venus." Alok ni Tristan.
"No thanks. Kaka-kain lang namin nila Mommy."
"Oh. Umiinom ka ba?" Tanong ni Thor.
"Hindi."
"Oo."
Sabay naming sagot ni Al. Sinamaan niya ako ng tingin at tinaasan ko lang siya nang kilay. Hindi ako umiinom pero dahil binuwiset mo ang araw ko, b'wi-b'wisitin din kita.
Nag umpisa na akong uminom habang tuloy sila sa pag k-k'wentuhan. Nakikisabay lang ako sa tawanan at asaran nila. Ramdam ko sa peripheral vission ko ang matalim na tingin sa'kin ni Al.
Nahihilo na ako at parang gusto ko nalang matulog.
"Excuse me. Iihi lang ako." Mukhang hindi nila ako narinig kaya tumayo nalang ako lumayo doon para hanapin ang ban'yo.
Umakyat ako sa taas. Parang gusto ko talaga matulog.
Binuksan ko ang unang pinto na nakita ko at pumasok ako do'n. Nagulat ako nang biglang sumara ang pinto at ni-locked 'yon. Salubong ang kilay ni Al na nakatingin sa'kin.
"Bakit ka nandito?" Matalim niyang tanong.
"Bakit ka rin nandito? Hahalikan mo ako?" Natatawa kong tanong. Oh God! Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko? "Tapos ano? Iiwasan mo ako after? Hindi mo ako babatiin sa birthday ko?"
"Venus, umuwi ka na."
"Bakit? Para mag chukchukan kayo ni Meghan?"
"Ano'ng magchukchuk--fuck. Ewan ko sa'yo. Ano'ng oras na. Umuwi ka na."
"La oa. 8pm palang. Kala mo naman 'to. Tawagan mo nga si Thor at mag kiss kami dito. Baka siya hindi umiwas 'pag nag ki---ah." Napasigaw ako nang hablutin niya ang dalawang braso ko.
"Venus, hindi na ako natutuwa sa'yo. Uuwi na tayo!"
Sinampal ko siya dahilan para matigil siya.
"Akala ko ba bestfriend kita? E bakit mo ako iniiwasan? Hindi mo pa ako binabati. Birthday ko ngayon oh. Tinupad ko naman 'yong sinabi ko na mawawala na 'yong bandage at pasa ko bago ang birthday ko ah. Pero nag kiss lang tayo, iniiwasan mo na ako." Napahagulgol nalang ako sa sobrang inis.
"I'm sorry. Hindi ko naman intens'yon na iwasan ka."
"Pero ginawa mo parin! Binati ako ng lahat pero ikaw hindi mo ako binati! Ano'ng klase kang kaibigan? Wala kang k'wentang kaibigan!"
"Alam ko!" Sigaw niya dahilan para mapatigil ako. "Wala akong k'wentang kaibigan, Venus. Wala na akong k'wentang kaibigan simula nang halikan kita, naiintindihan mo ba 'yon? At mas lalong wala na akong k'wentang kaibigan dahil mas higit pa sa halik ang gusto ko ngayon!"
"Ano'ng---"
"Venus, please. Let's fuck."
"Al--hmmm." Napapikit ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Mariin at walang pag iingat na halik. Tila nagmamadali, tila may hinahabol.
-
Don't forget to follow, vote, comment and share. Spread loooove not leeeegs 😋

BINABASA MO ANG
Get Wild
Fiksi UmumMatalik na magkaibigan sina Aldrian at Venus ngunit nag bago ang lahat nang may isang gabing nangyari sa kanila. Dala ng pag-iinit at kalasingan, nakalimutan nila kung ano ang estado nila sa buhay ng isa't isa. Ang isang gabing pagtatalik ay nasunda...